CHAPTER 7
Youngmin's POV
[at the stage]
wow yung babaeng sumigaw ah. Parang hindi kapani-paniwala na prince kami. Lahat tuloy tumingin sa kanya . Pero bumalik naman sa normal agad.
Sabay kami ni Kwangmin sa stage kaya hindi nabored ang mga tao, medyo joker rin kasi kami. Matapos namin magbigay ng speech ay nagpasalamat si King Fernando at nagsalita ulit si papa. Nag-open sila ng overnight party. Pumunta ako sa backstage at nag-ayos sa sarili ko . Tapos pumasok rin si Kwangmin .
[backstage]
Kwangmin - bro ... di ka ba sasali sa kasiyahan sa labas ?
Youngmin - ayoko ..
Kwangmin - bakit ? dahil nandoon si Flora ?
Youngmin - exactly . alam mo naman diba .
Kwangmin - bro , magbati na nga kayo . 3 years na ang lumipas .
Youngmin - hindi pa ako totally na naka move on sa mga ginawa niya. tuwing nakikita ko siya ay nasasaktan parin ako .
Kwangmin - ikaw ang bahala bro . Pero kung ako sayo, haharapin ko na siya . Lagpasan mo mga kahinaan mo at baka mas lumala pa yan eh .
Biglang may pumasok ..
At si Flora nga ........
Flora - Honey ? Tama nga hinala ko . Andito ka lang .
Youngmin - Sino ba tinutukoy mo ?
Lumapit si Flora sa akin at hinawakan nya ang kamay ko.
Flora - No other but you..
Kinuha ko ang kamay ko at tumalikod sa kanya , Tapos biglang nagsalita si Kwangmin .
Kwangmin - Lalabas muna ako bro . Face your fears ...
At lumabas nga siya..
Youngmin - Umalis ka na nga rin Flora .
Flora - Hon? Tanggap mo na diba ang sorry ko ? At tsaka matagal na yun eh ..
Youngmin - oo, pero ayaw pa kitang makita.
Flora - Let's start all over again honey .. Mahal pa kita . I admit na kasalanan ko . Pero please ?.. I love you ... ♥
Nainis ako sa acting niya kaya tina-asan ko siya ng boses .
Youngmin - Princess Flora Avril , umalis ka na nga dahil may ibang nagugustuhan na akong prinsesa .
Flora - huh ? Di yan maaari ! Hindi yan totoo . Sge nga ? Ano ang pangalan ng babaeng yan !
Nag- isip ako ng pangalan pero .............
Youngmin - Princess Yuna .
Si Yuna lang ang lumabas sa isipan ko
Flora - Kung sino man siya ! Wala akong paki-alam ! Mahal kita at Akin ka lang !
Medyo di na maganda ang drama niya .. At napansin kong medyo lasing na pala ito . Kinarga ko nalng siya at pina-inum ng pampatulog para masa-uli ko siya sa papa niyang naghahanap na . Ang papa niya ay isa sa mga special guest kanina .
Pagkahatid ko sa papa niya .
Mr. Avril - Thanks Prince Youngmin for taking my daughter back here.
Youngmin - My pleasure Mr. Avril .
Nagbow kami sa isa't-isa at lumabas na ako habang siya ay nag paiwan sa kwarto ng anak niyang si flora .
Pagod na ako at 3am na . Kaya matutulog nalang muna ako sa hotel .
Si Flora pala ay ang kasintahan ko noon . Naging masaya naman kami noong nagsasama pa kami , kaso talagang dumating ang araw na nabalitaan kong nakipagbalikan pala siya ng ex niyang si Prince Federicho ng palihim . Nalaman ko lang ito dahil may nakakita sa kanila na mga tauhan ko . May ipinakita pa nga silang picture na naghalikan sila ni Federicho . Galit na galit ako sa kanya, at dahil mahal ko siya ay nag let go nalang ako kahit ang hirap hirap at ang sakit sakit.. Mas masakit pa dahil mas pinili nya yung ex niya at nagpasalamat pa kasi nagparaya ako sa kanila . Tapos year later ay bumalik siya sa akin at humingi ng tawad. Makikipagbalikan siya dahil niloko lang rin daw siya ni Federicho . Pero hindi na ako tanga para maniwala pa sa mga sinungaling niya kaya hindi ako pumayag . Nagpakalayo ako sa kanya at umiiwas na .
Isa siyang malanding prinsesa at best actress pa . Hindi ko akalain na naging sila sa loob ng ilang buwan na di namin pagkikita . At kaya pala parati na kaming nag-aaway bago ko pa man nalaman ang katotohanan dahil may ibang nilalandian na pala siya. Hamak naman na mas gwapo ako eh at mayaman. Hay ... Bakit ko ba to iniisip .. Walang kwenta .. Mabuti pang makatulog na ..
Kwangmin's POV
Eto ako , palakad lakad sa labas ng hotel at hindi makatulog . Iniisip ko kasi si Bei. Last naming pagkikita ay sinayang ko pa . Hindi ko nasabi na mahal ko na siya . Palakad lakad ako hanggang sa may nakita akong lumipad na poster . Isang poster ng isang model yata to, dinampot ko at tinignan kung sino at ano to . Nang tatayo na sana ako ay may nakita akong paa na nakahill at pagtingala ko ay nakita ko yung nasa poster . Ang pangalan niya ay si Princess Lianne Tolentino .
Lianne - Hi ! poster ko yan .. salamat sa pagdampot .
Kwangmin - oh , welcome . here
Ini-abot ko sa kanya
Lianne - Nabasa mo naman siguro ang name ko sa poster . im Lianne .
Iniabot niya ang kamay niya para makipagshakehands sa akin.
Kwangmin - Kwangmin
Nagsmile siya at tumalikod . Parang familiar ang mukha niya ? Nandun ba siya sa party kanina ? Puro royal blooded kasi ang nandun kanina , Hindi ko siya nakita pero bakit familar siya ? Di bale na nga , matutulog nalang ako . Kaya pumasok nalang ako sa hotel at para makag pahinga.
Yuna's POV
Nagising na ako at ginising ko na rin si Bei. Magpeprepare pa kasi kami para mamayang gabi sa flight namin . Kahit anong gawin ko ay di na ma erase yung kagabi . Kaya inayos ko nalang mga gamit ko . Habang nag aayos ako , may nahulog na picture galing sa wallet ko . Dalawang bata na lalaki . hindi ko na to sila kilala ngayun , baby pa kasi sila dito sa picture . Kababata raw namin to sila ni Bei hanggang sa mag 3 years old na kami . Hindi ko na alam kung saan na sila ngayun pero tinatago ko parin tong picture na to . Naalala ko pa nung sabay pa kami pinapaliguan, nakakatawa at di ko na maisip . Magkasabay rin kaming kumakain at naglalaro . Nasa iisang tirahan lang kami kasi noon . Parang magkapatid ang turingan naming apat.
Sinauli ko na yung picture sa wallet tapos nag-impake na . At natapos naman ako agad . Pagsara ko sa bag , namalayan ko sa zipper na may nakabitin . Naalala ko bigla na inayos pala ito ng kababata ko nung naglalaro kami. Sa lahat ng memories ay yun ang di ko malimutan. Nasira kasi yung pearl na bracelet ko , inayos niya para sa akin . Pero kasi maliit na to , isinabit ko nalang sa zipper ng bag ko . Pinagtiyagaan niya talagang ayusin para lang daw ngumiti na ulit ako . :) Hindi ko na matandaan ang pangalan nila . YO, yun ang tawag ko sa isa at si KA naman yung kakambal niya . Hmmm. Di bale na nga .. Nakaraan na yun , pero ......... saan na kaya sila ngayun ...............
BEI's POV
Tapos na si Yuna sa pag aayos ng mga gamit niya . Pati ako , naaliw ako sa nakita kong ballpen . Dala dala ko pa tong ballpen na wala ng ink . Bata pa ako nito , regalo daw to ni Ka , yung isa kong kababata . Nung last day ng pagkikita namin ay binigay niya to . Natago ko pa pala . May guhit na stitch , color blue .. Tapos naka ukit ang pangalan ko , "BIM" .. Ang tawag niya sa akin . At Ye naman kay Yuna . Nakakatawa ano? :)
Umiiyak pa daw kaming apat ng pa alis na sila kasama ang papa nila sa bahay namin. Ilang araw pa ang dumaan bago kami bumalik sa pagiging masayahin, namimis kasi namin yung kambal.
Tinignan ko ang oras, 5pm na . Naghihintay nalang kami ni Yuna sa time para pumunta na sa airport.
BINABASA MO ANG
THE TWINS ♥♥
Teen FictionBeing a prince is not an easy task. Not to mention they fall inlove with the maids. Oblivious of the fact that they are also royal blooded!.