Chapter 1

6K 65 2
                                    

"what's scary? it's when someone treats you special and when you get used to it". I expect, and I assumed. the only thing for her is to treat me as her friend nothing more.

 Ara's POV

 "i know you'll think this is abnormality, pero mika, i like you. no mali, hindi lang kita gusto. mahal kita. i love you" 

"ara, stop"

"hindi mika, mahal kita. hindi ko alam paano at kailan, isang araw na lang hindi ka na maalis sa isip ko. yung puso ko tumitibok nang mabilis kapag nagkikita tayo.. kapag magkasama tayo"

"ara, hindi. hindi mo ko gusto. naging close ka lang, naattach ka lang. sumobra lang yung sweetness.. yung closeness natin sa isa't isa"

"mika, please, listen to me. gusto kita. gustong-gusto. hindi ko na kayang maging bestfriends lang tayo. yung kaibigan lang tayo.. nagseselos ako kapag may kasama kang iba. yung binibigyan mo sila nang attention mo. ganon ka rin naman sakin diba? nagagalit ka kapag kasama ko sila, please. can you be my girl?"

 "ara, alam mong hindi pede, alam mong friends lang tayo. bestfriends. alam mong close lang talaga ako sa mga taong nakapaligid sakin. alam mo yan. im sorry, hindi kita kayang saktan. mahalaga ka sakin ara. but to be your lover. NO! im sorry ara. i need to go"

nagmulat ako nang mata ko, panaginip nanaman pala. since the day she left me, nawalan na ko nang communication sakanya. no text neither no call. even though sa iisang school kami nag-aral. a year ago nang magconfess ako nang feelings ko sakanya. super close kami actually. dun ko na lang nalaman sa sarili ko na isang araw paggising ko iba na ang nararamdaman ko para sakanya.

hindi ko na matandaan kung kelan ko nalamang mahal ko na siya, basta bigla na lang nangyari ang lahat. yung tipong gusto ko siyang makasama, yung gusto ko siya palaging kausap, yung magkatabi kami palagi, at yung palaging may oras sa isa't isa.

noon akala ko the feeling is mutual. paano ko nasabi? simple lang. kapag may kasama ko, iba ang aura niya. para maging okay kami hindi niya ko kakausapin nang isang oras, para lang mawala ang pagkabadtrip niya. kapag free siya inaantay niya ko sa labas nang room ko, ganun rin naman ako sakanya. dapat laging may text galing sakin kapag magkahiwalay kami. yung uuwi kami sa mga bahay namin. may goodnight every night. 

after our graduation lalapitan ko na sana siya, kausapin man lang. kaya lang she raise her hand. nagsisignal na magstop ako sa paglapit sakanya. tapos umiling pa siya, sabay iwas nang tingin sakin, ang sakit palang iwasan ka nang taong mahal mo.

wala na kong nagawa kundi sumunod sakanya, mahirap na kung mapahiya pa ko sa harap nang maraming tao. kaya ang nagawa ko na lang ay umalis at lumuha. nabalitaan ko na lang kay kim na pumunta pala siya sa australia. to pursue her dreams. nasabi ko na lang na masaya na ko for her, ganon naman kapag mahal mo yung tao diba? 

one and a half year na siyang wala sa buhay ko. pero patuloy siyang nabubuhay sa puso ko.

"hoy victonara, gumising ka na jan. pupunta pa tayo sa shop"

 aga-agang manigaw nitong si kim. si kim ang naging sandigan ko simula nung iwan ako nang taong mahal ko pero bestfriend niya lang pala ako. partners kami ni kim sa business. nagpatayo kami nang resto-bar, malaki naman ang kita dito. ngayon nagpapatayo naman kami nang coffee shop, hindi namin maintindihan bakit coffee shop. dahil ba pagkatapos mag inom ay deretso sa coffee shop para magpababa nang tama.

"aba? victonara, papasukin kita jan. alam kong gising ka na bangon na!"

matagal na ba kong nagmumuni dito. hindi ko namalayan, makabangon na nga lang. baka kung ano pang magawa ni kim sakin. hahaha. don't get me wrong, hindi kami ni kim. hindi ko siya karelasyon. hindi kami talo. where on the same feathers. lumabas naman ako kaagad at nagtungo sa c.r

We used to be (BARA / KARA )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon