Chapter 11

1.1K 44 0
                                    

Kinagabihan,

Pumunta si Sehun sa mansyon ni Jongin dahil naboboring daw si Sehun sa bahay nila. Nakipag chikahan din ito kay Jongin. At si Jongin, himala nakipag usap din kila Kyungsoo at Sehun. Bale apat sila dahil may kasama si Sehun, Si Luhan. Tropa din nilang dalawa ni Jongin. Nasa salas silang apat habang kumakain ng mga cake at pasta. Umiinom din sila ngayon ganito ang posisyon nila:

Kyungsoo-Luhan-Sehun-Jongin

Masayang masaya ang usapan nila ng putulin sandali ni Luhan at Sehun ang usapan nilang apat. May pag uusapan lang daw si Sehun at Luhan at babalik din daw ang dalawa kaya si Jongin at Kyungsoo lang ang naiwan sa salas nila. Ang akward tuloy ng moment na silang dalawa lang ang naiwan. Magkalayo silang dalawa pero hindi pa sila nagpapansinang dalawa simula kanina. Ewan ba't parang nagkakahiyaan silang dalawa ee palagi naman silang magkasama sa mansyon. Bakasyon ni Jongin. Mga tatlong buwan din ang bakasyon niya sa trabaho. Maganda yun at nakakapag pahinga siya. Masyado din kasi siyang stress sa trabaho niya, Mahirap kasi kapag mataas talaga ang posisyon sa trabaho. Halos nga lahat ng gawain sa opisina ay sa kanya ipinapagawa.

Pumunta si Sehun at Luhan sa garden nila Jongin at agad silang nag usap dalawa:

"Sehun? Alam naba ni Kyungsoo? na may lihim na pagtingin ka sa kanya?" tanong ni Luhan habang hindi ito tumitingin kay Sehun

"Hindi pa. Gusto kong magtapat, Luhan pero natatakot ako baka ma reject niya ako. Atsaka alam kong mahal niya si Jongin kaya wala na akong pag asa sa kanya" napailing na sagot ni Sehun

"Ano kaba? May pag asa ka kay Kyungsoo pre, Atsaka nag away nga silang dalawa ni Jongin diba?" sagot naman ni Luhan habang inakbayan pa nito ang tropa

"Bati na sila, Luhan. Hindi lang sila nag uusap dalawa dahil nandoon tayo kaninang dalawa" ani Sehun habang napairap pa ito kay Luhan

Hindi nila alam ay may kanina pang nagmamasid na isang lalaki sa kanila at nakikinig nang usapan nilang dalawa

"Isa ka palang taksil, Sehun kailangan itong malaman ni Jongin hangga't maaga" bulong ng lalaki sa kanyang sarili

Agad itong lumabas sa pinagtaguan nito at ginulat pa nito si Luhan at Sehun.

"Yixing? Anong ginagawa mo dito?" napaurong na saad ni Sehun habang nanlaki pa ang mga mata nito na makita si Yixing, Ang isa pang tropa ni Jongin. Matalik na kaibigan niya si Jongin simula nung bata pa silang dalawa.

"Sehun? May gusto ka pala sa babaeng mahal ni Jongin? Isa ka palang taksil. Kailangan niya itong malaman sa lalong madaling panahon" nakangising tugon ni Yixing habang pinapaikot pa nito ang cellphone na nasa kamay nito. Hindi alam ni Sehun at Luhan na nirecord pala ni Yixing ang usapan nilang dalawa.

"Wala akong pakialam, Yixing kung malaman niyang may gusto ako kay Kyungsoo. At Wala ka ding pake sa bagay na iyun. Binabalaan kita umalis kana dito bago ako magpatawag ng pulis" ani Sehun habang dinuro duro pa nito si Yixing

Agad namang napatawa si Yixing ng kaunti dahil mukhang naduduwag si Sehun.

"Pulis? tatawag ka ng Pulis? Oh come on! Sehun, Wag kang duwag" ani Yixing habang nag walk out na ito sakay ng motor nito

"HOY! Yixing bumalik ka dito! Wag kang tanga. Hindi pa tayo tapos" sigaw ni Sehun habang pinipigilan ito ni Luhan

Agad nang umuwi si Luhan nang maaga at hinatid ito ni Sehun ng sasakyan, Babalik nalang daw si Sehun pagkahatid dito. Habang umalis si Sehun ay kanina pang nag aasaran si Kyungsoo at Jongin. Lasing na si Kyungsoo at hindi pa naman masyado si Jongin

"Alam mo Kyungsoo, Mukha kang penguin HAHAHA" asar ni Jongin habang pumapalakpak pa ito

"Ikaw nga ang itim mo eh hahahaha" asar naman na sagot ni Kyungsoo kay Jongin

Kanina pa silang nag aasarang dalawa simula nung umalis si Sehun. hindi nila namalayang dumating na si Sehun

Sehun's POV
      Bubuksan ko na sana yung pintuan ng mansyon nang marinig ko ang tawanan na iyon. Bigla kong naalalang dalawa nalang pala ang natira sa loob, Si Kyungsoo at Jongin. Agad muna siyang tumingin sa bintana at Kitang kita niya ang tawanan ni Kyungsoo at Jongin. Nag aasaran ang dalawa habang nagtutulakan pa ang dalawa.

••••••••••••••••••••••••••••••

Nasaktan tuloy siya ng kaunti, hindi niya mahawakan ang door knob ng mansyon. Nanghihina,siya hindi niya alam kung bakit. pagkaraan ng ilang segundo ay nagkaroon na din siya ng lakas ng loob na buksan ang pinto. At kitang kita niya na magkayakap si Jongin at Kyungsoo at tulog na silang dalawa ng mahimbing.

Lalo siyang nasaktan at parang babagsak siya kahit anong oras. Biglang gumalaw si Jongin at napadilat ito, Nanlaki din ang mata nito na makita na magkayakap silang dalawa ni Kyungsoo. Kaya agad niyang hiniga si Kyungsoo sa sofa at inayos ang sarili

"Sorry Sehun hehe. Masyado lang siguro kami nalasing ni Kyungsoo" pagpapasensiya ni Jongin kay Sehun habang lumapit pa ito sa kanya nang biglang....

- to be continued-

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon