Chapter 30

1.8K 27 2
                                    

Ara's POV

masasabi kong masaya na ko sa time na to. Kami ni bang, okay kami ni mika. What could I asked for nga naman. Hindi masasabing naging okay kay bang na okay kami ni mika. There are times kasi na nagseselos siya kay mika. Hindi naman siguro mawawala yun sakanya. Pilit kong pinaparamdam na okay kami. Na siya na ang mahal ko. Pero kahit na paulit ulit kong iparamdam sakanya. May doubt pa rin siya sakin. Mahirap lang pero kinakaya ko naman.

Habang inaayos ko yung table for two. Hindi ko lubos maisip na isang buwan na kami ni bang. Three months had gone by. Sa unang buwan mahirap, kasi mas pinili kong samahan si bang. Ayoko na ulit nang gulo. Paunti unting inayos namin ni mika yung samin. Parang nagsimula kami sa umpisa.

Masaya naman siya kay KR. Kapag may problema ako siya ang takbuhan ko. Siya ang kausap ko. Ganun din naman siya. Magbestfriends kami e. For the second month naman, naging busy si bang. Kasi may league na siya. Kaya nakakasama ko na rin si mika paminsan.

Tinignan ko ang orasan ko. 9 pm na wala pa siya. As usual, training pa rin. Matiyaga naman akong nag aantay sakanya.

Maliligo muna ako. Gusto ko munang magrefresh, nakakapagod yung magsurprise. Yung magprepare. Pero worth it naman. Mahal ko si bang.

Daks.

Biglang pumasok sa isip ko ang tawagan namin ni mika. Hindi na namin nagagawang tawagin ang isat isa nang daks. Parang naging wall na rin yung dapat walang tawagan. Para hindi na rin magselos si bang.

Maraming beses ang pinag awayan namin ni bang si mika. Pero si mika naman ang kumakausap kay bang. Pasalamat ako kay mika, kahit na siya ang pinagseselosan, nagagawan niya nang paraan para ipaliwanag kay bang.

Mika's POV

"Baby.. Andito na tayo"

Kulbit at ngiti naman ni KR sakin. Nawala na ko sa pag iisip ko about sa nakaraan, hayaan na nga. Tutal andito na ko sa situation na tinanggap ko sila. Kami. Yung ganito. Huling katagang sumang ayon kami sa isat isa ni ara ay.

"Its for the best"

Bumaba naman ako sa kotse at nagpaalam kay KR. Sa condo ko na ako tumutuloy. Ayoko na kasing makisiksik kay kuya. Since nung araw na nagkaayos kami ni ara naghanap muna ko nang trabaho. Matatagalan pa kasi kami bago bumalik sa Australia ni KR.

Kahit na noon ay pinipilit ni KR na magsama kami, ayoko lang isipin na naglilive in kami. Gusto ko munang mapag isa kahit sandali lang. Yung solo sa isang bahay.

DAKS..

Agad na nagregister sa utak ko ang mukha ni ara, hindi ko na siya natatawag nang daks simula nang mag usap kami.

"Baby. Uwi na ko, okay? See you next week."

Tumango na lang ako sakanya. At humalik sa pisngi niya. Busy rin naman si KR sa career niya. Ganito ang set up namin simula last month busy siya. Ako nagpapakabusy. Nasanay na rin akong ganito kami. Para daw sa future hindi kami magkasawaan. Hindi ko alam anong pinopoint ni KR nung sinabi niyang hindi magkasawaan. Feeling ko tuloy may nagtitrigger sakanya. Nung past. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa sinasabi sakanya yung sakin about kay ara.

Agad kong binuksana ng unit ko. Alone! Ang sarap sa pakiramdam na ako lang ang andito.

Humilata naman ako sa couch ko. At napaisip nanaman kay ara. What if.. Hindi kami ganito. What if pinaglaban ko siya. What if ako ang pinili niya noon. Ganito kaya ako.

Daks..

Parang nakakita ako nang multo nung makita ko siya. Para bang matagal ko nang hindi nakita ang taong ito, at nagulat na lang ako nang makita ko ulit siya. Medyo namayat siya. See looks haggard, alam kong okay lang siya. Kita namang masaya siya. Pero hindi sapat.

We used to be (BARA / KARA )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon