EPILOGUE

3.1K 50 14
                                    

"bang kakaloka ka.. bakit doon pa.."

"kasi gusto niya doon.. at gusto kong makasama ka namin"

"hindi ba magmumukhang third wheel ako sa inyo?"

"baliw! baka nga ako pa ang magmukhang third wheel.. mas sweet pa kayo samin e"

"selos ka na niyan?"

MIKA'S POV

kakaloka lang tong si bang. imbis na sila mela ang isama ako pa ang isinama. papunta kaming dalawa ngayon sa isang lugar kung saan babawi raw siya sa surprise ni ara nung monthsary nila.

"alam mo ba? kung hindi siguro kayo nag ayos malamang pinagseselosan pa rin kita hanggang ngayon."

agad naman akong napatingin sakanya nginitian naman ako ni bang after ko siyang titigan wala namang halong bitterness ang mukha niya. nakasmile pa siya nung sinabi niya ang bagay na yon.

gumanti naman ako nang ngiti sakanya. nagfocus na ulit ako sa daan na tinatahak namin.  medyo mahirap yung daan pakurba. delikado. mga trip kasi nitong si bang.. lalo na si ara. gusto niya nang adventure kaya naman naisip ni bang na maghanap nang lugar kung saan extreme ang place.

"what made you let her go?"

hindi ko alam kung titignan ko ba siya o ano.. tumungo naman ako at napatingin sa kamay ko. huminga nang malalim bago magsalita. alam kong inaantay niyang sumagot ako sa tanong niya. hindi naman sa awkward pag usapan. okay na kami ni bang after nang lahat nang nangyare. we became friends.

"you.."

simpleng sagot ko sakanya. hindi ko naman tinignan si bang after kong sabihin yon. tinignan ko lang ang paligid kung saan kami naroroon. peaceful yung paligid, walang halong pollution..

"mika.. what if.. hindi ako dumating.. paano kung ikaw pa rin.."

hindi ko napigilang hindi lumingon sakanya.. kita sa mukha niyang seryoso siya. parang focus siya sa pagmamaneho.

"bang.. ikaw ang dahilan.. para marealize kong mahal ko siya.. so kung hindi ka dumating. marahil magulo kami.. nasasaktan siya hanggang ngayon."

agad niya akong nilingon at ngumiti sakin.

"thank you mika.. thank you for coming to our lives."

hinawakan pa niya ang mga kamay ko habang ang isang kamy niya ay nasa manibela.

"salamat rin at dumating ka.."

"just promise me one thing.. kahit anong mangyare wag mong papabayaan si ara.."

"oo naman no.. wag mo rin sasaktan siya.."

napatawa na lang kaming dalawa. agad siyang lumihis nang tingin at nagfocus na lang ulit sa pagdadrive.

pareho kaming na alarma nang tumunog ang phone niya. nasa may likurang part yon nang kotse niya kaya naman ako na ang nagpresinta upang abutin iyon. tinanggal ko muna ang seatbelt ko at kinuha iyon sa likuran. si ara pala.

inabot ko naman ito sakanya..

"yes. babe?"

"oo magkasama kami.."

"sira. ikaw talaga kung ano iniisip mo.. friends kami nito.. kami magkakatuluyan.."

napatawa naman ako sa sinabi ni bang.. marahil nagloloko nanaman itong si ara na nagseselos samin..

"basta text ko sa inyo ni KR ang details"

KR? seryoso? magkasama si ara at KR? hindi ko napigilang hindi ikunot ang noo ko. tumingin naman sakin si bang at kumindat.

We used to be (BARA / KARA )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon