Chapter 6

1.8K 74 2
                                    

"Ang ganda pala ng labi niya, hugis puso" sabi ni Jongin sa kanyang sarili. Hindi niya namalayan na napangiti na pala siya.

Napatingin si Kyungsoo sa kanya. Nagulat ito sa kanya dahil first time lang niya ito makitang napangiti kaya tinanong niya ito:

"Uhm? Sir bakit po kayo ngumingiti?" tanong ni Kyungsoo habang tinigil na muna nito ang ginagawa habang nag aantay ng sagot sa kanyang Sir Jongin

"Ahm wala. Atsaka wala ka namang pake doon diba?" ani Jongin habang hindi tumitingin kay Kyungsoo

"Ay sorry po Sir, hindi na po mauulit" nagbow na sabi ni Kyungsoo. Kinuha niya din ang mga gamit niyang panlinis at nilisan ang lugar

"Sungit naman non. Ano kaya nahithit nun? Nagtatanong lang" ani Kyungsoo sa kanyang sarili

Habang inaayos ni Jongin ang mga gamit niya ay agad siyang napaisip sa nangyari kanina. Dahil lang sa nagandahan lang siya sa labi ni Kyungsoo ay iniisip niya yun hanggang ngayon. Hindi kaya in love siya? Imposible naman.

"Itong Kim Jongin na ito ay maiinlove sa Kyungsoo na yun? Yung pangit na Pandak na yun? Tapos ang laki pa ng mata. Mukha tuloy siyang penguin" sabi ni Jongin sa kanyang isip at agad napangiwi ang kanyang mukha.

Dali dali na niyang pinatay ang ilaw ng kanyang office room at nilisan ang lugar.

Pagbaba niya sa sala ay wala ng katao-tao, Siguro nga ay tulog na ang mga tao sa mansyon niya. Nagugutom siya pero hindi naman siya marunong magluto. Kaya naisipan niyang tawagin nalang si Kyungsoo.

"Kyungsoo, Gising ka pa ba? Lutuan mo nga ako dalii. Nagugutom na ako" sigaw na sabi ni Jongin at agad namang lumabas si Kyungsoo sa kanyang kwarto. Mabuti na lamang ay hindi pa siya tulog kundi ay mapapagalitan pa siya ng kanyang boss.

"Ah sige po. Ano po ba gusto ninyong lutuin ko?" ani Kyungsoo habang nasa kusina na ito.
Agad namang umupo si Jongin sa isang tabi

"Kahit ano. Basta masarap!" matipid na sabi ni Jongin habang naka di quatro pa ito at naka crossed arms.

"Eh ang tanong? Marunong kaba magluto?" mahinahon na tugon ni Jongin habang nilakihan pa nito ang mga mata, kasing laki pa ng mata ni Kyungsoo ganurn.

"Opo naman marunong po ako magluto. Hmm? Siguro po lulutuan ko nalang kayo ng Sopas? Gusto ninyo po ba iyon, Sir?" magalang na sagot ni Kyungsoo habang nakangisi pa ito sa kanyang boss.

"Uhm sige ikaw bahala. basta gusto ko masarap" napa smirk na sagot ni Jongin habang tumayo pa ito at naglakad lakad kunyari sa kusina Napatalikod tuloy si Kyungsoo dahil sa hiya.

Habang nagluluto si Kyungsoo ay nagulat siya dahil biglang dumaan ang kanyang boss Jongin sa likuran niya at agad itong tumabi sa kanya pero 5 inch pa naman ang layo.

"Uhm? Sir may kailangan pa po ba kayong pagawa sakin pagkatapos kong magluto?" tanong ni Kyungsoo sa kanyang boss habang hinahalo ang sopas na niluluto nito

"Wala na. Bakit may gusto ka pa bang gawin?" sagot ni Jongin nang hindi tumitingin kay Kyungsoo.

Iniiwasan niya kasing tumingin kay Kyungsoo dahil ibang effect o ibang spark ang tumatama sa mga mata niya kapag tumitingin si Kyungsoo sa kanya ewan niya kung bakit

-fast forward-

"Sir, ito na po yung sopas luto na po oh" ani Kyungsoo habang nilapag ang mangkok na kumukulong sopas sa harap ni Jongin

Noong una ay nag aalangan yung sir Jongin niya kung kakainin yung sopas o hindi. No choice siya no! Gutom na nga siya saksakan pa siya ng Arte, o baka gusto pang magpasubo kay Kyungsoo. shige ka iba ang isusubo ni Kyungsoo sayo lels.

"Uhm. Masarap ah? May talent ka naman pala sa pagluluto." ani Jongin habang hindi tumitingin kay Kyungsoo busy itong lantakan ang pinag hirapan ni Kyungsoo na sopas

Pagkatapos kumain ni Jongin ay agad na itong umakyat sa kwarto nito. Binilinan nalang nito si Kyungsoo na huwag hayaang nakabukas ang ilaw at mag iwan ng hugasin sa lababo.

       Habang naghuhugas ng pinggan si Kyungsoo sa kusina ay hindi sinasadyang nabasag niya ang mug ng sir Jongin niya. Kinakabahan siya dahil alam niyang pagagalitan siya nito bukas.

"Halaaa! Nabasag ko yung mug ni Sir! Paano na to' bukas? baka pagalitan niya ako," nag aalalang sabi ni Kyungsoo sa sarili.

Agad niyang winalis ang nabasag na mug at inilagay sa trash can.



-fast forward-

"Bakit kaya ganun? Kapag tumitingin ako sa mata sa yaya kong si Kyungsoo parang naiilang ako? Or I mean parang may spark?" tugon ni Jongin sa kausap niyang tropa na si Sehun sa kanyang phone

"Shet pare! Baka inlove kana niyan? Ano ba ithura nun? (itsura) Cute ba thiya? (siya)" nakakalokong sagot naman ni Sehun habang humahalakhak pa sa kabilang linya.
kahit kailan bulol talaga thi Thehun

"Da pak! Hindi ako inlove noh? Isang Kim Jongin magkakagusto sa isang Yaya. Konting isip naman Sehun" sagot ni Jongin habang nakakunot noo pa ito

"Oh bakit parang naguilty ka? Gusto mo bigyan kita ng thign (sign) sa thiwathyon (sitwasyon) mo? Ayieeee. Nakth (Naks) naman Jongin umiibig na thi Moko HAHAHA! lokong sagot ni Sehun sa tropa niyang si Jongin habang sinamahan pa ni Sehun ng malakas na halakhak dahilan para babaan siya ni Jongin ng phone

"Peste! Nakakabadtrip yung Sehun na yun! Bulol na nga pa epal pa! Hindi nga ako inlove tsk!" inis na tugon ni Jongin sa kanyang sarili.

"Jongin. Matulog kana wag mo nang isipin yung pangit na yun. Wag kang iistress baka mawala kapogian mo"

-to be continued-






A/N:

Medyo mahaba ang chapter na ito, pambawi lang sa mga nagdaan na chapter HAHAHA!


𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon