Alfred POV
"Boyfriend...."
Simula kahapon ay hindi parin nawawala sa isipan ko yung sinabi ni cess sa amin.
Hindi ko alam. Pero bigla nalang din akung umakto ng ganun kahapon. Basta nainis ako ng makita ko siyang masaya habang kausap yung "boyfriend" niya.
"Hoy. Ano? Uupo ka nalang ba diyan? Gusto mo bang malate tayo sa klase?" Kaagad akung napatingin kay thomas ng batukan niya ako.
"Tsk. Makabatok naman ang isang to. Hindi kita pakopyain diyan sa quizz mamaya eh" pangbabanta ko sakanya. Kaya kaagad siyang kumapit sa braso ko.
"Hihi. Joke lang bro. Sige upo ka lang muna. Hindi pa naman tayo malelate eh. Hihihi" inilingan ko nalang yung sinabi niya at tinanggal yung kamay niyang nakakapit sa braso ko.
"Ewan ko sayo. Tara na nga" yaya ko sakanya. Pero bago yun tumingin muna ako sa isang taong mahimbing ang tulog.
Hay. Bakit kakaiba ang nararamdaman ko. Tuwing nakikita ko siyang mahimbing ang tulog.
Para bang kaagad na gumagaan ang pakiramdam ko dahil dun.
"Huy. Baka naman malusaw si marco sa titig mo" kaagad kung binatukan si thomas sinabi niya.
"Sira" sabi ko tsaka umalis na ng kwarto namin.
-------------------------
"Argh. Please tama na. Hindi na ako makapag pokus oh" reklamo ko habang pinupukpok ang ulo ko.
Paano ba naman. Hanggang ngayon hindi parin mawawala sa isipan ko yung boyfriend ni marco.
Ewan pero ang cute ng ngiti niya. Nung araw na yun. Pero kapag iniisip ko ang bagay nayun. Laging pumapasok sa akin yung boyfriend.
Hindi ko alam kung bakit. Pero tingin ko kasi hindi siya masayang kasama ako.
"Hoy dude? Nangyare sayo? Nasa klase pa tayo oh" napatigil ako at tinignan si thomas.
"Anong gagawin ko? Para na akung mababaliw dude" nakita ko yung ekpresyon niya.
Aish. Isa din ang taong ito. Hindi nga pala nakakatulong sa problema ko.
"Matagal ka nang baliw sira" hindi ko pinansin yung sinabi niya.
Mabilis lumipas yung oras. Kaya ngayon ay naririto kaming dalawa ni thomas. Nakikipag usap kay niel at cess.
"Oh... para kayong binagsakan ng maraming homework ah" salubong ni cess.
"Tsk. Paano ba naman kasi merong isa diyan na balisa. Kung anong pinaggagawa sa klase. Kaya ayun pinagalitan siya at ang malala idinamay pa ako" natawa lang sila niel at cess sa sinabi ni thomas.
"Yeah. Thanks to me. Dahil babad tayo sa assignment. para iwas alak" pang aasar ko sakanya.
Habang nag uusap kami tungkol sa mga ibang bagay. Kaagad kung napansin si marco na hindi nila kasama.
"Teka. Nasaan si marco? Bakit parang wala pa siya kanina?" Pagtatanong ko.
Usually kasi magkakasama silang tatlo o hindi kaya si cess ang kasama niya o si niel.
"Ahhh si marco? Hindi daw siya makakasama sa atin" napakunot ako sa sagot ni cess.
"Bakit?"
"Paano binagsakan din ng assignment. Nahuli kasing natutulog sa klase" napa "ahhh" nalang ako sa sinabi niya.
Infairness din sa isang yun ah. Hindi halatang kinukulang sa tulog.
"Oh tama. Nakalimutan ko pala kayong balitaan" ngayon naman kay niel ang atensyon namin.
"Balita saan?" Tanong naming tatlo.
"Marunong naman kayong magbasket ball diba?" Napatingin kami ni thomas sa isa't isa. Tsaka tinanguan si niel.
"Kasi may bagong transfer student sa klase namin. Kaso pinag aagawan ng mga ibang course eh" tumanga tango kami sa kwento niya.
"So... ang ibig mung sabihin kapag nanalo kayo sa basketball game. Siya ang magiging muse ng course ninyo?" Paggagawa ko ng kunklusyon sa kwento niya.
Oo nga pala. Si niel ay isang business management student. Habang kami naman ni thomas ay education ang kinuha namin.
Eh sa gusto naming magturo sa mga estudyante magagawa niyo ba? Tsaka mas indemand ang mga teacher ngayon nuh.
"Yup. So ano? Gusto niyo bang sumali sa team namin?" Sasabat sana ako para sabihing hindi kaso bigla akung naunahan ni thomas.
"Maganda ba siya? Sexy? Chiks?" Napapikit ako sa tanong niya.
Ayan nanaman siya oh. Aside sa alak. Mga babae ang trip nito eh.
"Oo naman dude. Paano naman pag aagawan yun kung hindi chiks" para tuloy akung nakakita ng kapareha ni thomas ng makita ko reaksiyon ni niel.
"Hay nako. Boys are boys. Wala na talagang pinagbago. Sana nandito nalang si marco para pagalitan ka" natawa nalang ako sa sinabi ni cess.
Oo nga pala. May crush si niel kay marco. Pero lalaki parin siya. Kaya may pagnanasa parin yan sa babae nuh.
Dahil sa pumayag kami. I mean si thomas kay niel ay wala na kaming magagawa. Tsaka minsanan nalang din naman kaming makapag basket ball ni thomas.
Marco POV
Nagbabad nanaman ako sa library para lang matapos ang sandamakmak na assignment sa akin. Buti nga at hindi nagmamadali ang mga prof ko.
"E-excuse me" kaagad akung napatigil sa paglalakad ng may narinig ako.
Kaagad kung nilingon kung saan nanggaling.
"P-pwede ba akung magpatulong?" Napatingin ako sa babaing nakaupo sa isang bench.
Una. Tumingin tingin muna ako sa paligid ko. Baka kasi nagkakamali lang na ako ang tinatawag niya.
Aba malay mo maging assumera pa diba. Masaklap yun.
"A-ako ba?" Tanong ko habang tinuturo ang sarili ko.
Tumango siya. Kaya kaagad kung nilapitan para tanungin kung ano yung maitutulong ko.
"A-ano bang problema miss?" Tanong ko tsaka tinignan yung mga librong bitbit niya.
"Pupwede ba akung magpahatid sa girls dorm? M-masyado kasing mabigat Hindi kuna kayang bitbitin" napatingin ako sakanya habang sinasabi yun.
Hmm. Infairness kay ate ah. Maganda siya. Kaso ang panget niyang kapag haggard.
"Ahhh. Ganun ba. Sige bitbitin ko yung kalahatin okay ba yun?" Pag aalok ko. Kaya kaagad siyang ngumiti sa sinabi kung iyun.
Nagpunta na kami sa girls dorm. nadaanan kunarin yung room ni cess kaya kahit papaano nabawasan yung bitbit ko kasi tumulong siya.
"S-salamat sainyo" ngumiti kami ni cess ng humingi siya ng salamat.
"Ah. Wala yun. Basta ka school mate tinutulungan talaga namin" pagmamalaki ko naman sakanya.
"Ah. By the way ako nga pala si cess. Taga dorm 14 at isang nursing student" inilahad ni cess ang kamay niya para makipag shake hands.
"Ako naman si marco. Isang computer science student. Nice to meet you" inilahad ko rin yung kamay ko sakanya.
"Ahhh. Nice to meet you. Isa akung business management student....." nakipag shake hands siya sa amin at ngumiti siya.
"Tsaka, ako nga pala si Anna.... Anna May Fuente"
BINABASA MO ANG
Just My RoomMate(COMPLETE)
General FictionLOVING SOMEONE IS NOT A SIN. And GENDER IS NOT A MATTER when it comes to love. Kaya hindi makasalanan ang pagmamahal sa kapwa. Pero anong mangyayari kay ALFRED kung isang araw ay mafall siya sa isang transfer student? A student who make his beliefs...