Chapter 10

1.2K 43 0
                                    

Pagkabitiw ni Jongin sa pagkakayakap ay agad niyang hinalikan si Kyungsoo sa noo. Nabigla naman si Kyungsoo sa ginawa niya.

"Malalaman mo din kung para saan yung halik na ginawa ko sayo, Kyungsoo" ani Jongin habang kumindat pa ito kay Kyungsoo at agad na nagtungo sa kusina para kumain ng agahan

Hindi namamalayan ni Kyungsoo na namumula na pala ang dalawa niyang pisngi kanina pa. Mabuti na lamang ay hindi ito napansin ni Jongin kundi ay aasarin pa siya nito. Agad siyang nagtungo sa kusina upang timplahan ng kape ang sir Jongin niya. Baka kasi malamig na yung kape na tinimpla niya kaninang umaga.

"Uhm? Sir gusto ninyo po ba ng kape kasi-"

"Wag na ayos lang kahit hindi na ako mag kape, Kyungsoo. Magpahinga kana lang muna doon sa kwarto mo" sagot ng sir Jongin niya habang hindi ito nakatingin sa kanya

Natulala tuloy si Kyungsoo sa sinabi ng sir Jongin niya.

"Narinig mo ba yung sinabi ko? Diba sabi ko magpahinga kana? Nag jogging ka so, I'll know that you're tired right? concern na tugon ng sir Jongin niya habang nakatingin ito ng seryoso sa kanya

" Baka naman hindi ka maka move on doon sa ginawa ko sayo kanina?" naka smirk na sagot ni Jongin habang napa lip bite pa ito sa harap ni Kyungsoo

"Ahm sir hindi po, wala naman iyon sa kin" napayuko na sagot ni Kyungsoo, nahiya tuloy siya

"Mabuti naman. Pero malalaman mo din ang ibig sabihin nun" kumindat pa ito sa kanya.

Agad namang nagtungo si Kyungsoo sa kanyang kwarto. Omooo. Nakakapag taka napaka concern naman ng sir Jongin niya diba? Sana araw araw ganito nalang ito, Hindi din siya medyo sanay na hindi gumalaw o gumawa dito sa mansyon kaya nakakahiya yung magpahinga siya. Hindi kasi uso ang magpahinga sa kanya. Wala yun sa bokabularyo niya! Atsaka hindi kasi siya maka get over sa ginawa ni Jongin sa kanya kanina. Hinalikan ba naman siya sa noo diba?
assumera ang kwago. sa noo pa lang diba? sa noo pa lang. Paano pa kaya kung sa labi edi nahimatay ka diyan?
Tapos may pag kindat pa sa kanya ang sir Jongin niya. Triple kill beshy!

Pero nacucurious talaga siya kung may gusto ba talaga sa kanya ang sir Jongin niya. Nakaisip siya ng ideya para malaman niya kung may pagnanasa din ito sa kanya. Plano niyang magsuot ng pang Yaya na damit dahil hindi na niya ito medyo sinusuot naiilang kasi siya. Tapos tutuwad tuwad siya ganurn, kunyari sa harap ng sir Jongin niya yun gagawin syempre

"Pero taena naman Kyungsoo. Magmukha ka namang Pokpok sa pinag iisip mong ganyan" naisip ni Kyungsoo at agad siyang napakunot noo sa kanyang ideya na chaka

"Paano kaya kung landiin ko si sir Jongin?" hays pero paano naman?

"Hays ako na nga bahala basta lalandiin ko nalang siya. Baka biglang kumapit sa kamandag ko." malanding pag iisip ni Kyungsoo habang pinapalo palo pa niya ng unan yung pader ng kwarto niya

Habang nagwawala siya sa loob ng kwarto ay nagulat siya dahil biglang pumasok ang sir Jongin niya sa loob. Nakakunot noo itong nagtanong sa kanya kung anong ginagawa niya. Nagpalusot na lang siya na nakakainis yung binabasa niya na isang romance story sa Wattpad. Napailing naman si Jongin habang pinagsabihan siya na magpapahinga na muna daw ito at bantayan muna maiigi ang mansyon. Tumango naman si Kyungsoo bilang pag unawa.




- to be continued-

A/N;

Awooo! Ang sabaw ng chapter na ito hahaha. Marami sigurong nagsasabi na tapusin na ito dahil wala ng storya hahaha. Kahit ako gusto kong matapos na ito pero marami pa kasi akong naiisip na ideas dito kaya medyo mahaba pa siya guys ;-) hindi naman po kayo mabibigo sa ending nito. hehez.

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon