CHAPTER 16
Yuna's POV
Habang naglilinis kami ni Bei sa isang silid, napapansin ko na ang dalawang Prinsipe ay palaging dumadaan kung saan kami naglilinis. Tapos may sabay pang silip. Naiinis narin ako kasi nakaka annoy yung mukha nila, lalo na si Youngmin.
Lumingon ako kay Bei na nasa likod ko lang.Yuna- Bei, pwedeng pakisara ng pinto? May mga manyak kasi. Salamat
Bei- Bal naman?
Yuna- Ano? Dadagdagan mo pa ang panganib natin?
Tumawa lang si Bei at sinara ang pinto. Pero bago pa man masara ni Bei ang pinto, may humarang sa kabila.
"Excuse me, tignan mo naman na may papasok"
Bumungad ang dalawang witch. Hindi umimik si Bei at nagbow lang at agad bumalik sa pwesto niya para maglinis.
Aangal na sana si Yuna, pero biglang naalala niya yung babala sa kanila. Naisip nya na baka dito nakatago ang mga camera ng mga bruha. Kaya inayus niya ang sarili niya at nagbow sa kanila.
Hindi inexpect ng dalawang bruha ang reaction ni Yuna. Nagtinginan sila at umupo nalang.
Si Bei naman ay patuloy na nililinis yung mga libro na naka pile lang. Nasa magkabilang dulo sila, nakapatong sa movable and adjustable na hagdan. May pipindutin lang sila ay gagalaw o di kaya tataas ito na naka kabit lang sa malaking bookshelf. Patuloy na naglilinis ang dalawa habang ang dalawang bruha ay naghihintay ng timing. Naka upo lang sila kunyari ay nagbabasa ng isang magazine na kinuha pa nila sa isang maliit na shelf.
Kinakabahan si Yuna baka anong plano ng dalawa. Nag aalala siya para kay Bei. Binilisan niya ang paglilinis sa mga libro.
Kahit mabilis ay malinis parin ang kinalabasan. Umabot lang siya ng halos dalawang oras sa paglilinis ng napakalawak na bookshelf. Ang taas nito ay 20 feet.
Medyo delikado ang kaya doble ang ingat nila.
Kapag pinapagalaw nila gamit ang buttons na nasa hawakan ng hagdan ay umuupo sila muna. Pwedeng pa ibaba or paitaas, pakanan o pakaliwa. Hindi naman masyadong mabagal si Bei pero mas mabilis lang talaga si Yuna sa pag galaw,
hanggang naka abot na siya kung saan naglilinis si Bei. Mga 1/4 lang nalinis ni Bei, si Yuna na nakalinis sa 3/4. Nabigla si Bei sa bilis ni Yuna at napatitig nalang. Ngumiti lang si Yuna at nagsenyas na aalis na sila. Tumango lang si Bei. Iniayos nila ang basahan at duster na dala nila at inilagay sa balde na nakalabit lang sa hagdan. Magkatabi na ang automatic stairs na inaapakan ni Yuna sa ginagamit ni Bei. Nang uupo na sana sila, biglang gumalaw ang hagdan kahit di pa nila napipindut ang buttons sa magkabilang rails ng hagdan."Aaaaah!"
"BEIIII!!!!"
Flora's POV
Pagpasok palang namin, nabigla ako sa reaction ni Yuna. Bakit hindi siya nagalit? Eh noon, ang tapang tapang niya kaya.
Umupo ako na nakatalikod sa kanila, habang si Lianne ay nakaharap sa akin at nagmamasid sa galaw ng dalawang bruhang maid!Sa wakas, makakaganti narin kami. Humanda kayo! Pipilayan ko kayo!
Medyo nakakabagot dahil ang tagal ng right timing. Kada sampung minuto, tinititigan ko si Lianne ng patanong. Umiiling lang siya at nagsesenyas ng maghintay muna. Mga malapit dalawang oras na yata, nakakabagot na, kaya pumikit muna ako. Nang biglang tinap ni Lianne yung mesa ng mahina ngunit maririnig ko. Pagbukas ng mata ko, nakita ko yung kamay niya na nakahawak sa sariling wrist niya.
Iyon na ang sinyales para gawin ko na.
Clinick ko yung button na nakatago sa ilalim ng wrist ko.Biglang narinig kong tumili sila Bei at Yuna at kunyaring nabigla kami. Paglingon namin, nakita naming nakakalabit si Yuna sa hagdan ng mabuti at nakahawak sa kabilang kamay niya ang kamay ni Bei na nakabitay ang katawan, muntikan ng mahulog. Nainis ako dahil bakit hindi sila natuluyan!
At para takpan ang aming ginawa, tinignan ko si Lianne at inutusang humingi ng tulong. Agad naman siyang tumayo at ako naman nagtungo sa dalawang bruhang maid. Syempre, pinakita ko na kunuari nag aalala ako.
Flora- Anong nangyari?? Mag ingat naman kayo!
Pero hindi palang naka labas si Lianne, may agad ng pumasok na tulong. Ang laking gulat ko ay sina Kwangmin at Youngmin ang pumasok! Bakit sila?!
Youngmin's POV
Talagang sinabihan namin ang mga katiwala namin na manantili muna kami sa mansyon. Ito ay para mabantayan namin sina Yuna at Bei. Palakad lakad kami kung nasaan ang dalawa. Umupo lang kami sa may balcony na mga benteng hakbang lang malapit sa library. Sumasakit na kasing paa namin at tsaka sinara nila ang pinto eh!
Kwangmin- Kuya
Nang sasagot na sana ako, may narinig kaming sigaw. Nagtinginan kami ni Kwangmin at alam naming sila Bei at Yuna yun. Agad kaming tumakbo at ilang segundo lang, binuksan na namin ang pinto. Nang nakita ko si Yuna sa itaas na nakahawak lang sa isang edge ng hagdan habang si Bei ay hawak niya sa kabila, muntikan ng mahulog.
Agad akong tumakbo para umakyat sa hagdan habang si Kwangmin ay agad tumakbo sa paanan.
Kwangmin- Bei! Bumitaw ka! Sasaluin kita! Magtiwala ka!
Habang nakikita ko yung takot sa mata ni Yuna at Bei, mas nagkalakas loob akong umakyat sa hagdan.
Youngmin- Yuna, bitawan mo na si Bei! Baka mahulog ka rin! Magtiwala ka kay Kwangmin! Diyan ka lang, paparating na ako!
Tinignan muna ni Yuna si Bei upang humingi ng pahintulot sa kambal niya. Kahit may bahid na takot ang mata ni Bei, tumango siya kay Yuna. Pumikit si Yuna at pinakawalan niya ang kamay ni Bei.
Pumikit rin si Bei ng pahulog na siya. Medyo ang lalim, at mabuti nalang ay nasalo nman ni Kwangmin si Bei ng matiwasay.
Napabuntong hininga ako. Ngunit may naramdaman akong tubig tumulo sa kamay ko. Pag tingala ko, nakita ko si Yuna na nakapikit parin habang lumuluha. Parang may pumiga sa puso ko ng nakita ko siyang umiiyak at natatakot. Kaya mas binilisan ko ang pag akyat para sagipin siya. Nakita kong nanginginig na ang kamay niya kaya mas natakot na ako.
Flora's POV
Hindi ko akalaing sasagipin ni Youngmin si Yuna! Nakaramdam ako ng selos at inis.
Napahawak ako sa dibdib ko at nadiin ko ang remote control na nakatago lang sa wrist ko na hindi sinasadya.
Biglang gumalaw ang hagdan, si Youngmin ay napahawak ng mahigpit sa hagdan at napasigaw siya, "YUNA!!!".
BINABASA MO ANG
THE TWINS ♥♥
Teen FictionBeing a prince is not an easy task. Not to mention they fall inlove with the maids. Oblivious of the fact that they are also royal blooded!.