Chapter 2

4.2K 58 9
                                    

Cienne's POV

Last last night was a blast! sobrang nag-enjoy ako. parang like the old times. im off to see ara sa resto nila, hindi lang si ara. syempre andun si kim, hindi kami kaagad nagkita, i was too drunk. grabe yung hangover na inabot ko sa ininom namin. akala ko nung pangatlo namin ay hindi na masusundan. pero dumoble. mabuti na lang ay hinatid kami ni ara, siya lang ang medyo maayos nung mga time na yon.

ako lang kasi may inaasikaso si camille, kasama niya si carol. paano pa uwi na si mika. hindi ko naman masisi, kasi si carol ang pinakiusapan ni mika na mag-ayos nang pauwi nila. tinanong ko naman si carol, bakit hindi yung karelationship niya ang mag-ayos. kasama pala niya doon yung "karelasyon" niya.

nakita ko kaagad si kim pag pasok ko. hindi ko napigilan ang sarili ko. patalon kong niyakap si kim. na ikinagulat naman niya.

"ciennang baba! hindi ka magaan!!!"

pagmamaktol ni kim, pero hindi naman ako kaagad bumitaw. pero mas niyakap ko pa siya.

"namiss kita kimmydors!!"

"nakakapag selos naman"

may taong nagsalita sa likod namin, agad akong bumitaw. lumingon naman ako kaagad, pagkakita ko kung sino ay si ara pala. nakasmile samin. nakasmile siya na mas nakakalamang yung kabilang part nang mukha niya. pero close lips. ang cute nang reaction.

"sayo na to"

tinulak pa ko malapit kay ara. napahawak naman ako sa balikat niya. makapanulak naman tong kim na to. pero atleast magkalapit kami ni ara. napahawak naman siya sa bewang ko. para maalalayan ako.

"hard mo naman kay cienne"

nagsalita naman si ara, at inalis kaagad ang kamay niya sa bewang ko. kaya kaagad ko ring inalis ang kamay ko sa balikat niya.

"sige ha, kim? wala kang pasalubong."

lumapit ako sa tabi ni ara, at kaharap ko na ngayon si kim. i gave her, my mataray look with matching pagpout nang lips ko. napatawa naman si ara. nakatingin pala siya sakin.

"joke lang ciennang!! i miss you"

palapit na sana siya, nagtago naman ako sa likod ni ara. hinawakan ko yung mga braso niya. pilit kong ginawang shield si ara kay kim. tawa lang naman siya nang tawa. ang kulit ni kim, ayaw akong tigilan. nakaikot na kami nang isa, mag dadalawa na sana.

"tama na, hilo na ko."

sabi ni ara, kaya binitawan ko na siya. nakakaawa naman nadamay pa sa kakulitan namin ni kim. dahil lunch na ngayong nagpunta ako sa resto nila, libre nila ako nang food. hindi naman ako matakaw. magana lang kumain, masarap ang menu sa resto nila. nakakatakam.

umupo naman kaming tatlo. table for four yung inupuan namin. hindi ko alam kanino ako tatabi. ayako nga kay kim. inaway niya ko. kaya napatingin ako kay ara.

"don't worry tabi tayo, mamaya mag gerahan nanaman kayong dalawa"

sabi ni ara, napansin niya siguro. ganito talaga kami ni kim. kahit noon pa. puro asaran at kabullyhan ang alam. kaya naman tumabi na ko kay ara. umorder naman kami. tinuro ko na lang kay ara ang mga gusto ko. mga talaga. nakakagutom kasi talaga yung menu nila.

"gutom lang?"

parang medyo nahiya naman ako sakanya. hindi ko alam kung nagblush ako, pero parang uminit ang magkabilang pisngi ko.

"ciennang, sorry na."

nagmamakaawa ang mukha ni kim, natatawa naman ako pero pilit kong pinipigil. gusto kong pahirapan ang sira ulong to.

We used to be (BARA / KARA )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon