The Missing Pearl

5 0 0
                                    

CHAPTER 13

Yuna's POV

Ang sarap ng tulog ko. Umunat-unat muna ako bago bumangon. Naisip ko ulit ang masayang pangyayari kagabi. Ang bagay bagay nila tignan. Medyo nakakainggit si Princess Jas kasi may Prince Minwoo na siya. Kailan ko pa kaya maaangkin si Wooyang? HAHAHAAH Nagdedaydream na naman ako.

Paglingon ko sa gilid, dun ko pa namalayan na wala na pala ang kambal ko. Maaga siguro siyang nagising. Inalis ko ang kumot ko at inabot ko ang mga tsinelas ko para tumayo. Lumapit ako sa bintana at binuksan ito. Bumungad sa akin ang mahalimuyak na hangin at magandang sikat ng araw.  Napansin kong may mga ibang maids sa labas na parang may hinahanap?

Lumingon ako sa wooden table at may nakita akong sulat.

"Bal, pag-gising mo, pumunta ka kay Alexir. Nauna na ako, di na kita ginising kanina kasi ang sarap ng hilik mo LOL"

-----Bei----

Naks naman, eh siya rin kaya? Natawa nalang ako. Inilagay ko ang sulat sa loob ng drawer ng wooden table. Umunat ako ng isa pang beses bago tumungo sa shower room.

Alexir's POV

Lahat ay pinatulong sa paghahanap ng perlas ni Jas. Pero itong si Yuna, sigurado akong humihilik pa. Kung di lang sa kambal niya, pinagising na sana siya ni Mr. Lavousier.

Umiinom ako ng tsaa habang hinihintay si Yuna. Nang biglang may kumatok.

Alexir- Pasok

At yun, dumating na ang dalaga.

Yuna- Pinapunta ako ni Bei rito. Bakit pala? Bakit nagkakagulo sila? Anong hinahanap?

Alexir- Matalino ka talaga eh no? Ou may nawawala. Kaya tutulong karin. Nawawala ang perlas ni Jas.

Tumayo ako at sinantabi ko ang tsaa ko. Inilagay ko sa maliit na table katabi ko. Kumuha ako ng isang puting bato na nakapatong lang rin sa table at pinakita sa kanya.

Alexir- Ganito kalaki. Mahalagang perlas yun para kay Jas dahil bigay yun sa ina niya. Tulungan mo sila maghanap. Babalik pa ako kay Mr. Lavousier.

Inabot ni Yuna ang bato at tinignang mabuti.

Yuna- Ganun ba? Pag makita ko? Isasa-uli ko ba agad kay Jas? Kung di ko siya makita agad, saan ko ibibigay? Para naman di sila mapagod sa kakahanp kung nakita na.

Alexir- bakit di ko yan naisip. Haha. Pumunta ka sa audio room, magpatawag ka na nakita na ang pearl kung gayun man.

Tumalikod na ako sa kanya at binuksan ang pinto tapos..

Alexir- wag mong kalimutang magpakabait ha? .

Ngumiti si Yuna at tumango lang.

Yuna's POV.

Edi wow, matapos ang maladramang ball party kagabi, the missing pearl na naman. May kutob akong kagagawan na naman to ng mga bruha. Hindi naman mawawala ang iniingatan mong bagay kung wala namang magnanakaw eh. Hay nako, sakit sa ulo itong mga bruha. Sana may black magic talaga ako. Ginawa ko na talagang ipis yung dalawa tapos ikukulong ko sa kahon. BWAHAAHAHAHAHAHAHAHAH.
Napatigil ako ng may kumatok. Inayos ko ang sarili ko binuksan at ang pinto.

Muntik na akong makalundag. Kasi may panira na namang dumating.

Bumungad sa akin ang bakla, ay este Prinsipeng bakla hahaah

Youngmin- Oh Yuna

Nagbow ako at di na umimik.

Youngmin- Anong ginagawa mo rito sa conference room?

Yuna- Pinatawag lang ako ni Sir Alexir. Tapos na po ang pakay ko rito. Kung mararapatin niyo po ay aalis na ho ako.

Nagbow ako ulit tapos agad na akong humakbang papalayo sa kalamidad.

Bumuntong hininga ako. Malayo layo na yung nahakbang ko. At nang wala na akong narinig na yapak na sumusunod ay nakarelax na ako. Tapos umunat na naman ako. Parang inaantok pa ako. Masakit pa yata ang likod ko. Sa tagal ba naman ng tulog ko? haha.
Napansin ko na nasa dead end na pala ako. Lumingon ako at nakita kong nasa left side ang elevator. Hahakbang na sana ako ng biglang may biglang nagsalita sa likod ko.

"Ang aga-aga inaantok kana?!"

"Ay ANAK NG PIRANHA!".

Tapos napakalas lakas ng tawa niya. Paglingon ko ay ang abnormal na prince pala.
Sa inis ko ay di ko na napigilan. Ka-aga aga nga sinisira mo araw ko!

Yuna- Hoy Prinsepe!

Nanlaki ang mata niya sa inasal ko. Pero wala nakong pake.

Yuna- Kung kinasasaya mo yung panggugulat aba'y sumali ka na lang ng pagiging serial killer sa palabas! Bagay ka dun!

Tinignan ko siya ng masama at agad na akong humakbang ng malaki papuntang elevator. Nanigas siya sa narinig at ang sarap na talagang tumawa.
Pinindut ko agad ang button para masara ang elevator ng biglang humabol ang kumag!!!

Malapit na sanang masara ang pinto ng hinarang niya ang kamay niya. Wala na akong magawa. No choice, maghahagdan nalang ako kesa makasama tong abnormal na prinsipe na to sa elevator.

Lalabas na sana ako ng bigla niya ring hinarangan ang daan. Di ko namalayan nagclose na ang ELEVATOR!!
ANAK NG JJDIWJDSOXJQOSJDIWHSIQHSI

Bumuntong hininga nalang ako para mapigilan ang galit ko. Sinilip ko siya at parang ang saya saya niya pa? Kinagat ko yung labi ko sa sobrang galit ko. Tapos biglang nagsalita siya.

Youngmin: Lalabas ka rin ba?

Di ako umimik. Bobo ba siya? Di niya ba nakikitang inis na ako sa kanya?. Di ko siya tinignan. Pero para respeto kasi hamak na maid lang naman ako? Tumango ako.

Nakita ko talagang ngumiti siya. Yung manyak na ngiti? Sarap na talagang upakan eh. Nagtimpi lang ako hanggang sa bumukas na ang pinto ng elevator. Agad akong humakbang palabas at di niya ako naharang hahaha. Buti nga! Tumakbo na ako at nagtago ako agad pagkalabas ko. Lumiko ako at nagtago sa may pader na nakaharang malapit sa entrance.

Nakita ko siyang lumabas at halatang hinahanap ako. Bumuntong hininga siya at lumiko sa kabilang daan. Nakarelax na ako at umalis sa pinagtataguan ko. Naisip ko. saan ba ako unang magsisimula sa paghahanap?

Youngmin's POV

Natakasan yata ako ni Yuna. Pero wala na akong magagawa, busy pa ako. May meeting pa kami. Mamaya nalang kita kukulitin hahahaah.

Bei's POV

Gising na kaya si Yuna ngayon? Siguro naman kasi mag-aalas dose na. Hahaha. Yung hilik niya di na maalis sa isip ko. Natawa ako habang dumuduko sa kakahanap ng perlas ni Jas. Tatayo na sana ako kasi masakit na ang likod ko ng biglang may nagsalita sa kabilang sulok. Di na ako tumayo pero nagtago nalang ako sa mga halaman. Hindi ko alam kung bakit nagtago ako pero sinilip ko kung sino. Nakita ko ang kulay dilaw na gown at green na gown. Sila Lianne at Flora? Nagtatawanan sila at nakinig ako sa mga sumunod na pinag-usapan nila.

Flora- Ang tanga tanga talaga ni Jas. Ano ba kasing meron sa perlas na 'to?

Sabay silang tumawa
Hindi ako kumibo. Naalala kong hinahanap namin ang perlas. Di kaya nasa kanila?
........

THE TWINS ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon