Chapter 10.2

1.1K 44 2
                                    

Habang abalang nag lilinis si Kyungsoo nang sala ay agad naka isip ng ideya si Jongin kung paano din maakit si Kyungsoo. Kanina kasi habang naglilinis ito sa loob ng kanyang kwarto ay kapansin pansin na parang inaakit siya nito at ngayon niya lang naisip ang pangyayari na yun.

"Paano kaya ako makaka ganti ng pang aakit sa pandak na yun?" saad ni Jongin sa sarili habang tumayo pa ito sa pagkakahiga at naglakad lakad kunyari

"Ahhh. Baka pwedeng mag suot ako ng sando? Hindi pa kasi niya ako nakikitang nagsusuot ng sando" napa smirk na sabi ni Jongin sa sarili

    Pagkatapos maglinis ni Kyungsoo ay umupo na siya sa sofa at nagpahinga ng kaunti. Papikit na ang kanyang mata nang makita si sir Jongin niya na pababa ng hagdan at kapansin pansin ang kasuotan nitong damit, Naka sando ito at naka boxer short lang. Napanganga tuloy siya sa kasexyhan na taglay ng sir niya. Kitang kita ang mga muscle nito kahit may pagka tanned skin ang kulay ni Jongin tapos dinagdagan pa nito ang buhok na kahit gulo gulo ay nagmumukha siyang hot tignan. Gusto sana niyang mapabuga pero syempre nakakahiya iyon diba? Kaya kunyari wala siyang napansin at nakita

"Ahm? Sir bakit po kayo nakasuot ng ganyan? Ang lamig po ah?" ani Kyungsoo habang bumangon pa ito sa pagkakahiga sa sofa at nag aantay ng sagot ng kanyang sir Jongin

"Wala lang. Gusto ko lang! Bakit ba Kyungsoo? hmm?" seryosong sagot ni Jongin habang naka crossed arms pa ito sa harap ni Kyungsoo

"Ah sorry po. Wala naman po-" nakayuko nalang na sabi ni Kyungsoo

Ngunit nagulat siya nang bigla siyang lapitan ng kanyang sir Jongin at dinaganan siya nito. Nasa ibabaw si Jongin at Nasa ilalim naman si Kyungsoo. Konti nalang ay mahahalikan na ni Jongin si Kyungsoo. Hindi naman makagalaw si Kyungsoo dahil sa higante ba naman ang nakapaibabaw sa kanya, Pinipilit niyang igalaw ang mga kamay niya pero sadyang hawak din ito ni Jongin. Kaya tanging nagsisigaw nalang siya

"Sir. Wag po please! Wag po! Ano pong ginagawa ninyo?"  pagmamakaawang tugon ni Kyungsoo habang pinipilit nitong makawala

"Sorry pero kailangan ko itong gawin. Alam ko namang gusto mo din diba? Kyungsoo? Kunyari kapa" napangising tugon ni Jongin habang inuumpisahan na nitong sirain ang damit ni Kyungsoo. Lalong napangisi si Jongin nang makita ang buong katawan ni Kyungsoo napalabas tuloy niya ang dila niya at pinadulas niya ito sa kanyang mga labi. Sabik na sabik na si Jongin nang biglang ...










"Wtffff. Ano yun? Bakit ganun yung panaginip ko?" ani Kyungsoo habang napahawak pa ito sa kanyang dibdib sa sobrang kaba. Kinuha niya ang isang basong tubig sa kanyang tabi at ininom ito.

Akala niya ay totoo na, Pero panaginip lang pala. hays buti naman Kyungsoo

"Dapat kasi hindi ko na inakit si sir Jongin, Ayan tuloy panaginip ko huhuhu" naiiyak na sabi ni Kyungsoo sa sarili niya.

•••••••••••••••••••••••

Habang naghahanda ng mga plato at kutsara si Kyungsoo ay agad siyang napatingin sa sir Jongin niya. Natatakot tuloy siya ng ikuwento yung napanaginipan niya dahil alam niyang magagalit ito sa kanya kapag kinuwento niya pa. Kaya nanatili nalang siyang tahimik

"May dumi ba yung mukha ko? At ganyan ka makatingin sakin?" seryosong sabi ni Jongin habang nakatingin lang ito ng diretso kay Kyungsoo naka poker face lang ito. Doon lang natauhan si Kyungsoo na makitang nakatingin si sir Jongin niya sa kanya

"Ah wala po pasensya na hehe-"

"Kumain kana ba? Tara sabay na tayong kumain" hindi na natuloy yung sasabihin ni Kyungsoo dahil agad na nagsalita si Jongin at inaya siyang kumain silang dalawa

"Ay sir kahit mamaya na po ako hehe ayos lang po sakin kayo na muna po una na kayong kumai-"

"Alam kong gutom kana, Kumain kana dito sabay na tayo" ani Jongin habang tumayo ito at binigyan ng upuan si Kyungsoo. Hinila ni Jongin ang isang upuan at pinaupo niya si Kyungsoo sa tabi niya:

"Uhm? sir ok lang po nakakailang po kaya ko naman po umupo" nakakahiyang tugon ni Kyungsoo habang nakayuko pa ito.

Agad niyang inasikaso si Jongin. Binigyan niya ng kanin at ulam ito, Habang inaasikaso ni Kyungsoo si Jongin ay hindi mapigilang mapatingin ni Jongin kay Kyungsoo. Para kasing ang gaan ng pakiramdam niya dito. Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam niya. Siguro nga gusto na niya talagang magtapat ng nararamdaman dito. Nag aantay lang siya ng tamang panahon para magtapat kay Kyungsoo.

Nagtama ang mga mata nilang dalawa. Parang slow motion ang nangyari, parang may mga spark na lumalabas sa mga mata nila.
Paglipas ng mga minuto ay si Kyungsoo na ang umiwas ng tingin, Nailang tuloy siya kaya napayuko siya. At nakakailang din dahil first time nilang magsabay kumain ni Jongin.

𝐌𝐲 𝐁𝐨𝐬𝐬 𝐇𝐮𝐬𝐛𝐚𝐧𝐝 [𝑪𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆𝒅]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon