Marco
Kung anu-ano ang pinagpustahan namin ni alfred. Kaya kahit pinipigilan kami ng tatlo naming kasama. Wala silang nagawa kundi pabayaan nalang kami.
"Bwahahaha... ano? Lalaban ka pa ba? Kahit isang game hindi mo ako natalo" sinamaan ko siya dahil sa sinabi niyang yun.
"Tsk. Taga dito ka siguro nuh?" Pang iinis ko sakanya.
"Bwahaha. Sadyang talunan ka lang" kaso walang talab. Dahil ako ang nainis sa sinabi niyang iyun.
Napagdesisyunan naming kumain muna kami bago umuwi. Since enjoy na enjoy kami. Hindi narin namin napansin yung oras.
Pero habang kumakain kami ay napatigil ako ng bigla nalang magvibratre yung phone ko.
"T-tawag?" Bulong ko sa sarili ko.
International call ang number. Kaya hindi ko alam kung sino yan. Kaya para malaman ko ay sinagot ko nalang siya.
"H-hello?" Bungad ko. Pero nang marinig ko yung boses nung tumawag napangiti ako ng malapad.
"E-excuse me lang guys ah" pagpapaalam ko kila cess tsaka lumayo sakanila.
Alfred POV
Habang kumakain kami ay napatigil si marco ng may tumawag sakanya.
Hindi ko nakita kung sino. Dahil kaagad niyang sinagot yun. Pero base sa unang number na nakita ko ay parang international call.
"H-hello?" Napatingin kaming lahat ng sugutin yun ni marco.
Nagtaka kaming lahat ng makita ang expression niya. Bigla kasi siyang ngumiti ng malapad matapos niyang magsalita.
"E-excuse me lang guys ah" kunot noo akung nagtaka sa inasta niya.
Ewan pero nacurious ako sa katawagan niya. Paano ba naman. Kasama niya ang mga kaibigan niyang sila cess at niel. Pero ang ngiti niya iba.
"Sino yun cess? Kilala nyo?" Pagtatanong ko.
"Hmmm... wait lang ah. Ibabase ko sa expression niya" tugon niya sa akin.
Kaya kahit kating-kati akung malaman yung totoo ay hinintay ko nalang.
Lumipas yung ilang minuto. Hindi parin tapos makipag-usap si marco sa cellphone niya.
"Yun oh. I got it guys. Kilala kuna kung sino kausap ni marco" lahat kami ay napatingin kay cess. Kaya sumenyas siya na ilapit namin ang mga mukha namin sakanya.
"Sino cess? Parang ibang marco yata ang nakikita ko ngayon? Masyadong masaya" pagtatanong ni niel.
"Oo nga. Parang may something sa taong kausap niya" tumango-tango ako ng dinagdagan pa ni thomas ang sinabi ni niel.
"Ay. Ano ba kayo. Hindi niya ba sainyo nakukwento huh?" kumunot yung noo ko sa sinabi niya.
"Naikwento ang alin?" Balik kung tanong sakanya.
"Ay. Halatang hindi niya nga naikwento..." medyo nainis si niel kay cess. Imbes kasing sagutin kami ni cess. Nagpapabitin pa eh.
"Tsk. Sino ba yun cess? Sabihin muna kaya saamin. Hindi yung nagpapabitin ka" inis na sabi ni niel. Kaya sumeryoso si cess.
"Tsk. Hindi ba uso sainyo ang pabitin? Duh. Mas intense kayang may pabitin..." sinamaan namin siya ng tingin dahil dun.
Siya lang kasi ang nakakakilala ng lubusan kay marco. Kaya alam naming alam niya kung sino ang kausap niya.
"Okay... okay... sasabihin kuna okay? Yung kausap niya? B-boyfriend niya. Boyfriend niya sa states. Sa america" nang marinig ko yung sinabi niya ay parang may kuryenteng dumadaloy sa tenga ko.
Para bang nabingi ako ng panandalian sa sinabi niya. Ewan ko kung bakit. Pero may kakaiba akung biglang naramdaman. Dahil dun.
Marco POV
Matapos kung makipag usap sa tumawag sa akin. Hindi parin nawawala ang ngiti ko ng bumalik ako sa mga kasama ko.
"Oh. Parang ang tahimik niyo yata guys? May nangyari ba dito?" Inosente kung tanong sakanila.
Kaya agad akung tumingin kay cess. Dahil im sure kilala niya kung sino yun.
"So musta ang pakikipag usap sa boyfriend mo?" Napatingin ako kay niel ng bigla siyang magtanong.
Medyo kumunot ang noo ko sa sinabi niyang iyun. B-boyfriend? Sino? Ako? T-teka... ako may boyfriend?
"B-boyfriend? S-sino? Yung tumawag ba sa akin?" Taka kung tanong tsaka ibinaling ang tingin kay cess.
Painosente siyang kumakain. Kaya napailing ako sa isipan ko. Nako nako. Princess Jane Marquez. Ikaw nanaman pala ang may kasalanan. nako. Baka mapatay kuna talaga ang taong ito.
"Ahhh... well... usual talk ang nangyari sa amin. You know? Kamustahan then you know what guys? Uuwi daw siya dito sa pilipinas" masaya kung pamamalita.
I'm sure na curious din si cess nuh. Paano naman siya hindi maku-curious kung kuya na din ang turing niya dun.
"Yeah. Yeah. Happy siya nuh? So ano? Uwi na tayo? Tapos na akung kumain" napatingin kaming lahat kay alfred ng bigla siyang sumingit at tumayo.
"u-uwi na? Eh hindi k-ko pa tapos kainin to?" Turo ko sa pagkaing nasa harapan ko.
"So kasalanan ko pa ba? Mas busy kang makipag usap diyan sa boyfriend mo" tumingin ako kay thomas na may question mark sa ekpresyon ko.
Pero nagkibit balikat lang siya sa akin dahil dun.
A-anong nangyari sa isang yun? Inatake nanaman ba siya ng sakit niya? Nako. Nakakaloka ah.
-------------------
"Aish. Alam niyo nakakainis kayo ah" bulway ko kila thomas at alfred ng makabalik na kaming lima sa dorm.
Anong oras narin naman din kasi kaming nasa mall. Kaya hindi namin masyadong napansin ang oras.
"Oh? Bakit naman? May ginawa ba kaming masama huh?" Tanong ni thomas.
"Tsk. Painosente pa" inis kong tugon sa tanong niya.
Nakakainis sila eh. Kitang hindi pa ako tapos kumain nagyaya ng umuwi.
Kaya ayun. Nakabili rin kami ng makakain sa family mart ng makakain ko.
"Sino ba kasing may kasalanan? Kami ba? Tsaka pwede ba nakakain kanarin naman diba? Ano pang nirereklamo mo" tinignan ko ng masama si alfred sa sinabi niya.
Isa rin ang kumag naito. Inatake siguro ng pagkabipolar niya. Ewan. Masaya sana yung bonding na yun. Kaso parang hindi kunarin naenjoy dahil sakanya.
"Ay ewan ewan. Bahala nga kayong dalawa diyan. Matutulog na ako" nadabog akung humiga sa kama ko tsaka inilabas ang phone ko.
Pumunta ako sa gallery para magset ng bagung wallpaper. Ang cute kasi nung isang picture naming lima eh.
"Ayan. Ang cute ko dito hahaha" sabi ko sa sarili ko tsaka inilagay sa ilalim ng unan ang phone ko.
BINABASA MO ANG
Just My RoomMate(COMPLETE)
General FictionLOVING SOMEONE IS NOT A SIN. And GENDER IS NOT A MATTER when it comes to love. Kaya hindi makasalanan ang pagmamahal sa kapwa. Pero anong mangyayari kay ALFRED kung isang araw ay mafall siya sa isang transfer student? A student who make his beliefs...