Part twelve
Jade’s Point of view
“Joshua? Joshua!” Napayakap ako sa kanya. Bumalik din siya! Nagbalik na siya sa akin. “Akala ko’y hindi ka na babalik!” bumagsak tuloy ang luha ko.
“Tara may pupuntahan tayo. Bilis!” sabi sa akin ni Joshua. “Huwag ka nang magbihis. Saglit lang tayo.”
Agad ko naman siyang sinunod. Hiniram niya ang kotse ni Daddy. Ilang minuto lang ay nakarating kami sa tapat ng police station. “Joshua, b-bakit tayo nandito?”
“Sumama ka nalang. Huwag kang matakot.” Hawak hawak ni Joshua ang aking kamay habang papasok kami sa loob.
“Sir may ipapahuli po akong babae sa inyo…..” at doon na ikinuwento ni Joshua ang nangyari sa nakalipas na araw. Nabugbog siya dahil sa fiancé ng boypren ng ate niya. Naawa ako sa sinapit ng Joshua ko. Akala ko talaga’y tuluyan na niya akong iiwan.
Nahuli din ng mga pulis si Jenny at nakahanap ng tetestigo laban sa kanya. Nakulong siya at nasentensyahan ng habambuhay na pagkakulong.
Ligtas naman na ang buhay ng mommy ni Joshua. Wala nang magtatangka sa buhay nila.
{Para ma feel nyo yung kadramahan ni Jade, paki play po yung song sa media part ;) }
Ang pag-ibig nga naman. Hindi mo maiintindihan. Minsan ito ang dahilan kung bakit sumasaya ang dalawang tao. Minsan naman ito ang nagdudulot ng kalungkutan, poot at galit sa isang tao. Napaka complicated ng role ni Love sa buhay natin, napaka versatile kasi nito. Pwedeng maging bida, pwedeng maging kontrabida.
Nasa ating sariling kamay ang choice kung magpapaapekto ba tayo o pipiliin nating mas magpakatatag dahil alam naman nating pagkatapos ng matinding ulan ay mayroon pa ring bahagharing sasalubong sa atin.
Sa bawat luhang papatak mula sa iyong mga mata ay siya namang susi upang makamtan mo ang tunay na kaligayahan.
Hindi lang si puso ang dapat sundin, nariyan pa si utak na katuwang nito. Isipin mo kung ano’ng mas makabubuti sa inyong relasyon. Mahal nyo ang isa’t isa pero bigla namang umentrada ang salitang ‘fall out of love’.
Na-fall out of love ka kasi pagkatapos ng sakit at pagsubok na dinanas niyong dalawa, bigla na lamang kayong nanlamig sa isa’t isa. Nanatili at nagtiwala kayo sa salitang “Forever na kayo” ngunit ang totoo’y pagod na rin si puso’ng umintindi.
Hinala, selos at lahat na lang ng rason sa ilalim ng kalangitan ay araw araw niyo nang pinag-aawayan. Minsan nagsasawa din ang tao. Minsan nawawalan na rin ng pag-asa.
Bakit ko lahat sinasabi ang mga ito?
Ipangako niyo huwag kayong magugulat. Wala na kami ni Joshua at ikakasal na sila ni Rochelle ngayon mismong araw na ‘to.
On the 15th day of November, una tayong nagkita sa isang fastfood chain na kinainan ko. On the 15th day of December, naging tayo, on the 15th day of October napagdesisyunan nating maghiwalay at On this 15th day of November, ikakasal ka na at hindi na ako ang makakasama mo panghabangbuhay.
Nakakatawa hindi ba? Yaong lalakeng una kong minahal, na akala kong siya na ang ideal man ko at ang lalakeng makakasama ko habang buhay, ay isa lamang palang lalake na nagpalasap sa akin ng tamis ng unang pag-ibig.
Hindi pa pala siya ang tunay kong iibigin. Dumaan lang pala siya sa buhay ko at tinuruan akong mas lalong magpakatatag sa buhay. Sa huli kong pagkakataon na sasabihin ang mga katagang ito, “Maraming salamat sa lahat. Mahal na mahal kita. Happy wedding Joshua. ‘ko’. Promise, magiging masaya ako sa inyo.”
Author’s note:
There you have it po! Waaaaaaah! Naiiyak po ako rito sa story na ‘to kahit alam kong tingin ng iba ay Lame pero promise po binuhos ko ang buong damdamin ko sa paggawa nito kasi sa totoo lang ay yung ending nito, inihalintulad ko sa ending ng lovestory ko. Hindi nga lang po exact dahil inexaggerate ko ang mga pangyayari. :3
Sa mga susuporta po ng On this 15th day of November, Lubos po akong nagpapasalamat sa inyo. Comment nyo lang po kung ano’ng naramdaman nyo sa story. Wala pong nagbabawal at kung nagustuhan nyo naman po ay mag vote lang po kayo.
Mas ginaganahan po kasi ako kapag maraming nakakabasa ng story ko. Keep inspiring me guys! Chos. XD
~LittleMissMadness