Chapter 8.1

1.4K 62 0
                                    

"Ahm sir Sehun? Pwede pa ba akong magtanong sayo if pwede lang?" seryosong tanong ni Kyungsoo dito

"Wag mo na akong tawaging Sir. Wala naman si Jongin eh. Sehun nalang tawag mo sakin" nakangiti na sagot ni Sehun habang nilalantakan ang Bubble tea na binili nila kanina

"Ah hehe. Sir- este Sehun, Nagka girlfriend naba si Sir Jongin?" hindi tumitinging tugon ni Kyungsoo kay Sehun

Agad namang napatingin si Sehun sa kanya ng mariin

"Naku, Oo nagkaroon na din yan ng girlfriend kaso iniwan siya eh. Busy kasi ang schedule nila kaya minsan na lang sila mag meet. Atsaka niloko siya nun, Nung Anniversary nila i-susurprise sana ni Jongin yung girlfriend niya kaso nahuli niya yung girlfriend niyang may kasamang iba. Pero alam mo ngayon ko lang nakitang umiyak nang ganoon si Jongin, Sa lahat ng naging girlfriend niya. Yun lang yung iniyakan niya, Yun lang kasi talaga yung seryoso niya" seryosong pag kukuwento ni Sehun kay Kyungsoo

Napaisip tuloy si Kyungsoo. Minsan pala kahit masungit ang kanyang sir Jongin ay may dahilan naman pala. Atsaka kahit mukhang matapang ang kanyang sir ay may tinatago din pala itong sakit at pighati sa nakaraan nito.

"Teka lang ah? Bakit parang interesado ka ata sa love life ni Jongin?" nakangising sambit ni Sehun kay Kyungsoo habang iniinom ang Bubble tea na natira

"Ah hindi noh hehe. Gusto ko lang tanungin kasi alam mo, Gusto ko din yun tanungin sa kanya kaso napangungunahan ako ng hiya eh. Atsaka masungit nga yun diba?" sagot nalang ni Kyungsoo habang yumuko pa ito dahil sa hiya

"Hindi yun masungit. Minsan lang atsaka mabait talaga yun si Jongin. Alam mo ba galante yun sa taong mahal niya? Kapag tuwing anniversary or may mga event mahilig siyang mag effort. Kaso ngayon wala naman siyang ginagawan ng effort eh kasi wala namang love life hahaha. Meron pala kaso ayaw pa niyang sabihin kung sino atsaka sikreto lang namin yun" nakangising sagot ni Sehun kay Kyungsoo

"Ah hehe okay lang po yun. Sige po maghuhugas na po ako ng mga pinggan" nagpaalam na si Kyungsoo at tumungo sa kusina

"Malalaman mo din kung sino yung babaeng mahal ni Jongin haha" nakakalokong tugon ni Sehun bago ito tumayo sa sofa at sinundan si Kyungsoo papuntang kusina.

-fast forward-

   habang nakahiga si Jongin ay iniisip niya ang sinabi ni Sehun mukha kasing tama ang sinabi ni Sehun. Imposibleng hindi nga naman mahulog ang loob niya kay Kyungsoo. Mabait naman ito kung tutuusin pero natatakot siyang masaktan ulit siya. Gusto niya sanang umamin na kay Kyungsoo pero nahihiya lang siya.

"hays di bale na nga inaantok na ako bukas ko nalang iisipin ang tungkol doon."  tugon ni Jongin sa sarili at agad na niyang ipinikit ang mga mata


"Ano kaya yung pinag uusapan nilang dalawa ni sir Sehun? Tapos narinig ko pa na may gusto daw sakin si Sir Jongin. Ayoko kasing paniwalaan at hindi naman sa pa choosy ako diba? Ayoko lang din masaktan ng maaga matutulog na nga lang ako inaantok na ako hays"
ani Kyungsoo habang pinatay na nito ang lampshade na nasa tabi niya at humiga na sa kanyang kama para matulog


- to be continued -

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon