Chapter 17

2.8K 63 26
                                    

 Ara's  POV

ang daming tao lang sa baba, hindi ko inexpect na ganito ang magiging celebration ni kim. andito rin kasi ang family niya at ibang close friends.  wala naman sila ate aby kahit ininvite sila ni kim, busy rin kasi sila pero naintindihan naman ni  kim yon.

nakita ko naman si KR ay nasa baba, kausap ang mga kaibigan ni kimm. mabuti siya may lakas nang loob na makipag usap sa iba. kaya ba siya nagustuhan ni mika. naalala ko pa yung time na marinig ko ang pagsagot ni mika kay KR.

flashback

Palabas na naman ako nang kwarto namin, pinababa na kasi kami nila kim. Lumabas naman ako kaagad kasi magbibihis pa daw si bang. Kanina habang magkausap kami, I forgot na hindi lang pala kami ang nandito, hindi lang pala kami ang magkasama.

Mabilis lang akong nakababa. Baka magtampo naman sakin ang mga kaibigan ko. Palabas na naman ako nang makita ko si mika at kim nag uusap. Parang seryoso lang nang pinag uusapan.

Nang..

Mali pala ako, bigla na lang silang nagwisikan nang tubig parang mga bata lang. Kaya naman bigla akong tumalon sa pool.

"Canon ball"

Parang signal na may tatalon mahirap na baka may maaksidente samin. Agad din akong nakaahon sa pagkakalubog ko. Nakita kong nasa harapan ko si mika, napahilamos na lang siya sa ginawa ko.

Ang lapit niya lang sakin. Alam kong malabo ako pero kapag kaharap ko siya hindi ko mapigilan ang damdamin ko. Hindi ko maiwasang hindi siya tignan at hindi maiwasang di tumibok ang puso ko nang mabilis.

"Hi"

Halatang gulat siya sa pwesto namin non, kaya naman para mawala yung pagkagulat niya ay nginitian ko siya. Pero mas nagulat pa ata siya sa ginawa ko. Kasi naman mas nag iba ang expression nang mukha niya, hindi ko maexplain. Isa lang masasabi ko, awkward!

Biglang nanghila tong si kim, tumititig pa ko kay mika. Pero mabuti na lang at hinila niya ko para naman wala ang awkwardness na namumuo saming dalawa. Patuloy lang sa pag wasiwas sakin si kim. Bumabawi sa ginawa ko.

"Gago ka dami kong nainom na tubig!"

Hindi naman ako makareact, baka kapag nagsalita ako ay ako naman ang makainom nang tubig. Natigilan lang kami pareho nang may tumawag sa pangalan ko.

"Ara!"

Wow? As in wow na lang. Si bang pala, at ang hot lang niya. Napanganga lang naman kasi ako sa nakita ko. Paano siya nagawang iwan nang girlfriend niya ngayong maganda na, mabait pa. Nabitawan na lang ako ni kim, at tinulak nang mahina. Kailangan kong makabawi sa pagkatulala ko.

"Yes?"

At agad akong umahon sa pool. Naglakad siya papunta sa may bilyaran nang sumigaw si KR, narinig ko yun pero wala akong pakialam. Ang alam ko lang ay ang sexy ni bang, at ang ganda niya. Kaya nagsmile na lang ako. At nang marinig kong sumagot si mika, ay mas lalo akong ngumiti. Wanna know why?

To hide the pain.

biglang sumigaw ang mga tao sa baba. andito lang ako ngayon sa balcony kanina kung saan kami nagkulitan ni bang kanina.

"happy birthday kim.."

binati nila sabay-sabay si kim.. ngayong  andito ako sa balcony, hindi mawala sa isip ko yung napagpustahan namin sa bilyaran.

oo gusto ko siyang ligawan kasi gusto ko. una kinausap ko siya para pagselosin si mika. win-win situation ako sa panahon na to. i will know if mika likes me. and second, ay may chance kaming maging sweet ni bang. dinahilan ko na lang na pustahan yon para naman hindi siya makahalata, but then again mali ako.

We used to be (BARA / KARA )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon