Chapter 14

3K 61 27
                                    

Kim's POV

Im on my way sa condo ni mika, nakalimutan kong magkikita kami dapat one time ni mika. Almost 4days ago na rin yon. Medyo busy rin ako dapat talaga magkikita naman kami. Kaya lang may nakipagkita siya sakin.

Syempre si mela yun hindi dapat yun ang second option.. Hindi siya ang second choice. She's always be my first. Nabanggit rin sakin ni ara na medyo nainis nga si mika. Kaya tinext ko rin siya kaagad, mabuti na lang humupa na ang pagkainis niya.

Bigla-bigla lang itong si mika, hindi ko nga alam kung bakit niya ko kailangang makausap. Basta as soon as possible daw kami kailangang mag usap.

Buti na lang si ara ay walang gagawin ngayong araw. Siya muna sa coffee shop namin at resto-bar. Hindi naman ganun kahandle kami sa coffee shop checking lang minsan, pero si ara. Mas nagstay siya ngayon sa coffee shop.

Malamang nagkikita don sila ni bang. I can see naman sakanila na okay sila. Friends. Wala namang nababanggit sakin si ara na nililigawan niya si bang or what. Ang lagi niya lang sagot ay they're friends that's all.

Pero sa nakikita ko, sa sulyapan.. the way they talk to each other hindi malabong may patunguhan. andito na ko sa may pintuan nang condo nang kuya ni mika.

Magdoorbell na sana ko kaya lang binuksan na niya ang pintuan.

"You're here"

Sagot naman sakin ni mika. Nakangiti naman siya, at mukhang bagong ligo. Kaya nag smile naman ako sakanya.

Inabot ko sakanya ang pasalubong ko, galing ito sa coffee shop namin. Kung tatanungin nyo hindi ako ang nagpadala nito.

Si ara.

Napakasweet lang nang babaing yon. Kung iisipin kong walang mika. Baka may bang na siya. Or I should say, baka si bang ang para sakanya. Paano ko nasabi simple lang.

"Pasok ka.."

Nawala naman ako sa pag iisip nang magsalita siya, o well. Pumasok naman ako at umupo sa salas. Mamaya ko na lang iisipin si bang at ara.

"Salamat pala dito"

Inangat pa niya ang dala ko. At nakangiti.

"Kay ara galing yan"

Simple kong sagot sakanya, at nagsmile naman ako. Medyo nagsmile siya nang close lips. Hindi ko gets bakit ganon siya ngumiti. Umupo naman siya sa may tapat ko. Parang may problema siya.

"Kamusta ka?"

Tanong ko sakanya.

"Okay naman ate kim.."

Ngiti niya sakin. She changes her smile. May iba lang talaga sa ngayon.

"Ikaw kamusta?" Tanong naman niya sakin.

"Ayos naman.."

Sagot ko sakanya. Tinitignan ko lang siya sa ngayon.

Nakita kong nilalaro niya ang mga daliri niya. Ang lalim nang iniisip niya sa pagkakaobserve ko. Kahit na nakatingin siya sakin ngayon alam kong hindi siya nakafocus sakin.

"Spill it out, mikang"

Bumuntong hininga naman siya sandali at tinigil ang paglalaro niya sa daliri.

"Ate kim.."

Focus lang siya sa sinasabi niya. Nabingi pa ko sa mga sinabi niya. Sandali akong nabingi sa mga sinabi niya.

"Hindi ko alam kung kanino ko pa dapat sabihin ang mga bagay na to.."

May problema nga siya.. Hindi daw alam kung kanino. Hindi kaya buntis siya. At hindi niya masabi sa iba.

We used to be (BARA / KARA )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon