Chapter 9

3.1K 54 2
                                    

Mika's POV

mag isa sa mall ang trip ko, pero hindi, wala akong makasama. Busy si KR sa training niya. Ever since nakabalik kami dito ay wala na kaming time sa isa't isa. Magkikita lang kapag free siya. Ako kasi dito dakilang tambay sa Pilipinas.

Si kim at mela naman niyaya ko kaso may inaasikaso. Si carol naman hindi ko alam saang planeta nag suot hindi namin macontact kahit sila kim hindi siya mahagilap. Kung tatanungin nyo naman si ara. Hindi ko pa rin siya tinetext isang beses lang naman niya ko tinext yun yung hindi ako nagreply.

Hindi ko nga alam bakit ganon, dati naman kapag nagtext siya at hindi ako sumagot ay tinetext niya ko ulit ngayon hindi na. Alangan naman ako pa ang gumawa ngayon nang move para magkasama kami, siya ang may kasalanan sakin. Bahala siya.

Kahit na loner ako dito nag eenjoy naman ako sa mga nakikita ko. Pero syempre hindi maiwasang malungkot masaya sana kung may kasama ako. Napalingon ako sa isang boutique habang naglalakad. Hindi ko sinasadyang may mabangga.

"Ay sorry"

Hindi ko kaagad siya nalingon. Nagsorry na ko kaagad. Ang bobo ko lang kasi napakareckless ko lang hindi tumitingin sa dinadaanan. Bigla naman sumigaw yung nabangga ko. Kilala niya ko? Hindi ko naman kaagad nakita ang mukha niya kasi niyakap niya ko. Kilala niya nga siguro ako.

"Mika!!!"

Akala mo magkalayo kami nang maisigaw niya ang pangalan ko. Kakaloka lang isya. Nang bumitaw naman siya. Ako naman ang hindi nakapagpigil nang boses ko.

"Ate tin!!"

Nasurprise ako, himdi ko akalain dito ko siya makikita. Namiss ko ang babaing ito, pano akala mo siya ang photographer namin nila ara. Kakaloka lang siya. Pero miss ko talaga siya. Nagbitaw naman kami kaagad. She smiles at me.

"Kelan ka pa dumating? Kamusta? Ang ganda mo ngayon ah?"

Tuloy tuloy lang siya sa pagsasalita. She's one of my close friend, actually naming mga bully. Pero mas close siya samin ni ara. Siya ang number one na nang aasar samin ni ara noon at number one fan daw niya kami ni ara.

Ginagawan pa nga niya kami nang love team. Pasimuno siya sa mga pang aasar samin ni ara. Hindi naman siya manalo samin ni ara pareho namin siyang pinagtutulungan

"Mga mag 3 weeks na rin akong nandito. Okay lang ako. Ikaw kamusta? Aba syempre maganda talaga ako"

Ngiti ko sakanya. Ang dami niyang tanong eh. Kaya naman isa-isa kong sinagot ang mga yon.

"Tagal mo na pala dito, hindi mo man lang ako tinawagan"

Pag simangot noya pa sakin. Niyakap ko na lang siya. Sobrang clingy lang naman namin.

"Sorry ate tin, busy lang.. Kamusta ka?"

Tumawa na lang siya at nilayo ako sakanya.

"Eto ayos lang kakabili ko lang nang bagong camera."

Pinakita niya pa sakin. Napaka adik lang nito sa picture.

"Wow big time. Bagong labas to ah?"

Comment ko naman sakanya. Mukhang big time na siya lalo ngayon ah.

"Gift ko lang yan sa sarili ko. Bunga nang hardwork!"

Napatingin ako sa paligid namin, pinagtitinginan na pala kami nang tao. Pano sa gitna pa talaga nang mall kami nag usap at nagkamustahan. Napatingin naman siya sa ginawa ko kaya siguro nagets na rin niya. At nagkatawanan naman kami. Laughtrip kaming dalawa.

"May kasama ka?" Tanong ko sakanya.

"Wala, ikaw ba?"

Umiling ako sakanya. Pareho lang kami nang nasa isip na dalawa at napatawa na lang ako dahil pareho pa kami nang sinabi.

We used to be (BARA / KARA )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon