CHAPTER 15
Yuna's POV
tatalong araw na ang nakalipas simula ang pangyayari sa pagkawala sa pearl ni Jas at pag-amin nila Lianne at Flora sa ginawa nilang pagnanakaw. Hindi ko parin lubos maisip kung bakit naawa ako sa kalagayan ni Lianne nung tumakbo siya. Pero nagagalit din ako kapag naiisip ko na muntikan na niyang masampal si Bei. Buti nalang at sinalo ni Kwangmin. Ang angas? Mala Prince Charming ang dating?
Pero mas nagtataka ako kasi kinabukasan sa mga pangyayari, may natagpuan akong isang sulat sa ibabaw ng wooden table namin ni bea. Sulat na nakalagay sa red envelope.
Habang naglilinis ako ng bintana, bumuntong hininga ako at kinuha ang basahan na ginamit kong panlinis ng window pane. Inilagay ko ito sa balde at nilagay ko sa kabinet kung saan nakalagay ang mga gamit panlinis. Pumunta ako sa kabilang bintana na nalinis ko na rin at binuksan ko ito. Nasa third floor ako, isa sa mga guest rooms naglilinis. Lalabas na sana ako ng kwartong (335) ng biglang may naaninag ako na taong naka black sa labas, naka tayo sa may puno. Lumapit ako sa bintana pero wala na akong makita. Dumungaw ako pero wala. Nagtaka ako kung sino. Kasi nasa puno siya, nakapatong sa malaking sanga at ang puno ay abot hanggang third floor. Sino ba yun? O baka pananaw ko lang lumalabo?
Di ko na pinansin at lumabas nalang ako. Sa tatlong araw na lumipas, hindi nagparamdam sina Lianne at Flora. Sabi ng mga katulong ay meron sila sa umaga pero nawawala naman agad. Nakapagtataka pero mabuti na rin yung ganun para naman walang gulo.
Maglulunch time na, kaya dumiretso na ako sa kusina. Natagpuan ko si Bei na kumakain na.
Yuna- Aba, hahah
Sumagot si Bei habang may minumuya pa.
Bei- urhm Nargugutorm na'ko. Shorry, dina kita hinanarp rmm hahah
Yuna- Kumain ka nalang nga hahahahaahhaah
Di na siya sumagot, ngumiti nalang na may pagkain pa sa bibig hahaha.
Habang naghahain ako ng pagkain ko, nakita kong uminom ng tubig si Bei at nilunok ang kinakain.
Bei: Yuna, may sasabihin pala ako sayo. Matapos mong kumain, sabay tayong pumunta sa silid natin.
Napahinto ako kasi yan din sana sasabihin ko sa kanya.
(at the teahouse)
Kaya hindi nakikita nila Yuna at Bei sila Lianne at Flora dahil umiiwas sila. Binabalaan nila lahat ng katulong na hindi sasabihin kung saan sila. Umiiwas sila habang gumagawa pa sila ng plano
Lianne- Ano na? tatlong araw na wala pang nangyayari. Ano nang gagawin natin? Ayoko ng magtago sa kanila.
Flora- Hintay ka lang. Ipapamukha natin sa kanila na kunwari natatakot tayo. Para sa susunod na pagkikita, masyado na silang mapagmataas. Magpapakabait tayo at magrerecord tayo para may ibedensya. Bukas na bukas, gagawin na natin ang plano ko.
Tumango lang si Lianne at ngumiti si Flora.
Flora- Mamaya na yan si Jas. Uunahin muna natin ang mga panirang maids.
(Sa silid nila Yuna at Bei)
Tumayo si Yuna habang si Bei ay naka upo lang sa kama nila. Nakita ni Bei na may kinuhang red envelope si Yuna galing sa drawer ng wooden table nila na nasa tabi lang ng kama nila.
Umupo si Yuna sa harap ni Bei at pinakita ang envelope
Yuna: Tignan mo.
Nabigla si Bei at bago pa man siya umimik ay bigla siyang tumayo at tumungo sa kabinet niya. May kinuha rin siyang envelope na pula at bumalik sa kina-uupan niya kanina.
BINABASA MO ANG
THE TWINS ♥♥
Teen FictionBeing a prince is not an easy task. Not to mention they fall inlove with the maids. Oblivious of the fact that they are also royal blooded!.