Chapter 12

1K 39 0
                                    

Hindi na maalala ni Kyungsoo ang nangyari kagabi, Basta ang alam niya ay nagkakabiruan sila ng sir Jongin niya. Hindi niya namalayan na napapangiti siya habang iniisip niya iyon. Maganda ang pinag uusapan nila kasabay pa nito ang pang aasar nila sa isa't isa. Nagising nalang siya na nasa kama na siya, Pagdilat ng mga mata niya ay nagtaka siya dahil parang ibang kwarto ang napasukan niya. Pagbangon niya ay laking gulat niya na malamang nasa kwarto siya ng sir Jongin niya. Naisip niya tuloy na paano kaya sila natulog kagabi? Baka naman sa sofa natulog si Jongin, Imposibleng namang magkatabi silang dalawa sa kama diba?

    Pagbaba ni Kyungsoo ay nakita niya si Jongin na nakaupo ito sa sofa habang hawak nito ang phone niya. Himala at nakita niya din itong humawak ng phone, Lagi kasing libro ang hawak nito kung minsan.

    Akala niya ay babatiin siya nito ngunit hindi siya nito binati man lang o tumingin sa kanya. Nakalimutan ata nito kung paano ito tumawa ng walang humpay kagabi tapos ngayon parang ang lalim ng iniisip nito.

-fast forward-

Naisipang tanungin ni Kyungsoo si Jongin kung may problema ba ito. Ngunit hindi man lang siya kinikibo ni Jongin ni hindi man lang siya tinitignan. Napapout siya ng maisip niya yun. Pumunta na lamang siya sa kanyang kwarto at humiga sa kanyang kama.

   Hindi sinasadyang napatingin siya sa picture frame na nasa tabi lang niya. Litrato ng pamilya niya na masaya sila sa litrato, Sa totoo lang namimiss na niya talaga ang pamilya niya pero nahihiya lang talaga siyang mag sabi na gusto nitong magbakasyon kahit isang buwan man lang dahil gusto niyang makasama ang mga ito. Naisipan niyang tawagan ito kung may load pa siya ngunit nabigo siya na matawagan ang pamilya niya dahil wala na itong load. Naalala niya na minsan lang pala siya naggagala at namimiss na niyang maglakad lakad.

-fast forward- (wala eh tamad si otor sorry haha)

      Kinagabihan, ay magkatabi sila ni Jongin sa sofa habang nanonood ng paboritong cartoon ni Kyungsoo na pororo gusto niyang subukang kausapin si Jongin pero hindi niya magawa dahil baka hindi nanaman siya nito pansinin. Kumain nalang siya ng popcorn habang nanonood at kinalimutan ang mga sasabihin niya dito.

Ngunit gusto niya talagang tanungin si Jongin kung bakit kanina pa siyang umaga nito hindi pinapansin.

"Jongin? May problema ba? Parang kanina kapang umaga ganyan?" ani Kyungsoo habang yumuko ito dahil tiyak na mabibigo nanaman siyang may maririnig siyang salita sa sir niya.

"Ehem! Gusto mo ba talaga malaman ang dahilan?" ani Jongin habang nilapag ang popcorn sa gilid ng sofa na kanina pa niya kinakain

ayurn namansin din ang mokong

"May gusto si Sehun sayo!" hindi tumitinging saad ni Jongin kay Kyungsoo habang naglalakad lakad ito sa hardin ng mansyon

"Po? si Sir Sehun? magkakagusto sakin? Pero paano po? Atsaka mag best friend po kayo diba?" takang taka na tanong ni Kyungsoo kay Jongin habang hinabol pa nito si Jongin dahil lakad nga ng lakad

"Oo. totoo iyon, at ako Kyungsoo-" naputol ang sasabihin ni Jongin

"Ay may gusto din sayo" diretsong sagot ni Jongin habang tumingin ito ng mariin sa mga mata ni Kyungsoo

"Nagdesisyon akong wag na kitang pansinin dahil para maka move on ako sayo. Mahal kita Kyungsoo, Alam mo naman siguro iyon? Pero kailangan kong magparaya para kay Sehun" naiiyak nang tugon ni Jongin habang pinunasan pa nito ang luha na malapit nang pumatak sa mga mata niya

"Sir Jongin? Inaamin kong may gusto din po ako sa inyo matagal na. Atsaka kung alam ninyo lang po napanaginipan ko kayo dati? Nung mga araw na papasok pa lang akong bilang isang Yaya ninyo dito sa mansyon, Tapos hindi ko po akalaing makikita ko kayo in real life. Hindi lang sa panaginip kundi pati in real life. kuwento ni Kyungsoo habang umupo na muna silang dalawa ni Jongin. Patuloy namang nakikinig nang mabuti si Jongin

"Oo sir, Akala ko noon masungit kayo. Pero hindi pala. Naniniwala po akong mabait kayo. Atsaka may rason naman po kung bakit parang nagbago ang pakikitungo ninyo sa iba lalo na sa babae-" naputol na ang sasabihin ni Kyungsoo dahil bigla siyang siningitan ni Jongin

-to be continued-

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon