Chapter 4

1.8K 79 1
                                    

Malalim na ang tulog ni Kyungsoo nang biglang tumunog ang phone niyang nasa ulunan niya lang, kaya agad niya itong kinuha at binasa kung sino ang nag message sa kanyang phone.

Ang kanyang boss Jongin

"Kyungsoo, Bukas mag umpisa kanang mag trabaho. Ibibigay ko nalang sayo ang address ng mansyon," 

mag rereply sana si Kyungsoo ngunit naisip niya kung mag rereply ulit sa kanya ang boss niya, eh masungit nga yun diba?
kaya tinigil nalang niya ang pag tipa sa kanyang keyboard sa phone at agad niyang sinara ang phone niya. Actually, inaantok pa talaga siya pero naisip niyang marami pala siyang gagawin ngayon, Magiimpake pa siya ng damit dahil ilang buwan daw siyang mag stay sa mansyon ni Mr. Kim Jongin.

"Baka hindi nanaman naghugas ng pinggan si Baekhyun, tamad talaga yung bata na yun tsk" ani Kyungsoo habang bumangon na sa kanyang higaan at dumiretso sa kusina

      Nang makarating na si Kyungsoo sa kusina nila ay laking gulat niyang wala siyang hugasan na nakita sa lababo nila, Dahil tamad nga si Baekhyun diba? pero masipag yan kapag sa harap ni Chanyeol
tumungo naman si Kyungsoo sa sala at laking gulat niyang walang ilaw at ang dilim sa kanilang sala, Bubuksan na niya sana ang ilaw nang biglang...

"Congratulations, Ate Baekhyun" ani ni Baekhyun na may hawak ng cake.

Sinurprise pala nila si Kyungsoo dahil natanggap nga ito sa trabaho. Kumpleto sila nandoon ang kanyang Tatay Jungkook na may hawak ng cake, Ang kapatid niyang si Baekhyun na may hawak na tarpaulin kasama ang boyfriend nitong si Chanyeol Nandoon din ang kanyang best friend na si Tao at Kris na may hawak na mga balloons.

Masaya silang nagsasalo salo sa mga handang pagkain ni Kyungsoo. Naisip nilang isurprise ito dahil baka bukas ay aalis na ito

"Kyung? Kailan ka pala aalis? Bukas naba?" ani Kris habang isinubo pa nito ang pritong manok na kanina pang nilalantakan

"Oo bukas aalis na ako. Mamimiss ko kayo," ani Kyungsoo habang tumayo pa ito para yakapin ang pamilya niya.

-fast forward-

         Kinagabihan, ay nag uumpisa nang mag impake si Kyungsoo ng kanyang mga damit at agad niya na itong inilagay sa kanyang mga maleta. Nag iyakan to the max na sila kanina habang nasa hapag kainan. Halos buwan din siyang mawawala sa kanilang bahay. Masasanay din siguro siya nito. Pinagsabihan niya din na laging mag iingat sila tatay Jungkook niya, lalo na si Baekhyun (may pagkamalandi kasi yung babae na iyon eh este baekla)

Humiga na siya sa kanyang kama at huminga ng malalim. Nakakalungkot man dahil mahihiwalay siya sa pamilya niya pero, Gusto niya din kasi makatulong sa mga ito. Hindi naman siya as in hindi magpapakita, Dadalaw din naman siya sa bahay nila kung magkakaroon siya ng chance na payagan siya ng kanyang boss.

-to be continued-





A/N:
well ang sabaw ng chapter na ito, babawi si otor sa next chapter hakhak~

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon