Chapter 23

2.4K 57 21
                                    

Ara's POV

napatulala lang ako sa sinabi ni mika, i must say, the thing she confess. Kay tagal kong inantay na marinig ang bagay na yan. Sa sobrang tagal hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Tinitignan ko lang siya sa mga oras na to. Para bang hindi ako yung ara dati na minahal siya. Yung ara na nasaktan na ni-reject niya ko. Alam ko, I always love her, but sa ngayon. Hindi ko maisip kung anong isasagot ko sakanya.

For the fact the she have KR, parang nawala panandalian sakin na she's in a relationship. That she's taken. Anong sasabihin ko sakanya. That I love her, sure akong mahal ko naman siya, kaso hindi lang siya. Hindi lang siya ang mahal ko. Mahal ko si bang. Mahal ko siya.

Nasasaktan lang ako sa oras na to. Bakit ba ako nagdecide kaagad? Bakit ba nagising na lang ako kinabukasan na natanggap ko na wala na, na I have to let her go.

Uminom lang ulit siya. Napasapo sa noo niya. Paano ko siya i-comfort, paano ko siya papatahanin. Paano ko papagaanin ang damdamin niya. Kung ako ang nagiging cause lahat nang pain niyang nararamdaman ngayon.

"Ara.. Mahal kita.. But I think.. Hindi sapat yung malaman mong mahal kita."

Lumunok naman ako para mapigilan ang mga luhang namumuo sa gilid nang mata ko. Bakit niya pa ba sakin sinabi ang mga bagay na to. Alam kong ibig niyang ipahiwatig.

"Nahihirapan ako.. Kasi kahit na alam ko, ramdam kong mahal kita.. Hindi ikaw ang dapat kong mahalin."

Ang sakit marinig nang mga bagay na yan, though, naisip ko na yan dati, naramdaman ko na nung nireject niya ko nung hindi niya ko mahal. Pero ngayon, mas masakit marinig kasi.. Mahal niya ko. At for the fact that she can't even fight for me. Para sa nararamdaman niya. She's so coward.

"Alam mong ibig kong sabihin, im such a stupid-coward person.. Mahal nga kita. Pero hindi ko kayang panindigang ikaw ang mahalin"

Inubos niya ang laman nang bote niya. Bubuksan pa sana niya ang isa nang hawakan ko ang kamay niya. Napatingin lang siya sakin nang deretso, alam mong nag uusap ang mga mata namin kahit na hindi nagsasalita ang mga ito.

"Stop drinking ye.. Hindi yan makakatulong."

Umiling lang siya sakin.. Ngumiti nang mapait. Kita sa mata niyang maya tama na ito, lasing na siya.

"No ara, it helps me to ease the pain that im feeling right now. This pain is killing me. Parang pinapatay ko ang sarili ko sa pag inom nang alak physically, pero yung pain na nararamdaman ko.. Pinapatay ang puso ko. Dahil sa isang desisyon na hindi ko mapapanindigan. Dahil hindi ko kayang panindigang mahal kita."

Patuloy lang siya sa pagsasabi non. Hinawakan ko ang pisngi niya, naglean siya nang hawakan ko ang mga ito.

Naluluha na ko. I cant blame her bakit siya ganito. Hindi ko ring inaasahan na mapupunta kami sa ganitong situation. She loves me, but I let her go na. Para bang hindi talaga kami ang para sa isa't isa.

"ye.."

"Mahal kita ara.. It kills me, bakit kita mahal.. Bakit ngayon pa.. Tell me ara.. Mahal mo pa ba ko?"

Hinawakan mga kamay ko ang kamay niya. Should I tell her. Kailangan niya bang malaman..

"Please tell me."

Humihikbi na siya. Nanginginig ang buong katawan. Lumapit ako sakanya. Para yakapin. Pumikit ako sandali. Naalala ko ang nakaraan, naalala ko ang araw kung san sinabi niyang hindi niya ako mahal. Hinigpitan ko ang yakap sakanya. Pagmulat ko nang aking mga mata. Para bang nareverse ang situation namin noon sa ngayon..

"Ye.. Im sorry.. But.. I love you.. No matter what, I will always love you.."

Niyakap na rin niya ako. Sumubsob sa balikat ko. Patuloy siya sa pag iyak. Hindi ko namalayan ang pagpatak nang luha sa mata ko.

We used to be (BARA / KARA )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon