Chapter 24

2.5K 58 30
                                    

Cienne's POV

IM BACK! Namiss ko ang pollution sa Pilipinas, namiss ko ang trapik sa Manila, namiss ko rin ang mga kaibigan kong luka. Walang may alam na uwi ako sa araw na to, surprise lang sakanila. para naman mabigla sila sa pagbabalik ko. Actually ako lang ang umuwi. Iniwan ko si kambal don, alam niya kung bakit ako umuwi. siya na nga mismo ang nagsabi saking umuwi ako. kung iniisip nyo bakit. Marami akong namiss, marami akong dapat ayusin.

Asan kaya siya? Hindi naman ako pwedeng tumawag sa phone niya, gusto ko kasing i-surprise, siya ang gusto kong makausap at makita sa oras na to, well to clear things and explain everything to her. Kaya naman si ate kim ang una kong tinawagan, malamang siya lang ang may alam kung nasaan ngayon ang hinahanap ko.

Dumaan muna ako sa resto-bar nila. Well, namiss ko rin naman kahit papano ang ingay sa Pilipinas. Matagal na rin kaming nagcommunicate ni kim, matagal na matagal na.

Binuksan ko naman agad ang pinto nang office nila, nagulat pa si kim nang iluwa ako nang pintuan. Okay? Disappointed ako. Wala siya dito. Ay baka nasa..

"Ciennang!"

Tayo naman ni kim at yakap sakin, para bang walang bukas kung yumakap. Para bang ayaw na kong bitawan. Hinampas ko naman nang mahina ang likuran niya para bitawan ako.

"Gulat na gulat, hindi alam na pupunta ako?"

Pamewang ko sakanya, nang bitawan niya ako sa pagkakayakap namin kanina.

"Syempre iba pa rin yung nakita kita.. Kamusta? Blooming ata tayo ha?"

Ngisi naman sakin ni kim, para bang may ipinahihiwatig. Umupo naman ako, at tumabi siya sakin. Parang mesmerize pa rin aiya nang makita ako sa mga oras na to..

"Syempre, nabawasan nang mga iniisip.. Kamusta ka? Hindi nagbago itsura ah.. Pang---"

"Sige sabihin mong panget ako!"

Napatawa naman ako. Assumera kasi.. Kaya natawa ako nang bongga.

"Well, ikaw ang nagsabe. Sasabihin ko kasing pang gabi ka na ngayon?"

Totoo, swear yan ang sasabihin ko sakanya. Siya kasi atat eh. Sumimangot naman siya sakin, kaya natawa na lang talaga ako nang sobra. I never laugh like this nung nasa Canada ako.

"Change topic na nga.. So bakit nga?"

Tanong ko ulit sakanya, mukhang napikon kasi.. Pero swear talaga yun ang sasabihin ko. Inirapan naman niya ako. Kaya naman lumapit ako sakanya at nagback hug..

"Sorry na kimmy!"

Kiniliti ko pa siya sa tenga. Nakiliti siya at agad na tumayo. Nilalayo pa niya ko sakanya kasi pinipilit kong lumapit.

"Ciennang, sit!"

Turo pa niya sa upuan para bang ginawa akong aso. Sira ulo to. Kaya imbis na umupo, lalong lumapit sakanya.

"Cienne, ayoko na talaga. Please! Upo ka na.."

Umiiling iling na lang ako at tumatawa sakanya. Sinunod ko siya, parang nagpalit lang kami nang inupuan. Nakatitig lang kami sa isa't isa.

"Ano? Sasagutin mo ba tanong ko o kikilitiin ulit kita.."

Akmang tatayo ulit ako. Siya naman todo taas nang kamay, kasama pa ang paa pangharang sakin.

"Sasagutin, atat lang.. Pero may nag iba talaga sayo cienne.. Clingy mo ah?"

Clingy raw ako? Matagal nanaman akong clingy. Kumunot ang isang kilay ko. At ngumiti nang nakapout sakanya. Tinignan ko lang aiya. Gusto ko kasing masagot ang tanong ko.

We used to be (BARA / KARA )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon