Part three

90 3 0
                                    

“Thank you sa paghatid Joshua.” :)

“Basta ikaw Jade. Bago ko pa makalimutan. Pwede ko kuhanin number mo? Just in case.” Lumapit siya sa akin at inabot yung Cellphone niya.

“Ah, sige okay lang.” Tinype ko naman yung number ko saka binigay sa kanya. “Ayan na.” :)

“Thank you Jade, thank you sa time.” Sambit niya bago pumasok sa Car nya.

Sinuklian ko rin naman siya ng ngiti “Walang anuman. Thank you din.”

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin pero tanging sina Lola lang ang naroon. “Sina mama, Grannie?”

“May emergency sila sa Hawaii kaya nag flight na naman sila kanina-nina lang.” Ganyan naman sila, biglang aalis, biglang darating. Ganun ba talaga sila kaworkaholic na pati akong anak nila, hindi na nila maasikaso?

“Sige po Grannie, akyat na ako sa taas.”

Binuksan ko ang kwarto ko. My pink room. Ganito na ‘to since nung bata ako, ayoko palitan. Ito kasi yung dinesign namin ni mommy ng magkasama. Nung panahon na nakakabonding ko palang siya at di pa siya workaholic. -_-,

Nakahiga na ako sa kama ko saka nag vibrate yung cellphone ko.

Baka si Joshua na ‘to. “Hello?”

“Si Joshua ‘to Jade.” Sagot naman niya.

“Ah, see. Nakauwi ka na?” tanong ko sakanya.

“Yeah. Kararating ko lang.” –Joshua

“Mabuti naman kung ganun” –Ako

“May gagawin ka ba bukas ng gabi?” –Joshua

“Why? Wala naman.” –Ako

“Gusto sana kitang ipakilala sa parents ko. Gusto ka lang nilang makilala.” –Joshua

“I’ll try. Text na lang kita ha? Magpapaalam pa kasi ako kay Grannie.” –Ako

“Sige sige. Text me kung pinayagan ka ng Grannie mo. Goodnight Jade.” –Joshua

“Goodnight too Joshua.” –Ako

*End Call*

Ipapakilala? Ba’t ano’ng meron sa’min? Iba kutob ko ha? Pero mabait naman si Joshua. Alam ko harmless siya, kaya okay lang. Ipagpapaalam ko na lang kay Grannie na matagal ko na siyang kakilala para pumayag siya.

-------

*Rrrriiiing! *Rrrriiiing! *Rrrriiiing!

“Uggh, where’s the alarm clock?!” Kinapa kapa ko at sa wakas napatay ko rin kaya naipagpatuloy ko ang aking pagtulog.

10 a.m. in the morning.

“Jade, hindi ka pa ba magbe-breakfast?” habang yinuyugyog ako ng kaunti. Nagtalukbong kasi ako nung maramdaman kong paakyat si Grannie.

“Bababa din po ako maya-maya.” Sagot ko gamit ang flat kong boses.

Umalis na si Grannie at nung naisara ang pinto sunod namang nag vibrate ang cellphone ko. Aaaah! Ano ba yan!

10 missed calls.

Joshua calling…

Ganito ba kaaga nambubulabog ‘tong taong ‘to? Uggh.

“Hello?” flattened pa rin yung voice ko pero pilit ko paring sinagot.

“Goodmorning Jade! Let me guess, kakagising mo palang ano?” alam na alam niya ah. Haaay.

“Ahuh, and 10 missed calls ka agad.” Napagod kasi ako masyado kahapon kaya ganito. Isama mo pa yung stress na nadarama ko.

“I’m sorry. Akala ko kasi maaga ka gumigising.” –Joshua

“It’s okay. Maaga talaga ako gumigising. Ngayon lang talaga.” –Ako

“Oh siya, bumangon ka na rin ha? Have a nice day sweetie. Text me later kung makakapunta ka so that I can pick you up.”

“Thanks. Likewise.”

*Endcall*

Inaantok pa talaga ako, kaya muli’t muli, nakatulog na naman ako. Talo ko pa yung mga nakalaklak ng sandosenang sleeping pills. =_=

3 p.m. in the afternoon

Bigla akong napabangon dahil sa gulat ko. Yung cellphone ko na naman, as usual, nag vibrate.

20 missed calls at 42 messages. What?! Ano’ng oras na ba? 3 na?! Ba’t ang haba ng tulog ko???? O____O

Joshua calling…

Aaaah! Magpapaalam pa ako kay Grannie. Kaya nagmadali akong bumaba at hinanap si Grannie, nakita ko naman siya sa may garden at nagtatanim na naman.

“Grannie, pwede po magpaalam?” -Ako

“What is that Jade?” –Grannie

“May naga-anyaya po kasi sa akin ng Dinner. He’s a friend of mine. Matagal na kaming magkakilala at magkasosyo po sila nina Mommy.” –Ako

“Sige Jade. Papayagan kita pero know your limitations okay? 10 pm ang curfew. Huwag nang makulit.” –Grannie

“Thank you po!” –Ako

Hinalikan ko si Lola at bumalik sa aking kwarto para ipaalam kay Joshua na pinayagan ako. At minus points naman dahil nagsinungaling ako kay Grannie. Forgive meee. T_____T

Joshua calling…

Talaga bang hindi makapaghintay ‘tong makulit na nilalang na ‘to?

“Hello? Joshua ayos na. Pinayagan na ako ni Grannie.” –Ako

“Ganun ba? Buti naman at nagising ka na ulit?” –Joshua

“Huh? Ba’t mo alam?” –Ako

“I know your voice Jade. Haha. Flat pa rin hanggang ngayon. Oh sige na, I’ll pick you up at 5:30.” –Joshua

“Ah, hehe. Sige. See you later. Mag-ingat ka.” –Ako

*End call*

Kailangan ko nang maligo nang makapili ako ng dress na isusuot. Gee, I’m so excited. I don’t know why. Para niya lang akong ipapakilala sa parents niya. :3

15th of NovemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon