Chapter 7

1.6K 68 0
                                    

kringggg....

Mahimbing pa ang tulog ni Kyungsoo nang marinig ang tunog na nang gagaling sa phone niya. Agad niyang dinampot ang phone na nasa tabi niya at sinagot ang tawag.

"Hello. Sino po sila?" tugon ni Kyungsoo habang nakapikit pa ito dahil sa antok

"Kyung? Are you remember me? Ako yung kaklase mo dati nung Grade 8 tayo. Ako ito si Kim Taehyung" sagot naman ng nasa kabilang linya

"Yes Taehyung! Helloooo, Kamusta kana Imissyou babs?" masayang tugon ni Kyungsoo at tumayo na siya sa pagkakahiga niya

"Babs pa din talaga tawag mo sakin haha. Ito maayos naman ako ikaw ba kamusta ka diyan? Nabalitaan ko nagtatrabaho ka daw ngayon bilang Yaya kay Kim Jongin ba yun? Sikat kaya yun ang suwerte mo! seryosong tugon ni Taehyung kay Kyungsoo

"Ah Oo isa nga ako sa mga yaya niya dito. maayos lang din naman ako dito kaso medyo masungit yung boss ko pero keri naman kahit ganun haha" natatawang sagot ni Kyungsoo

"Hahaha. Hayaan mo na babs ganun lang talaga siguro iyon. Basta kapag sinaktan ka nun sabihin mo lang samin nila Baekhyun at susugurin namin yan diyan sa mansyon"

"Hindi naman siya ganun hahaha. Pero salamat ah? Oh siya magluluto na ako. 6:30 na ng umaga baka magalit yung boss ko sakin eh. Babye Taehyung ingat palagi mwahh"

"Okay sige babye Kyungsoo ingat ka din palagi"

Agad ding ibinaba ni Kyungsoo ang phone niya at agad siyang umalis sa kanyang kwarto.

Agad siyang nagtungo sa kusina upang makapag luto ng agahan. Nag init muna siya ng tubig para makapag kape. Siya lang ang nag aasikaso nang lahat ng iyon dahil nag resign ang mga yaya na kasama niya. Si Yaya Krystal naman ay nagbakasyon at bumalik doon sa kanila, Siguro mga ilang buwan din itong mawawala kaya lahat ng gawain sa loob ng mansyon ay sa kanya.

"Sino yung kausap mo kanina? Narinig ko kasi kayong nag uusap kanina." nagulat siya nang makita ang sir Jongin niyang pababa galing kwarto. Seryoso itong nakatingin sa kanya

infairness ang pogi pa din ni Jongin kahit bagong gising (imaginin ninyo yung feeling na pababa siya sa hagdan ganun hahaha)

"Ah. Si Taehyung po iyon, Kaklase ko po nung Grade 8 pa ako nun." hindi tumitingin na tugon ni Kyungsoo sa kanyang boss. kinakabahan din siya na baka malaman na nabasag ang mug nito kagabi.

"Ahhh. Ang aga namang tumawag. Namiss ka siguro?" seryosong sagot ni Jongin habang nakaupo ito sa isang tabi ng naka crossed arms

selos lels hahaha

"Ah eh baka nga po hehe" matipid na sagot na lamang ni Kyungsoo habang nagpi-prito ito ng itlog

        Pagkatapos magluto ni Kyungsoo ay naisipan niyang timplahan na ng kape ang kanyang sir. Ngunit naisip niya baka hanapin ng sir niya ang nakagawiang mug na ginagamit nito. Kaya naisipan niyang gumamit nalang ng ibang mug.

"Sir coffee po?" magalang na tugon ni Kyungsoo kay Jongin habang nilapag ang kape sa lamesa

"Hmm? Teka lang may napansin lang ako. Bakit parang iba yung mug na ginamit mo?" sagot ni Jongin habang nakakunot noo ito

"Ahm sir. Pasensya na po nabasag ko po yung mug ninyo kagabi, Hindi ko naman po sinasadya yun sir sorry po talaga sorry po. Kung gusto ninyo babayara-" naputol ang sinabi ni Kyungsoo

"Ahm ayos lang sige na ikaw na bahala dito maliligo na ako" tugon nang kanyang sir Jongin habang nilisan ang kusina

Nagulat si Kyungsoo dahil akala niya ay papagalitan siya ng kanyang sir ngunit wala itong narinig kahit isa man lang salita galing sa bibig nito.

"Sir, sorry po talaga sigurado po ba kay-"

"Oo nga sabi. Sige na maliligo na ako baka ma late pa ako sa trabaho ko. Basta alam mo na gagawin mo dito sa mansyon" nagmamadaling sagot ni Jongin habang pumasok na ito sa banyo.

Napakagat labi nalang si Kyungsoo dahil sa nangyari.

"Himala, hindi galit si sir Jongin ngayon Mukhang good mood ito ngayon"
napangiting tugon ni Kyungsoo sa kanyang sarili


-to be continued-

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon