Andrei POV
"N-niel... kumapit ka lang huwag kang bibitaw... malapit na tayo sa hospital" pagko-comfort ko kay niel.
Nandito kami sa ambulansya at sakay sakay kaming apat. Kasama narin yung ibang nurse.
"Niel. I know na may nagawa kaming mali sayo.... p-pero please lang niel... huwag mo kaming iwan ni andrei" dagdag naman ni nicole.
Kung hindi lang muling nagkita sila drake at nicole. I think bagay sila ni niel.
"Kaya please niel... huwag mo kaming iwan oh" sabay naming bigkas ni nicole.
Wala akung pake kung mabingi yung dalawang nurse na katabi namin.
Basta kailangan namin si niel. Kahit hindi man naging kami ni niel. He is one of the important person for me.
Hindi sana ako magiging ganito katatag. Kung hindi dahil sakanya.
Sa mga advice niya sa akin. Mga sermon at higit sa lahat mga alaalang nabuo naming tatlo nila nicole.
Alfred POV
"Sandali lang po nay. Bibili lang po ako ng makakain nating tatlo" pagpapaalam ko kay nanay.
May sama man ako ng loob sa tatay ni marco. Dahil sa mga pinaggagawa niya. Pero tingin ko mas better kung palipasin ko muna iyun.
Oo, nalaman ko ang buong storya ng pamilya nila. Kung paano naging si andrei ay si marco. At kung anu-ano pang pinaggagawa niya rito.
Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay si marco. Mayakap siya at hilumin ang mga sugat na natamo niya sa tatay niya.
Pero tingin ko hindi kuna magagawa iyun. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa namin alam kung nasaan siya.
"Salamat po ale" pasasalamat ko dun sa tindera. Tsaka ako umalis.
Nang maglalakad na sana ako pabalik sa hospital ay napatingin ako ng makarinig ako ng wang wang ng isang ambulansya.
"Oh? May aksidenteng nangyari? Saan naman kaya" tanong ko sa sarili ko tsaka ipinagsabahala nalang yung dalawang ambulansyang dumaan.
Pagkabalik na pagkabalik ko naman sa hospital medyo kumunot ang noo ko ng makita kung nagkakagulo ang hospital.
Aside kasi sa mga hospital staff. Meron dung mga media at mga ilang police officers.
Ewan para bang merong trahedyang na nangyari na talaga dito.
"A-ano pong meron dito sir?" Pagtatanong sa isang nurse.
"Ewan nga eh. Nagulat nalang din kami ng makita naming nagkakagulo ang buong staff namin" tumango akosa sinabi niya.
Tsaka ulit ako umalis roon para pumunta sa kwarto ni nanay.
Nakakailang kwarto narin siguro ang nadadaanan ko ng napatigil ako dahil sa dami ng taong nakapaligid.
"T-teka... pati rin ba dito may problema? Bakit nagkakagulo rito?" Tanong ko sa sarili ko ng tumingin tingin ako sa paligid para humanap ng ibang daan.
Pero habang naghahanap ako ng ibang daan ay napatingin ako sa kumapit sa braso ko.
"A-alfred" gulat akung napatingin kay doc.marquez ng kapitan niya ang kanang braso ko.
Tinignan ko ang sitwasyon niya. Hawak hawak niya ang kaliwang bewang niya. Habang may tumutulong maraming dugo.
"T-teka doc. A-anong nangyari s-sainyo?" Taka kung pagtatanong sakanya.
Pero imbes na sagutin niya ako ay itinuro niya yung lugar. Kung saan may nangyayaring kumpulan.
"Y-yung.... yung n-nanay mo....." ng marinig ko ang katagang 'nanay'. Wala na akung pagdadalawang isip na sumugod dun para puntahan siya.
Ang akala kung matinong lalaki na pinagiwanan ko sakanya ay wala ng gagawing masama. Yun pala ay hindi. Tama nga talagang. Kahit ilang beses na nagkasala ang isang tao hinding hindi na siya madadala.
Kahit buhay pa ng ibang tao ang nakasalalay.
"NANAY" malakas kung sigaw ng makita ko ang sitwasyon nilang dalawa ni sir anderson.
CESS POV
Nakarating kami sa hospital ng may abirya. Pero kahit may abirya ay may mga doctor at nurse na nag assist sa amin.
Urgent ang operation ni niel. Kaya kahit walang consult ng magulang ay pumayag ang mga doctor na operahan siya.
Kailangan tanggalin ang bala ng baril sa kanang balikat niya.
Para kaming nabunutan ng tinik nun nung sa balikat siya tinamaan. Kasi kung hindi? Baka kung ano pa ang nangyari sa amin.
"Andrei. Maglilibot lang muna kami ni drake sa labas. Maiwan muna namin kayo ni niel" paalam ko kay andrei na tinanguan niya.
Kaagad kung hinila si drake para lumabas.
Medyo magulo ang paligid ng lumabas kami ni drake.
"What is happening here? Bakit may dugo dito?" Maarte kung tanong sakanya ng may makita akung dugo sa sahig.
"Well, itanong mo sa akin yan. Kasa-kasama mo ako diba?" Pambabara sa akin ni drake kaya inirapan ko siya.
Pinagsabahala nalang namin yung dugo. Naglibot pa kami ng makita namin yung kumpulan.
"A-alfred... y-yung nanay mo..." medyo pamilyar sa akin yung boses. Kaya napatingin ako sa direksyon ng boses.
Napatakbo ako ng makita kung mahihimatay siya.
"J-jane" tawag ko sa pangalan niya ng masalo ko siya.
"N-niks" para bang may kirot akung naramdaman ng tawagin niya ako sa pangalang iyun.
Niks. She always call me that kapag magkabati kaming dalawa nung mga bata pa kami.
"W-what happen? B-bakit may dugo ka?" Pagtatanong ko sakanya.
"W-wala ito niks... k-kailangan ako ng pas----" i cut her words dahil alam ko kung ano ang sasabihin niya.
"Anong wala? Kita mung maraming dugo ang nawala sayo tapos sasabihin mung wala lang iyan huh? Ano ka manhid?" Irita kung sabi sakanya.
She always like that. Pinagtatakpan niya ang sarili niya. Para lang sa kalagayan ng iba.
"B-but she needs me... h-hindi ko alam na meron siyang medical records" well, aside sa course kung nurse. I know what she talking about naman kahit papaano.
"Who? Alfred?" Tumingin ako sa sumingit na boses.
"Alfred? Nandito si alfred? Saan?" Taka kung tanong kay drake tsaka inalalayan si jane. Inilagay ko yung kanang kamay niya sa balikat ko para makatayo.
"Y-yung asawa nung pasyente ko... m-may medical records" kumunot yung noo ko sa sinabi niya.
"Medicl records? Anong records?" Tanong ko sakanya habang umalapit kami dun sa kumpulan.
"Mental Disorder" nanlaki ang mga mata namin ng sabihin niya iyun. At saktong nakapunta kami sa unahan.
"I-it's tito harry right?" Nauutal kung bigkas sa pangalan ng tatay ni andrei.
"Yeah. Siya nga.." nanlaki ang mga mata namin sa sitwasyong kinasasangkutan namin.
Drake and I know kung sino yung babaing hawak hawak ni tito harry...
"Walang duda nicole.. si tita nga" tumango ako sakanya dahil sa sinabi niya.
Sa tagal ng paghahanap namin sakanya. Dito lang din pala namin siya mahahanap.
"T-tita Angelika" bigkas ko sa pangalan ng nanay ni andrei.
BINABASA MO ANG
Just My RoomMate(COMPLETE)
General FictionLOVING SOMEONE IS NOT A SIN. And GENDER IS NOT A MATTER when it comes to love. Kaya hindi makasalanan ang pagmamahal sa kapwa. Pero anong mangyayari kay ALFRED kung isang araw ay mafall siya sa isang transfer student? A student who make his beliefs...