Part six
Ilang minuto din akong natahimik dahil sa sinabi sa akin ni Joshua.
“And I want it to be you Jade.” Para sa’kin ba yon? Ay oo, tanga. may pangalan pala. Pero anong sasabihin ko? Hindi naman siya nagtanong ah, so is it necessary na sagutin ko siya.
Deep inside me, wala pa akong nararamdaman sa kanya. Paano kung hindi niya ako irespeto bilang babae di’ba? Malay ko ba kung iba ang intension niya sa’kin. Ayoko kasing katulad ng boyfriend ni *ehem* Anica ang maging boyfriend ko.
Gwapo naman si Joshua. Mayaman. Mabait. Bukod sa experiences niya sa nangyari sa ate niya, malayong maging Casanova siya. Hindi naman ganun ang first impression ko sa kanya. I think hindi naman masama kung susubukan ko di’ba?
Sinuklian ko na lamang ng ngiti si Joshua. Wala kasi akong alam na isagot pa sa kanya.
Lumipas ang araw na palagi kaming magkasama ni Joshua, pero it’s really weird kasi may palagi siyang kinakausap sa cellphone niya kaya naman madalas na naiinterrupt ang aming pagkukwentuhan.
Napuntahan na yata namin lahat ng pwedeng pasyalan around the city.
Unti-unti ko na ring natututunang mahalin si Joshua. Sobrang sweet niya, gentleman, thoughtful, grabe wala na akong hihilingin pa sa kanya. Yung mga characteristics niya ang ideal man ko. Siya yung hinahanap ko pero paano ko mapapatunayan na stick to one siya?
Do you think it’s time na maging dalawa na kami? Wait a minute. Nanliligaw ba siya? Hindi kaya!
“Sweetie, let’s have out of the town naman next time?” pag-alok sa akin ni Joshua. Sabi na nga ba at aalokin din niya ako ng ganito.
“Sige. Next time.” :)
“El Nido. Dun tayo!” Huh? Nakakabagot kaya dun. Halos di ko na mabilang ang times na pumunta kami doon for a business trip. “for 3 days?”
“3 days? Pwede rin. May kakilala akong may-ari ng isang beach resort doon.” Actually, meron kaming resthouse doon pero ayokong doon kami tumuloy. Hindi naman sa bawal, ayoko lang naman na mag-abala pa yung mga tauhan namin doon.
Sumubo siya ng cotton candy na binili namin kanina lang. “So kailan tayo pwedeng pumunta?” Agad?
Sinagot ko naman yung tanong niya at sinabing. “This weekend?” Hindi pala sagot. Nagtanong din ako. haha
“Great! Mag-aayos na kaagad ako ng mga gamit.” Mukhang excited ang kumag na ‘to, still masyado pa rin siyang cute.
“Akin na nga yang cotton candy ko!” sigaw ko at naghabulan lang kami dahil sa cotton candy. Nandito lang naman kami kasi sa isang playground kaya puro bata ang kasama namin at nagmukha nga talaga kaming bata. And you know? Nilibre pa niya lahat ng bata nandito sa playground kaninang bumibili kami.
Mahilig rin pala siya sa mga bata katulad ko. Matagal ko nang plinaplanong magkaroon ng charity para sa mga batang hindi nakakapag-aral, yung mga kapos sa buhay, pero hindi ko magawa-gawa. I’ll plan it next time na magkasama kami.
3 Days after…
1 message received
From Joshua
Goodmorning sweetie. Are you ready?
To Joshua
Yeah. Pwede mo na akong sunduin dito sa bahay. :)
Susunduin na ako ni Joshua dahil pupunta na kaming El Nido. Well, nagpabook na si Mom kaagad noon kaya nakuha na namin as soon as possible yung ticket.
Pagbaba ko galing sa kwarto nandoon na agad si Joshua. Kanina pa yata siya naghihintay, baliw ‘to. Di naman niya kasi sinabi na nandito na pala siya matagal na.
Nagpaalam naman na siya kay Mommy. “Tita, punta na po kami. Thank you po.” Nginitian niya ito.
“Yes hijo, ingatan mo ang anak ko. You understand?” Weird mother. Haha. She gave him an ‘Understand? Or else I’ll kill you’ look.
Imbes na matakot ‘tong nilalang na ‘to kay mommy, mas lumawak pa ang ngiti niya at sinabing “Yes Tita.” :)
Magkasundong magkasundo talaga si Mommy at Joshua kaya naman wala kaming problema pa kung sagutin ko man siya. Huh? Nanliligaw ba siya? Haha.
We arrived at the airport immediately. Inalalayan pa rin naman ako ni Joshua habang paakyat ng airport. Ilang minutes palang ay dumating na kami sa El Nido. Napagod ako ng kaunti pero kailangan ko pang contact’n si Keisha, siya yung friend ko na may beach resort dito sa Palawan.
Sinagot naman nito ang tawag ko at pinasundo na kami sa airport. Hindi naman na kami nahirapan.
“Sis, long time no see!” –Keisha
“Yeah. I missed you so much sis.” –Ako
Nakipagbeso beso naman siya sa akin at obviously, I’m really tired kaya naman hinatid na niya kami sa room namin. Ahuh, room kasi iisa lang daw ang bakante. What a nice timing, pero sabi nya dalawa naman daw ang bed.
Ayos lang atleast, dalawa yung available bed.
Pagkapasok namin sa room, “Nasaan yung isang bed?!” said Keisha.
“Sis, punta lang ako sa baba ha?” –Keisha
“Yeah, sure.” Saka ko siya nginitian pero sabi kasi nila eh 2 beds ba’t iisa.
Nagtinginan kaming dalawa ni Joshua at nagkibitbalikat na lamang. “Pagod ka na?”
Sumagot naman si Joshua at nagpunas ng pawis. “Medyo pero ayos lang ako. Kasama naman kita.” Baliw talaga ‘to kahit kailan. Mas lalo tuloy akong kinilig pero kontrolado ko naman.
“Sweetie, ayos lang sa’yo na iisang room lang?” Ba’t naman kaya niya natanong sa akin yan? Sabagay I’m still a girl and he’s still a boy.
Panandalian akong ngumiti. “Oo. I trust you naman eh.” Right, I really trust Joshua since pumunta siya sa bahay and after all, nagtitiwala din si mommy sa kanya.
“Thank you.” Yinakap niya ako at hinalikan sa noo. Ang sweet niya talaga and ang sweat na nga niya *sniffs* Mabango pa rin siya. Yiiiieee! Chumachansing na naman ako. :”>
Bigla namang bumukas ang pintuan “Oops! Sorry sis.” Nahiya yata siyang tumuloy dahil nakita niya kaming magkayakap ni Joshua. Ahihi.
Parehas naman kaming nagulantang ni Joshua, “No. Okay lang.” :)
Tinuloy naman ni Keisha na pumasok sa room at nagpaliwanag na wala na raw available beds. Iisa na lang at sira pa raw itong aircondition dito sa room. What the hell Keisha! Pero sabi nya may mga bahay kubo raw doon sa harap ng beach at it’s fully airconditioned na raw talaga, yun nga lang iisang bed.
“Is it okay for the two of you?” tiningnan niya kaming dalawa ni Joshua.
Binigyan ko naman si Joshua ng tingin kung ayos lang sa kanya. Nagsalita naman siya “Ayos lang. Ikaw?” Okay lang naman sa akin kasi I know my limitations naman at pinagbantaan na siya ni mommy kanina lang. XD
“Sige. Doon na lang.” :)
“Let’s go down nalang ulit sis. I’m so sorry talaga, Oh. Tsaka free nalang ang accomodation niyo. It’s all free, pati ang pagkain. Lahat lahat sis, para naman makabawi ako. Nahihiya na kasi ako kay Tita. Cinontact pa naman niya ako na pupunta raw kayo dito sa El Nido.” –Keisha
“Ayos lang. Basta may matutulugan kaming dalawa.” Liningon ko naman si Joshua at nginitian niya ako, nagsasabing okay lang siya. Bitbit pa kasi nya yung bag ko.
Naglakad lakad pa kami hanggang sa marating na namin yung sinasabi nyang de aircon na bahay kubo. Maganda siya, pang couples yata. Haha.
Iniwan na kami ni Keisha dahil alam raw niyang pagod na pagod kami. So there, grabe talaga. Sumakit yung paa ko ah.