Chapter 21

2.7K 53 28
                                    

Kim's POV

Alam ko galing kaming celebration, oo we look wasted, mga puyat. pero sa nakikita ko sa tatlong taong napasadahan ko nang tingin ay parang pinagsakluban nang langit at lupa.

nakasandal lang si mika kay KR sa oras na to. si ara naman nakatingin sa kawalan. si bang nakasuot nang headset niya. parang ang lalim nang iniisip nilang tatlo.

"huy.. tera na"

kulbit naman sakin ni mela. ngumiti siya sakin. at hinawakan ang braso ko. medyo lumapit siya para bumulong.

"anung nangyare?"

nguso pa niya sakin. napakibit balikat na lang ako. kasi kahit ako ay hindi ko maintindihan at hindi ko maipaliwanag. okay naman si ara at bang nung iniwan namin sa taas. si mika naman tulog nung mga oras na yon.

pumasok na lang kami sa van ni mela. actually kami ang nauna. sumunod samin si KR at mika. tulala lang sa tabi ni KR si mika, mali pala, balisa lang siya. tanong sagot lang siya kay KR.

si bang at ara naman ay nasa labas pa. sa nakikita ko, nag uusap lang silang dalawa.

nag away ba sila? after iwan namin ni mela.

nauna namang sumakay si bang. sumunod na rin si ara, agad akong tumingin sakanya. umupo na agad si bang. kaya naman sumenyas ako sakanya kung okay lang sila. nag raise ako nang thumb,

tumango lang siya sakin and she smiles at me. hindi kita ang kanyang mga ngipin. hindi ko lang sila masense.

"pagod lang yang mga yan"

pukaw lang sakin ni mela. nag oover think  lang siguro ako sakanila kaya naman nag lean na lang ako kay mela. sobrang pagod ako. kakapagod ang celebration na ganito.

pero parang mas napapagod ako sa nakikita ko sakanila. hay. back to manila. back to sari-sariling buhay.

Ara's POV

patuloy ang pagtakbo sa isip ko nang pag uusap namin ni bang kagabi. hindi ko alam kung tama ba ang pagkakadeliver ko nang mga words sakanya para maintindihan niya ang gusto kong iparating.

nagpasalamat na lang ako kasi naiintindihan niya ko. yung tipong ang open minded niya. yung alam niya yung dapat niyang ireact sakin. sabihin. at gawin.

kanina pa rin tahimik si mika. as usual, magkatabi sila ni KR. hindi ko rin maiwasang hindi sila tignan. parang may nagmamagnet sakin na kailangan ko silang makita.

nang lumingon ako sa gawi ni bang. suot niya lang ang headset niya at shades. parang kita sa aura niya na  makipag-usap.

kita kong sumakay na silang apat  sa van, kami na lang  ni bang ang naiwan dito sa labas. sasakay na rin sana siya kaya lang. gusto ko siyang makausap. simula nang mag breakfast kami ay tanong ako sagot siya sakin.

alam ko ayos kaming dalawa after naming mag-usap. pero sa nakikita ko ngayon. hindi ko mapinpoint if iniiwasan niya ba ako.

hinawakan  ko naman siya sa braso. agad siyang lumingon sakin at tinanggal ang isang ear piece nang headset niya.

"may naiwan ka?"

agad niyang bungad sakin. parang ang cold niya. may ginawa ba ko kagabi? okay kami. alam ko.

"wala naman. hmm.. okay ka lang ba?"

tanong ko sakanya. with matching kunot noo. hindi ko gustong mag iwasan kami kasi wala namang dapat iwasan. wala namang dapat ganitong moment kami ngayon. kasi sinabi ko na sakanya. ang posibleng maging desisyon ko.

"oo naman. puyat lang ako."

gusto ko siyang paniwalaan. gusto kong maniwala. pero hindi ko magawa. hindi ko alam kung anong iniisip niya sa mga oras na to. kung anong ginawa ko bakit siya ganito ngayon.

We used to be (BARA / KARA )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon