Part one

697 5 2
                                    

Part one

Nandito ako ngayon sa’king favorite fastfood chain na palagi kong pinupuntahan. Ipinagpalit kasi ako ni Anica dun sa Casanova na boypren niya!

“Hindi ba naman ako paniwalaan na nakita ko na may kinakahalikang iba yung bwist na yon! Yung bwisit  na boypren nyang yon!?”

Sasabihin ko pa ba kasi kung hindi naman totoo?! Ano tingin sa’ken ng bestfriend kong yan? Naninira?! Eh walang kwenta naman pala yang pagkakaibigan namin eh! Hoy F.Y.I. Anica, kahit mag bestfriend tayo, kung ganyan lang din naman ang pagtingin mo sa’kin! Panira ng relasyon! Edi magkalimutan nalang din tayo!

Nasaktan din naman ako nuh! Yung bestfriend ko hindi ako paniniwalaan? Kamusta naman sa damdamin yon? Haay! Basta! Kakalimutan ko nang may bestfriend ako!

Lalamon na nga lang ako! Oorder ako ng oorder hanggang sa mabusog ako at makalimutan ko si Anica! Hindi ako iiyak, hinding hindi ako iiyak dahil lang sa kanya! T_______T

*Ooooock*

Lalamunan ko! *Oooooock Ooooock! (Sorry di’ko alam tunog ng nabulunan! XD)

Meron yatang naiwan na pagkain sa lalamunan ko, hindi dumiretso. Tubig! Tubig! Hindi na ako makahinga! *Ooooock!

Napahawak nalang ako sa leeg ko habang pinipilit na umubo, baka maging effective at maibuwal ko yung something na bumara sa lalamunan ko.

Shockings! Manhid ba mga tao dito?! Wala manlang bang tutulong at papagpagin ang likod ko?! So pagtitinginan nalang nila ako? Bastusan?!

*Ooooock! Ooooock!

Aaaaargh! >_<

“Ah!” may kung ano namang tao mula sa kung saan ang pumalo sa likod ko. Lakas ha? May galit ba ‘to saken?

“Thank you ha! Medyo nasarapan ako dun sa pagpalo mo, isa pa pwede?!” sarkastiko kong pagsagot. Pagpag lang na mahina ang hinahanap ko, hindi yung sobrang lakas na palo. Pero pasalamat siya kahit mabigat yung kamay niya nag thank you pa rin ako.

“Salamat sa thank you mo miss ha? Naappreciate ko kase!” saka nag roll eyes. Ay? Meganon? Tindi PMS mo fre!

“Oy! Magkano sweldo mo?” Pansin ko naman na natigilan siya. Nag-isip siguro.

“Huh?” tanong naman niya pabalik sa’kin. Di nga talaga nya naintindihan! Engot alert.

“Mukha ka kasing salesman sa Robinson.” Saka naman ako gumanti ng irap sa kanya. Bastusan nalang din naman ehh. Hayaan nyo na kami kung ganito lang din.

Di ko aakalaing na mas lalo pa siyang kumalma at umupo sa tabi ko. Anyare sa angas niya? Linamon ni Donya Ina?

“Ano bang problema mo?” tiningnan niya ako ng masinsinan. May ganyan pa siyang nalalaman samantalang kanina eh wagas maka roll eyes. Sakalin ko ‘to eh.

“Marami! At alam ko hindi mo’ko matutulungan!” nag cross arms ako at ibinaling ang tingin ko sa mga taong naglalakad sa labas ng fastfood chain.

“Bakit sinabi ko bang tutulungan kita?” Aww! Sinusubukan talaga ako nito eh. “Eh sino si Anica?”

Si Anica? Sino na nga ulit siya? T-Teka, hindi ko siya kilala eh. Sensya.

“Sino yun? Sino yang Anica na yan?” sinagot ko sakanya. Walang emosyon. Kasi nga hindi ko kilala yang Anica na yan!

“SUS! Bago ka mabulunan, sinasabi mo yang pangalan na yan!” Hampas naman niya ng mahina sa braso ko. Sino ba ‘to?! Ba’t siya feeling close? Kaanu-ano ko siya? Siya na ba yung bago kong bodyguard?

“Pakialam mo ba!” Chismoso kasi eh! Kitilin ko buhay nito pag di pa tumigil!

“Payakap nga!” Doon nalang ako natigilan nang niyakap niya ako.

15th of NovemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon