Chapter 16

3K 64 28
                                    

Bang's POV

Mamaya pa naman yung ibang bisita ni kim, kaya eto kami sa resort trip lang. Kasi mamaya raw hindi na kami makakapagswimming. Parent at katiwala naman nila kim ang nagprepare nang foods. Kami dakilang istambay at nanggugulo sa resort nila.

"Haha.. Ang kulit! Sabing nakikiliti ako"

"Baby naman.. Sabi wag.."

Isa lang yan sa mga naririnig ko ngayon, kung hindi sa gawi nila mela. Malamang kela mika naman. Nakakaumay partner-partner ang peg. Ako andito pa sa taas, nasa may pool side kasi silang apat. Tinatamad pa kong bumaba. Inaayos ko pa ang gamit ko. At chinecheck na rin ang emails.

Nakapwesto lang ako sa may balcony. Kakarating lang din namin dito sa resort. Masasabing maganda yung resort, kasi may three rooms na available. Up and down type. May bilyaran sa baba. Pang family lang talaga.

Hindi ko akalaing sa family pala ni kim tong resort na to.

"Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala."

Kanina pa ako hinahanap? Totoo ba? Malamang para pagselosin si mika. Nakatayo lang siya sa may sliding door nang balcony. Nakasmile naman siya sakin.

Nagfocus na lang ulit ako sa laptop ko. Ayoko na lang siyang kausapin. Tinatamad akong maging clingy sakanya nang dahil lang kay mika.

"hindi ka bababa?"

Nagulat naman ako nang magsalita si ara. Nakasando lang siya at nakashorts. Ang lakas talaga nang appeal niya wala akong masabi.

"Tinatamad pa ko, mainit pa."

Simpleng sabi ko sakanya dahilan lang para hindi na ko kulitin pa. Lumapit naman siya sakin. At umupo sa tabi ko. Sinilip niya sila kim. Or si mika lang. Kita ko yun habang nagfocus na ulit ako sa laptop ko. Wala naman talaga akong ginagawa sa laptop ko, kundi naglalaro nang solitaire.

Nagulat naman ako nang umupo siya sa tabi ko. At nilabas ang phone niya. Nagsalita naman siya nang makaupo na siya.

"Samahan na kita dito"

Dapat ba kong sumagot sakanya. Mas pinili ko na lang magfocus ulit sa laptop ko.

"Bang thank you for coming with me"

Napatingin ako sakanya. Seryoso siya sa pagkakasabi nito.

"Were friends" sagot kong nakangiti sakanya,

Medyo nagkibit balikat na lang siya. What's with her. Tumingin ulit ako sakanya na nakataas kilay.

"Bang?"

Tinignan ko siya signaling to continue to talk.

"Pano kung makipagbalikan sayo si drei? Babalikan mo?"

Ang random naman nitong taong to. Napasali pa ang ex ko talaga? Hala siya.

"Ang random mo? Anong meron?" Sagot ko sakanya.

"Wala naman, gusto ko lang malaman"

Paulit ulit niyang tinatanong sakin kung kamusta kami ni drei. Kung okay ba kami, tapos ngayon eto? Trip talaga nito. Sasagutin ko ba? Pero nakatingin lang siya sakin. Halatang nag aantay nang sagot.

"Hmm.."

Medyo binitin ko. Medyo nakunot na noo niya.. Mabitin pa nga.

"Ano.. Hmm"

Hanggang sa kumunot na ang noo niya lalo. Mabuti na lang napipigilan ko ang tawa ko. Tatawa na sana ko kaya lang nagsalita na siya.

"I think you answered my question."

We used to be (BARA / KARA )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon