Chapter 9

1.4K 59 1
                                    

ready your tissue guys.
this is so heart breaking chapter TT

--

     Walang masyadong ganap ngayong umaga, Ganun pa din ang nangyari ang mga nakakagawian. Ngunit nagtataka si Kyungsoo dahil kanina pa siya hindi kinikibo o pinapansin ng sir Jongin niya. ni Hindi nga siya nililingon man lang. Pero naiintindihan naman niya dahil baka wala lang ito sa mood ngayong umaga. hindi niya nalang iyon pinansin.

-fast forward-

Pumunta ulit si Sehun sa mansyon nila Jongin at nakipag chikahan kay Kyungsoo. Actually, close na silang dalawa ni Kyungsoo. Hindi naman mahirap makipag close si Sehun kay Kyungsoo. Magaling kasi mag open ng conversation si Kyungsoo at lahat ng mga topics nila ay nakaka relate si Sehun. Ganun ulit ang nangyari inasar nanaman ni Sehun si Jongin pero this time laking gulat ni Sehun na magbitiw ng salita si Jongin

"Sehun pwede ba? tigilan moko dahil wala nga akong gusto kay Kyungsoo" inis na tugon ni Jongin habang tumayo pa ito. Nasa harap lang nito si Kyungsoo

"Sir Jongin? may gusto po kayo sakin? Totoo po ba ang narinig ko?" nagtatakang tanong ni Kyungsoo habang lumaki lalo ang mata nito

"Ako? Magkakagusto sayo? Sa isang katulad mong Pangit? Atsaka kung sakaling mangyari man iyon, Tiyak na mahihiya akong iharap ka sa mga tao. Hindi tayo bagay. Atsaka wag ka ngang assuming kung minsan. Hindi dahil sa kinakausap kita o Ni minsan ay concern ako sayo ay may gusto na ako agad sayo. At hinding hindi yun mangyayari. Yung narinig mo wala yun kasi kahit anong gawin mo hindi kita mamahalin." tugon ni Jongin habang umakyat na sa kwarto nito

Hindi alam ni Kyungsoo ang gagawin niya sa mga narinig niya. Gusto man niyang magsalita ngunit nangungunahan siya ng sakit at kaba sa kanyang nararamdaman. Hindi niya tuloy namalayang tumutulo na ang kanyang luha sa mga mata. Masakit, Oo masakit kasi gusto man niya amining nahuhulog na ang loob niya sa sir Jongin niya ay hindi maaari, dahil pinagsalitaan na siya ng masasakit na salita nito.

Sa galit ni Sehun ay agad niyang sinundan si Jongin sa kwarto at agad niya itong kinompronta ng maiigi;

"Jongin! Ang galing mo namang pagsalitaan ng ganyan si Kyungsoo. Dapat nga ay magtanaw ka ng utang na loob sa kanya dahil-"

"Dahil ano? Dahil yaya ko siya? Inaalagaan niya ako? Wag ka ngang mag inarte Sehun na parang siya ang nagpapalamon sakin" naputol na ang sinabi ni Jongin dahil bigla nitong siningitan ni Sehun

"Bakit ba ang laki ng galit mo sa kanya? Ano bang kasalanan niya sayo?" galit na saad ni Sehun habang hindi pa din tumitingin si Jongin sa kanya

"Dahil wala na akong tiwala sa mga babae. Oo, may gusto ako kay Kyungsoo pero naisip ko na baka lokohin niya din ako kaya pinangunahan ko na siya- ma pride na saad ni Jongin habang nagpupuyos ng galit. hindi niya na din natuloy ang sinabi niya dahil pinangunahan na siya ni Sehun

"At wag mong igaya si Kyungsoo sa ibang babae. Iwanan mo na ang past mo ngayon, Ibang iba si Kyungsoo sa mga inaakala mong babae. Yun lang ang rason mo? Kung ano ano ang sinabi mo kay Kyungsoo. Hindi mo ba alam nasasaktan din siya dahi-

"Pero mas nasasaktan ako Sehun, kung alam mo lang. Kung gaano kasakit magtago ng nararamdaman sa taong mahal mo, at ngayon tignan mo napagsalitaan ko pa siya ng masakit" mahinahon na saad ni Jongin kay Sehun

"Masyado kang ma pride Jongin, Sana naman ay iwasan mo yan. Hindi ko alam kung mapapatawad ka ni Kyungsoo sa ginawa mo." saad ni Sehun at tuluyang nilisan ang kwarto ni Jongin

Bumaba na si Sehun galing sa kwarto ni Jongin at nakita niyang si Kyungsoo na humahagulgol sa sofa.

"Kyungsoo? ayos ka lang ba?" mahinahon na tanong ni Sehun habang pinapatahan nito si Kyungsoo na kanina pa umiiyak

"Opo, ayos lang po ako, Huwag ninyo po ako intindihin." ani Kyungsoo habang umiiyak pa din

"Kyungsoo, Wag kang mag alala nandito lang naman ako para sayo. Hayaan mo na si Jongin, Alam kong nasaktan ka sa sinabi niya. Naiintindihan kita kung ako lang din ang nasa posisyon mo ngayon" pagkasabi nun ay niyakap niya si Kyungsoo ng mahigpit, Yung yakap na parang ayaw na niyang pakawalan si Kyungsoo

"Sana nga Sehun, ikaw nalang yung minahal ko" sagot ni Kyungsoo habang humagulgol pa din ito

"Minahal mo ba si Jongin? Kyungsoo? Nagkaroon ka ba ng nararamdaman sa kanya?" seryosong sagot ni Sehun kay Kyungsoo habang nakayakap pa din ito sa kanya

- to be continued-

So sad ng chapter na ito huhuhu! may karugtong pa po ito

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon