Chapter 1

12.2K 180 4
                                    

"I love you so much baby Kyungsoo ko"

"I love you more, Boss Jongin"

"Ano kaba? Huwag mo na nga akong tawaging boss, Nakaka ilang kaya"

"Kahit mahal mo ko, Boss pa din kita. Gusto ko pa din magbigay respeto sayo"

"Pero lagi mong tatandaan kahit ano pang tingin nila sayo Kyungsoo, Mahal na mahal kita higit pa sa buhay ko. Handa kong ibuwis ang buhay ko maligtas lang kita"

"Maraming salamat sa lahat Kai, Salamat kasi nandiyan ka palagi para sakin"

"Walang anuman, Basta mahal ko"

*kiss

nang biglang ....

"Ate Kyungsoo, Gising na po papasok na kayo sa trabaho tugon ni Baekhyun, ang nakababatang kapatid ni Kyungsoo

"Ano ba yan? inaantok pako eh. 10 minutes paaaa" tugon ni Kyungsoo habang tinakpan pa nito ng unan ang mukha nito

"Ate naman eh. Dali na kasi mapapagalitan pako ni Nanay Taeyeon eh." inis na tugon ni Baekhyun habang nakatayo ito nang pumapadyak pa ito sa sahig

"Oo na, Sige na umalis kana diyan babangon na ako. Mauna kana doon sa ibaba" ani Kyungsoo habang tumayo na ito sa kama.

   No choice na kasi siya. Kapag kasi hindi niya sinunod si Baekhyun magwawala pa ito sa kwarto niya. Ganyan kasi yang bata na yan masyadong makulit, Hindi sila medyo close dalawa! Ayaw kasi ni Kyungsoo sa makulit. by the way, Hindi na pala bata si Baekhyun (isip bata lang hihiz.)

  Nga pala bago tayo magkalimutan, Ako nga pala si D.O Kyungsoo. 22 years old. Nagtatrabaho ako bilang tindera este tindero pala ng isang kilalang bakery diyan sa amin. Wala akong ibang mapasukang trabaho dahil hindi naman ako nakatapos ng kolehiyo tanging hayskul lang ang natapos ko. Ako ang panganay sa aming magkakapatid at bunso si Baekhyun. Wala na akong ina, dahil namatay ito nung iniluwal si Baekhyun, Tanging ang tatay Jungkook ko nalang ang nag aalaga sa amin ni Baekhyun. Si Nanay Taeyeon, hindi naman talaga namin yun Nanay ni Baekhyun, Nanay nanayan lang namin yun kumbaga.

Well... Naisip ko lang yung panaginip ko kanina. Hindi ko kilala yung lalaking kasama ko sa panaginip pero infairness mga beshy, Ang pogi ni Kuya na kasama ko sa panaginip. Matangkad na tanned skin, tapos Chinito at ang ganda ng ngiti. Tapos ang ganda ng Jawline niya at ang bango niya.

Hays. Sino kaya yung lalaki na yun? Kung tatanungin ninyo ako. Wala pakong boyfriend noh? Single since birth kaya ako. Pero kung may chance akong makilala kung sino yung lalaking nasa panaginip ko, Kikilalanin ko talaga iyon at to be honest, Gusto ko siyang makita in personal.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kyungsoo's POV

   Sa wakas! Nandito na din ako sa bakery namin, Halos natagalan din ako kasi traffic sa amin. May nagkabanggaan daw na sasakyan. Paano ba naman kasi pinuno nang mga tindero at tindera yung daan. Paano yung daan sinakop nila wala tuloy madaan.

"Pabili nga po ng dalawang ensaymada" napalingon ako sa harap ng makita ang isang batang babae na bumibili ng tinapay. Nagulat pa ako dahil nag eemote ako eh. Pang gulo duh!

Nang maabot ko na sa kanya ang ensaymadang binili niya ay agad na itong umalis at nilisan ang bakery namin, Pero bago niya ito nilisan ay nakita ko ang isang puting papel na mukhang sa batang babae galing. Nahulog ito sa sahig hahabulin ko pa sana yung batang babae para iabot ulit yung papel, ngunit nagkainteres akong basahin ang nakalagay dito:

-To be continued-





A/N:

    Kamusta po ang part 1 ng My Boyfriend is my Boss? Sana po ay nagustuhan ninyo. Pasensya na po kung mayroon mang typo error sa mobile lang po ako nag update ng story na ito. Ito po ang una kong story na maipapublish dito sa Wattpad ;)

by the way, OT12 po ang EXO dito hihi !


Miss ko na ang KrisHanTao TT

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon