Part two

139 2 0
                                    

Part two

Natigilan ako nung niyakap ako nitong unidentified person sa tabi ko. Sino siya para yakapin ako? Hindi ko naman siya kilala. Kung ipapa-describe nyo siya sa akin ngayon, siya lang naman yung tumulong sa akin kaninang nabulunan ako at walang habas niyang pinalo ang likod ko ng sobrang lakas. Ang bait diba?

“Bakit—“ Magsasalita pa sana ako pero bigla nya akong pinutol.

“Shhh. Magmoment ka nalang dyan. Alam ko may problema ka kahit na hindi mo sabihin.”

Well, kung yun ang sabi nya. Humagulgol nalang ako at umiyak ng umiyak. Inumpisahan niya akong magdrama eh. Hanggang ngayon nakaupo pa rin kami dito sa fastfood chain, pakialam ba nila kung umiyak ako ng pagkalakas lakas?! Bakit pipigilan nila ako? Ha?!

“Uwaaaaaaaaaaa! HUHUHUHU!” iniabot nitong U.P. (Unidentified Person) sa akin ang kanyang panyo. Itotodo ko na ‘to kaya siningahan ko at ipinagpatuloy ang aking pag-iyak.

30 minutes after, Umayos na rin ang pakiramdam ko. Gumaan na ang loob ko, at halatang halata na umiyak ako dahil magang-maga ang mata ko. (Ko ang favorite word ko. Sensya. Hihi.)

“Psst U.P. Ayos na’ko, kumalas ka na sa pagkakayakap. Di tayo close.” Sambit ko sakanya.

Kumalas naman siya at muli akong tinitigan. “U.P.?” Ah! Oo nga pala, di nya alam yung nickname nay un.

“Unidentified person!” :)

“Ah! Joshua nga pala.” Saka niya inabot sa akin yung kamay niya akmang makikipag shake hands.

Tinignan ko muna yung kamay niya saglit pero bilang tanaw ng utang na loob at feel ko nama’y harmless siya, iniabot ko na rin yung kamay ko at nakipagshakehands sa kanya. “Jade.” :)

“Ayan ha? Identified person na ako!” Echoserang palaka ‘toh. “Kung ayos ka na. Edi alis na tayo?”

Hmmmm. Sasama ba ako dito sa taong ‘to? Oo nalang! Para naman makalimutan ko si *ehem* Anica.

“Sige.” Nakangiti kong sagot kay Joshua. Ang new friend ko.

Nagpunta kami sa isang place somewhere here in the city napakatahimik. It’s like a forest at may mga ilog, artificial ponds at meron na ring mini falls. Ang cute lang at wala pa masyadong tao.

Pumunta si Joshua dun sa tabi ng ilog at nag Indian sit, sumunod naman ako at tumabi sa kanya. Problemado rin yata na tulad ko. Bigla nalang siya kasing tumahimik.

“May problema ka rin?” usisa ko sakanya. Namumutla kasi siya, kinapa ko yung leeg niya, wala naman siyang sinat. Kanina lang ang sigla nito ah.

“Ayan inamin mo ring may problema ka.” Nginitian niya ako ngunit alam kong pilit lang yun.

“Ano ngayon kung may problema ako? Nailabas ko naman na. Ilabas mo rin.” Tapos hinawakan ko yung isa nyang kamay. Binigyan ko siya ng isang ‘Hindi ka nag-iisa’ look.

Napayuko naman siya at hindi nagsalita. Kung umiyak ‘to sa harapan ko, hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko.

“Wala akong problema. Baliw ka talaga.” Kung wala talaga siyang problema ba’t agad na nag-iba yung mood niya? Moodswing langs?

Sinilip ko naman yung mukha niya at umiiyak siya. Galing ko talagang manghula, alam na alam ko na drama ng mga lalake eh, pati na rin babae.

At dahil nga yinakap niya ako kanina nung nasa fastfood chain kami, ako naman ang yayakap sa kanya ngayon.

“Halika nga.” Hinila ko siya at pinasandal sa balikat ko kahit na matangkad siya. “Baliw-baliw ka dyan, ikaw naman pala ang baliw.” :3

“Huwag mo kong gawing isip bata.” Aber? Aber?! Ikaw kaya yun noh. Psh. Kunwaring nagtatapang-tapangan parehas ko din palang may problema.

“Nyeee, iiyak mo lang yan huy para parehas tayong namamaga ang mata.” Mwehehehe. Alam mo na, para-paraan para di talaga ako nag-iisa. XD

Naghirap siyang sumandal sa balikat ko hanggang nakatulog siya. Ang cute niya lang matulog, para talaga siyang bata. Well, cute siya. Charming. Ayoko sabihing gwapo siya. (Gasgas na kasing adjective yun para sa mga character ng isang wattpad story.)

15th of NovemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon