Chapter 8

1.6K 67 4
                                    

Nasa trabaho si Jongin ngayon at kasama nito ang tropang si Sehun. Pinag uusapan nila ang Yayang si Kyungsoo.

"Pare? Kamutha na kayo ni Kyungsoo? Naka thore (score) kaba?nakangisi na tugon ni Sehun habang sinamahan pa nito ng halakhak.

"Puta, kami ba Sehun?" inis na sabi ni Jongin habang nakatapat sa kanyang laptop

"Hahaha. Guilty ka talaga palibhatha may gutho kana doon tha Yaya mong thi Kyungsoo, Pwede pala yun noh? Sa (tha) bagay, Cute naman ata thiya eh diba?" pigil tawa na sambit ni Sehun

"Sehun naman eh. Pwede ba? Nag tatrabaho tayo ngayon dito. Wag kung ano ano pinag sasabi mo diyan." naka kunot noong sagot ni Jongin habang umirap pa ito kay Sehun

-fast forward-

"Ano kaya pwedeng gawin ngayon dito? Nakakaboring naman dito hays." tugon ni Kyungsoo habang nakaupo ito sa sofa

  
    Maya maya, ay dumating ang sasakyan ni Jongin at nagulat siya dahil may kasama si Jongin. hindi ito babae kundi lalaki din baka barkada ito ng sir Jongin niya. Agad niyang pinindot ang switch upang bumukas ang gate. Unang bumaba si Jongin at sunod yung kasama niya. Mukhang pamilyar yung kasama niya ah? Tiyaka niya lang namukhaan ang kasama ni Jongin. Si Sehun yung matalik na tropa ni Jongin at ito din yung sumagot nung tawag nung unang araw na mag a-apply siya. Ngayon niya lang ito nakita, Madalas lang naman pumupunta si Sehun dito dahil busy din sa trabaho kasama si Jongin kaya bihira lang siya makita ni Kyungsoo, pero si Jongin palagi niya itong nakakasama dahil magkasama naman silang dalawa sa loob magkalayo lang sila ng lamesa.

"Kyungsoo? Nandito na kami" ani Jongin habang nilapag nito ang mga gamit sa sofa ganun din si Sehun

Agad namang bumaba si Kyungsoo galing sa itaas para salubungin ang kanyang sir Jongin. Agad namang napatingin si Sehun sa gawi ni Kyungsoo. Naging langgam tuloy ang itsura ni Kyungsoo dahil sa dalawang damulag na nasa harap niya ngayon.

"Oh hi Kyungsoo! Ikaw pala yung cute na Yaya nitong si Jongin. Nice to meeting you" nakipag shake hands pa si Sehun dito

"Hi po, Sir Sehun" magalang na tugon ni Kyungsoo dito at nag bow pa ito sa harap ni Sehun. Nailang tuloy si Kyungsoo sa sinabi ni Sehun kaya nagbow nalang ito. *90 degree bow mga beshy ;-)

"Oh sige na tama na yan. Pwedeng magluto ka muna Kyungsoo? para sa bisita nating si Sehun?" pagputol ni Jongin nang pag uusap ni Sehun at Kyungsoo

"Ano kaba pre? Ayoth (Ayos) lang thakin Hindi pa naman ako gutom atsaka huwag mo naman ututhan (utusan) nang ganyan thi Kyungsoo? diba Kyungsoo?" nakangising sagot ni Sehun habang kumindat pa ito kay Kyungsoo. Nainis tuloy si Jongin, Masyadong malandi si Sehun tsk. tsk. tsk

"Naku, Sir Sehun okay lang po sige po magluluto na po ako." nakayukong sagot naman ni Kyungsoo at agad nang tumungo sa kusina

"Thipag naman pala ni Kyungsoo. Kaya pala nagustuhan mo! Ay thorry baka marinig tayo!" pigil tawang sambit ni Sehun habang tinakpan pa kunyari nito ang bibig

"Tsk. Sehun wag ngayon pagod ako" inis na tugon ni Jongin kay Sehun

"Jongin naman eh. Wag kana kathing magpainosente na wala kang pag tingin kay Kyungsoo. Bakit tha araw araw na inaathikaso ka niya? tha mga pinapakita niyang pag aalaga thayo? tha mga concern niya thayo?" seryosong tugon ni Sehun kay Jongin

Agad na napaisip si Jongin sandali. Tama naman si Sehun pero hindi eh. Hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya baka naman pagnanasa?

Hindi din eh. Ano naman ang ipagnanasa niya sa pangit na yun diba? Ang liit. tapos ang laki pa ng mata. Tapos flat naman hindi naman malaki ang boobs nung Kyungsoo na yun

"Uyy- ano tulala kana diyan? Confirm nga talaga Jongin. Confirm na talaga" nakangising sambit ni Sehun habang pumapalakpak pa ito

Sakto namang tapos na si Kyungsoo magluto. Naririnig niya kanina pa yung pinag uusapan ni sir Jongin at sir Sehun niya. Pero ayaw na lang niyang kumibo, Narinig niya din na baka daw may gusto daw si sir Jongin niya sa kanya? Ayaw niyang paniwalaan dahil sa isang katulad ni Jongin? na sobrang Gwapo. sobrang Yaman at sobrang Sikat ay magkakagusto sa isang katulad niyang simpleng tao lang. at mababa lang ang tingin sa kanya ng ibang tao

-fast forward-

   Pagkatapos kumain ay agad nang umakyat si Jongin sa kwarto. Nauna na itong matulog kila Kyungsoo at Sehun. Kaya sila Sehun at Kyungsoo nalang ang naiwang dalawa sa sala. Nag usap lang silang dalawa. Marami siyang gustong tanungin kay Sehun ngunit nahihiya lang talaga siya ngunit bumabagabag ito sa isipin niya:

"Ahm sir Sehun? Pwede pa ba akong magtanong sayo if pwede lang?" seryosong tanong ni Kyungsoo dito

"Wag mo na akong tawaging Sir. Wala naman si Jongin eh. Sehun nalang tawag mo sakin" nakangiti na sagot ni Sehun habang nilalantakan ang Bubble tea na binili nila kanina

"Ah hehe. Sir- este Sehun, Nagka girlfriend naba si Sir Jongin?" hindi tumitinging tugon ni Kyungsoo kay Sehun

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon