Chapter 5

1.8K 78 0
                                    

Halos ilang minuto din bago marating ni Kyungsoo ang address nang nasabing mansyon daw ni Sir Jongin. Nung una ay nagulat pa siya dahil sa sobrang ganda nito, Mala palasyo ampeg. Siguro may swimming pool din ito sa loob imposibleng wala.

Kyungsoo's POV
      Agad kong pinindot ang door bell at nagulat ako dahil biglang bumukas yung gate ng mansyon. (aba'y automatic pala sosyalin talaga) Wala na akong nagawa kundi pumasok sa loob at napa Wow! ako sa ganda ng mansyon. May swimming pool nga dito, Mahilig pa naman ako mag swimming. (kyungsoo nandito ka para mag trabaho hindi mag swimming okay?) Sumilip ako sa loob ng bahay kung may tao at Maya-maya ay may lumabas ng babaeng naka pang yaya na suot at agad akong kinausap, Agad naman akong nag bow * 90 degree bow ;-) Nag bow din naman yung Yaya sakin.

"Ikaw ba yung bagong yaya ni Sir Jongin?" tugon nung Yaya habang nakangiti pa ito sa kin.

"Ah opo, Ako nga po pasensya na po at ngayon lang po ako nakarating. Traffic din po kasi" magalang kong tugon habang nakayuko.

"Naku, Okay lang ano kaba? Halika na dito sa loob dahil inaantay kana ni Sir Jongin" sabi nung Yaya habang niyaya na ako sa loob. Hinawakan pa nito ang aking maleta pero sabi ko ako na magbibitbit ng maleta ko (nakakahiya ka kyung, kay bago bago mo pa lang diba? HAHA)

Pagpasok ni Kyungsoo sa loob ay agad siyang napanganga sa magagandang muebles at magagandang gamit sa loob ng mansyon. mukhang galante si sir Jongin dahil ang daming gamit dito sa loob. bulong ni Kyungsoo sa kanyang sarili.

"Ako nga pala si Yaya Krystal, Matagal na akong yaya dito. Ikaw anong pangalan mo?" ani nito habang nakangiti pa ito kay Kyungsoo

"Ako po si D.O Kyungsoo," nakangiting tugon ni Kyungsoo dito. Binigyan niya din ito ng malaking ngiti, Kitang kita tuloy ang hugis puso na labi nito

   Pagpasok ni Kyungsoo sa loob ng office room ni Jongin ay agad siyang kinabahan syempre unang araw niya din kasi mag tatrabaho dito. Nung una ay hindi nakatingin si Jongin sa kanya, feeling niya tuloy naging multo siya dito. Nagulat siya nang bigla itong tumingin sa kanya. Nagtama tuloy yung mga mata nila

"Hmm? Nandito kana pala. Umupo ka muna dito sa tabi ko" ani Jongin habang hindi tumitingin kay Kyungsoo. Kaso parang naka smirk ito sa kanya. Medyo natakot tuloy siya
naman eh. kailangan ba naka smirk pa tsss. Sir Jongin!

Agad namang sumunod si Kyungsoo at umupo ito. May nilagay na papel si Jongin sa lamesa niya at agad niya itong binigay kay Kyungsoo.

"Oh! ito ang schedule mo. Basta nakalagay na lahat diyan," ani ni Jongin habang hindi pa din tumitingin kay Kyungsoo

Kailan ka kaya titingin kay Kyungsoo noh?

"Salamat po ng marami, Sir Jongin" ani Kyungsoo habang nakangiti pa ito sa Sir Jongin niya.

-fast forward-

Agad na binihisan ni Yaya Krystal si Kyungsoo nang pang Yaya. Pagkatapos nun ay agad na siyang nagtungo sa office room ni Jongin upang makapag umpisa nang maglinis.

Habang pinupunasan niya ang mga flower vase ni Jongin sa loob ay pa simple siyang sumusulyap sa kanyang Sir, Tinitignan niya kung titingin din ito sa kanya ngunit ni sulyap wala siyang nakikita kay Jongin.

"Kumain kana ba?" ani ni Jongin habang nililigpit ang mga gamit nito

"Ah. Hindi papo. Mamaya nalang po siguro pagkatapos ko pong mag trabaho," magalang na sabi ni Kyungsoo habang nakatingin pa siya sa kanyang Sir. Finally, Tumingin na din ang Sir niya sa kanya pero agad din siyang nag iwas ng tingin dahil sa hiya na din.

"Ang ganda pala ng labi niya, hugis puso" sabi ni Jongin sa kanyang sarili. Hindi niya namalayan na napangiti na pala siya.

Napatingin si Kyungsoo sa kanya. Nagulat ito sa kanya dahil first time lang niya ito makitang napangiti kaya tinanong niya ito:

"Uhm? Sir bakit po kayo ngumingiti?" tanong ni Kyungsoo habang tinigil na muna nito ang ginagawa habang nag aantay ng sagot sa kanyang Sir Jongin

-to be continued-

A/N:
Ano kaya yung sagot ng Sir Jongin niya? Well... mababasa ninyo siya sa next chapter pabitin muna ako HAHAHA!

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon