Sunday it is. Alyssa the Alipin no more, malaya na ulit sa panali ang babaeng 'to. Pagkagising ni Den ay tulog pa si Alyssa, imbis na gisingin ito ay hinayaan niya siyang matulog ng mahimbing. Bumaba si Den para kumain kasama ang iba.
"Si Ly?" Tanong ni Dzi habang hinahanap ng tingin niya si Alyssa.
"Tulog pa po, hindi ko na ginising, mahimbing kasi ang tulog." Sagot ni Den nang maupo. "Baka topakin ulit yun sa nangyari kagabi." Dagdag niya habang kumukuha ng pagkain.
"May hindi ka pa sinasabi samin, anong ginawa niyo ni Alyssa? Bakit sabay kayong bumalik sa Dorm?" Sunod-sunod na tanong ni Fille, huminto sa pagkuha ng kanin si Den at tumingin lang sa kanila, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanila ang lahat dahil iba rin ang iisipin nila. "Paalam samin ni Alyssa na sa SB ang punta niya. Tell us, magkasama ba kayo kagabi?" Tanong niya ulit na dumilat sa mata ni Den, walang sinabi si Alyssa na SB ito tatambay kaya nagtaka siya sa sinabi ni Fille.
"Po? SB pala ang punta niya? Wala akong alam Ate. Second, magkasama kami nung gabi pero hindi ko alam na sumunod lang siya sakin." Inamin ni Den at tumango silang lahat, "Kinausap niya ako about sa sakit na dinaramdam niya dahil kay Jovee, yun lang po." Umaaligid ang mata niya dahil kinabahan siyang magsalita tungkol dun, hindi niya binanggit na may pinagusapan pa sila maliban kay Jovee at malamang ay walang alam ang mga ito sa nangyari bago umalis si Den ng Dorm.
Pagkatapos niya kumuha ng kanin ay nagtanong si Mae, "Si Jovee lang ba ang pinagusapan niyo? Iba ang kilos niyo pagbalik, at bakit ang dikit niyong dalawa tapos may hawak kamay pang nalalaman?" Gusto ata ni Mae na bukuhin si Den pero ayaw ni Den umamin dahil magkakaroon ng issue lalo na't si Jovee nandito na sa Pinas, anytime pag nalaman ay baka paghinalaan sila ni Jovee.
Lumunok at huminga ng malalim si Den bago sumagot, "Siya lang naman yung nanguna, sinabayan ko lang. Seryoso ako." Huminto siya bago magpatuloy. "Walang something, hindi ako gagawa ng isang bagay na pwedeng ikasira namin dalawa lalo na si Jovee." Sabi niya tapos sumubo ng pagkain.
Tinignan naman ni Ella ang mata ni Den at taliwas ito sa sinabi ni Den, dahil Psychology si Ella ay nahalataan niyang may hindi sinasabi si Den at medyo nagsisinungaling ito, "May Psych dito Den, wag ka naman pahalata masyado." Sabi niya habang tumititig sa mata ni Den. Napahinto sa pagkain si Den at tumingin kay Ella na parang nagmamakaawa, tama nga ang hula ni Ella. "Okay lang yan, tulog pa si Ly oh." Sabi niya kay Den para makwento nito ang ibang pangyayari.
DENNISE'S POV
Hindi ako makakain dahil sa mga 'to, gusto talaga malaman kung ano nangyari kagabi samin ni Alyssa at kung bakit magkahawak ang kamay namin paguwi dito. Sinabi ko na si Alyssa ang nanguna at sinabayan ko lang. Hindi ko binanggit na may iba pa kaming pinagusapan dahil mangaaliburoto sila lalo na si Ate Dzi, alam niyo naman. Ito naman si Ella may gana akong bukingin sa harap ng hapagkainan, imbis na mapapanatag ang loob ko eh sumingit itong si Bully-liit.
Tumitingin lang sila sakin na tila sabik na makwento ko ang ibang pangyayari kagabi, wala akong alam na sagot kasi hindi ko rin alam kung bakit holding hands kami ni Alyssa nun, siguro dahil masarap hawakan ang kamay niya? O dahil gusto kong mapakalma muna siya tungkol sa isyu nila ni Jovee? Siguro... I'm not sure, I am torn in between. Kahit ano sigurong sagot na ibigay ko magmamasid parin sila sa tunay na dahilan, kita sa mukha nila eh.
Napapitlag ako nang kumalabit si Ate Dzi, masyado pala akong nagiisip, wala parin akong masagot. "Wala akong dapat i-kwento, yun lang naman." 'Yan lang ang sabi ko, ayoko na talaga pagusapan ang kagabi. Isa pa, babae kaming dalawa at kapag makarating ito kay Jovee malamang madadamay ako sa away nila. Kumain nalang ako ulit, hinayaan ko silang pagmasdan ako habang kumakain, gutom na ako.
BINABASA MO ANG
In Your Eyes
FanfictionDennise is a Freshman from Ateneo, she is a good natured lady who is a Volleyball Player from CSA. She hates brats. Specifically, she hates Alyssa Valdez. Alyssa is a Freshman from the same University, the complete opposite of Dennise. Why? Stubborn...