Part eleven
Joshua’s Point of view
Everyday I’m falling in love with Jade at hindi ko kahit kailan kayang saktan siya.
Alam kong naging bastardo akong lalake. Naging brutal ako sa mga puso ng mga babae ngunit ito na ba talaga ang karma ko? Hanggang ngayon ba hahabulin pa rin ako ng mga babaeng pilit ko nang kinalimutan?
Den calling…
“Bro napatawag ka?” –Ako
“Tara dito sa bar bro! Jamming naman tayo nina Brent.” –Den
“Punta ako mamaya kina Jade bro. Wala na akong time.” –Ako
“Bro! Ngayon ka na nga lang namin yayayain, bigyan mo naman kami ng time na makasama ka.” –Den
“O’sige sige na nga! Saglit lang ako.” -Ako
*End call*
Siya si Denver, barkada ko sa bar. Nagyayaya na naman na makipag-inuman, wala naman sigurong masama kung pumunta ako kahit saglit lang.
At the bar
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa bar ay meron ng mga babaeng lumalapit sa akin pero tinutulak ko sila palayo kasi ayokong magkasala kay Jade.
Konting ikot lang ng mata ko ay nakita ko na sina Brent at Den, “Bro!” saka ako umupo sa couch na inuupuan nila. May kanya-kanya silang babaeng kasama, talagang playboy pa rin sila hanggang ngayon. Buti nalang at dumating si Jade sa buhay ko kundi katulad ko pa rin itong mga ugok na ‘to.
Kumuha ako ng kaunting wine para inumin. Ilang saglit pa’y may pamilyar na babaeng lumapit sa amin, Sht! Si Jenny!
“Bro, alis na ako.” Hindi pa man ako nakakaalis ng makaramdam ako ng hilo. Wala na akong alam sa mga sumunod pang nangyari.
Hours ago
Nagising ako at nung tiningnan ko ang paligid, nalaman kong nasa isang kwarto ako at may ulo ng babaeng nakasandal sa dibdib ko.
“Bakit ako nandito Jenny?!” Oo, si Jenny ang katabi ko sa kama. Nag evil smile naman siya at kinagat niya ang sarili niyang mga labi. Taragis, ang landi ng babaeng ‘to!
Tumayo na ako at kinuha ang sapatos ko “Fck Jenny! Diba sinabi kong tantanan mo na ako?! Tantanan mo na kami ni Jade!”
“Pero Joshua, paano tayo?!” –Jenny
“Ilang beses ko pa bang ipapamukha sa’yo na walang tayo? Tama na Jenny! Tama na! Magkano ba ang kailangan mo?! Kaya kitang bayaran!” –Ako
Sinampal ako ni Jenny ng pagkalakas lakas. Aww. Tss.
“How dare you! Hindi ako bayarang babae! Tandaan mo yan!” –Jenny
“Then leave us alone!” –Ako
Tumayo na ako at umalis sa hotel kung saan nya ako dinala. Pesteng buhay, ayoko na ng ganito. Kapag nalaman lahat ito ni Jade, hindi ko kakayanin.
Nasa lobby palang ako ng hotel ng makita kong tinatawagan ako ni Jade,
“Hello Jade ko? I’m sorry lowbat kasi ako kaya hindi kita nasagot. I’m on my way na don’t worry.” –Ako
“I see. Sige Joshua ko. Mag-iingat ka sa daan. I love—“ -Jade
Hindi ko na ipinahintulot pang ituloy ni Jade ang sasabihin niya dahil nakita kong papalapit sa akin si Jenny. Peste na’to ng mga peste.
Tinakbuhan ko na lamang siya at nagmaneho papuntang bahay nila Jade. Wala ako sa sarili ko. Lutang lang ako habang nasa daan. Gusto kong ilabas lahat ng ito, lahat ng sakit sa loob ko. Hindi ko na kasi kaya. Nakokonsensya na ako Jade. I’m very sorry. T______T