Part nine

50 2 0
                                    

Part nine

Christmas Eve

“Joshua ko, pupunta ka ba dito sa bahay para mag dinner?” Kausap ko siya ngayon over the phone. Nangako kasi siya nung isang araw na dito siya magdi-dinner with me.

“Yes Jade ko. Huwag kang mag-alala. See you later okay? I love you.” Kahit kailan talaga, sweet pa rin ‘tong si Joshua sa’kin. Kaya naman mahal na mahal ko ‘to eh.

“Sige. I love you too Joshua ko. Ingat.”

*End call*

Makapunta na nga lang sa baba at magrea-ready na ng mga mailuluto mamaya. Ang napag-usapan kasi namin ni Joshua ko, magdidinner siya dito tapos pupunta kami sa bahay nila at doon ako magpapalipas ng gabi pero parang hindi ko kaya kasi maiiwang mag-isa dito si Grannie, aalis na naman kasi sina mommy at daddy for business trip. Uggh, nakakasawa.

Sasabihin ko na lang mamaya kay Joshua. I’m sure maiintindihan naman niya eh.

“Grannie, tulungan na kita.” :)

“Thank you Jade. Talagang seryoso ka na kay Joshua ano?” Ngayon lang ako inusisa ni Grannie tungkol sakanya. Kunsabagay eh palagi kasi akong wala dito sa bahay. Nawawalan na rin ako ng time kay Grannie. :/

Ngumiti na lamang ako at sinabing “Oo naman po Grannie. Mahal na mahal ko po siya at ayaw ko pong mawala siya sa buhay ko.” Oh di’ba? Open na open ako sa lahat ng bagay. Mahal na mahal ko siya talaga.

Simula kasi nung lumaki ako, siya na palagi ang kasama ko dito sa bahay. Minsan nga ay siya pa ang sumusundo sa akin pagka galing ko sa school noon. Kapag magkukwento ako ng mga bagay bagay, siya palagi ang pinupuntahan at kinukwentuhan ko.

“Kung ganyan din ang turing nya sa’yo. Then good. Alalahanin mo lang na hindi mawawala ang mga problema sa isang relasyon.” Naaawa ako sakanya kasi naging single parent siya sa pagpapalaki kay mommy.

Noong kabataan niya, Iniwan siya ng boyfriend niya. Suddenly, napag-alaman niyang nagdadalantao na siya nung mga panahong iyon.

Pumunta siya sa bahay ng nakabuntis sa kanya. Nagmakaawa siya na panagutan nito ang magiging anak nila ngunit imbes na maawa ay binalaan na lamang siya ng mga magulang nito na nag file na sila ng isang fixed marriage para sa kanilang anak at pupunta na raw sila ng kanyang asawa sa France.

Tinawagan niya ang ex niya ngunit hindi na niya ito ma-contact. Halos mag attempt pa ito na magpakamatay pero nung plinaplano nan yang magbigti ay tamang tama naman na dinudugo na siya kung kaya’t wala siyang ginawa kundi buhayin ang sanggol, at yun na nga si mommy ngayon.

Nalaman kong lahat ng ito sa’twing inaalala ni Grannie ang mga paghihirap niya noon pero katulad ng mga sinasabi niya, kung hindi niya iniluwal si mommy, wala rind aw sa mundo ang napakaganda niyang apo.

Ooooh, ako po ‘yun! Ako yung magandang apo ni Grannie. Ahihihi. Lumalaki ulo ko dahil sa kanya. XD

Niyakap ko ng mahigpit si Grannie at sinagot “Yes Grannie. Alam ko po malalagpasan naming dalawa ni Joshua ang mga yun.” Matatag kaya kami. Tiwala naman akong hindi siya mangangaliwa eh. Ako lang ang sabi niya, Ako lang.

All the time kaming nagkwentuhan at nagtawanan ni Grannie habang nagluluto.

11 p.m. in the evening

Ready na ako for the dinner, nakaligo and nakabihis na rin ako. Yung mga handa naman ay tinuloy nang niluto ng mga kasambahay. Nasaan na kaya si Joshua? Bakit hindi pa siya dumadating?

Tinawagan ko si Joshua pero hindi niya sinasagot, 3 missed calls na at nung pang apat na attempt ko. Hay salamat, sinagot rin niya.

“Hello Jade ko? I’m sorry lowbat kasi ako kaya hindi kita nasagot. I’m on my way na don’t worry.” –Joshua

“I see. Sige Joshua ko. Mag-iingat ka sa daan. I love—“ -Ako

*End call*

Problema niya? Ah! Baka battery empty na yung cellphone niya. Hihintayin ko nalang siyang dumating.

Exact 12 in the midnight na kaya naman bumaba na ako para ibigay kina mom, dad at grannie yung mga gift ko. Nagyakapan naman kami at nagbeso beso.

Nasaan na kaya si Joshua? Ba’t hindi pa siya dumadating? Ang tagal naman niya.

“Jade, nasaan na ba si Joshua? Hindi pa ba dadating?” tanong sa akin ni mommy. Nag-aalala na rin talaga ako kasi ang sabi ko earlier than 11 siya pumunta para naman may bonding moments pa sila nina mommy.

Liningon ko naman si mommy sa may kitchen “Parating na siguro yun mommy.” I fake a smile.

30 minutes after…

*Tok Tok Tok*

Ayan na siguro si Joshua! I can’t wait to see him. :)

“Joshua!” Bigla namang naging maaliwalas ang paningin ko nang makita ko siya. Sa wakas hindi na ako mangangamba pa.

Hinalikan naman ako ni Joshua sa pisngi “Sorry Jade ko, na-late ako.”

“Yeah, ayos lang sa’kin. Kay mommy and daddy ka magpaalam. Halika na.” hinawakan ko siya sa kamay at saka kami pumunta sa kusina.

Nagsalu-salo kaming kumain ng hapunan. Nagkwentuhan naman sila grannie, mommy, daddy at Joshua habang ako tahimik lang. hehe. Nakikinig lang ako sa mga topic nila. Ang awkward eh, talaga ngang part of our family na si Joshua.

After the feast, binigay naman ni Joshua kila mommy ang regalo niya sa kanila. Of course, mawawala ba yung regalo ko? Haha. And know what? A trip for two in Paris. Yiiiiee! I’m super excited na po talaga na makasama ulit siya.

Napayakap at halik tuloy ako sa kanya sa pisngi. “I love you so much Joshua ko.” :)

Ginantihan naman niya ako ng isang killer smile. “I love you too Jade ko.” Nag yiiieee pa sila mommy and daddy at nasabi pang parang sila lang daw nung mga kabataan nila. Mga echosera/ro! :”>

Pagkatapos ng mga pangyayari ay nagpaalam na si Joshua sa akin, sinabi ko na ring hindi ko pwedeng iwan si Grannie na mag-isa dito sa bahay dahil aalis maya maya lang sina mommy. Agad naman niyang naintindihan ang rason ko.

Bago siya pumasok sa kotse niya, hindi ko alam kung ano’ng naisipan ko at sinabi ko sa kanyang “Huwag mo akong ipagpapalit ha?” Para bang may kusang kumontrol sa dila ko at nasabi ko ang yun.

Hinila ako ni Joshua at niyakap ako mula sa aking likod. “Trust me Jade ko. Ikaw lang.” saka hinalikan ang leeg ko. Oyt ha. SPG. Haha

Hinarap ko naman siya at pinayagan ng umalis dahil baka hinahanap na rin siya ng mommy niya.

“Call me if makadating ka na sa house niyo. Okay? Bye Joshua ko.”

“I love you too Jade ko.” nakangisi ang mokong. Kahit kelan talaga. Haha

He started the engine, I waved goodbye then he went away.

15th of NovemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon