Part five

91 1 0
                                    

Part five

Naka ready na ako para sunduin ni Joshua. I wore my dark blue dress, sabi ni mommy noon blue is an elegant color at bagay pa sa complexion ko kaya ito ang sinuot ko. I paired it naman with a Mocha-colored plumps and some pearl accessories.

Joshua calling…

Mahilig talaga ito sa call ano? Sabagay rich kid din eh!

“Hello sweetie, let’s go na? Nandito na ako sa labas ng bahay nyo.” –Joshua

“Coming!” –Ako

*End call*

Bumaba na ako at nagpaalam kay Grannie.

Nung nakita na ako ni Joshua na palabas sa bahay ay agad naman nyang binuksan yung pintuan ng car niya atsaka inalalayan nya akong pinapasok.

Ang charming nya infairness, naka coat sya at dark blue rin ang long sleeve nya. Bigla tuloy kaming naging instant couple sa isang JS prom.

Nagdrive lang siya at habang nasa daan kami, nagpatugtog sya ng mga mellow songs.

“Only reminds me of you”

“Say something”

“Just a kiss”

“Let her go”

“Vegas skies”

Hindi tuloy ako nakatiis na hindi tanungin sakanya kung bakit ganun yung mga songs sa playlist nya, sa ate nya pala yun at hindi nya pinapalitan kasi yun lang ang makakapagpaalala sa kanya sa lumipas nyang ate.

Ight, she died years ago dahil sa stress. Nabaliw siya kasi iniwan siya ng boyfriend niya at nabalitaan nalang nyang bago pa man daw sila naging dalawa ay may fiancé na siya from there, she committed suicide. Binaril nya yung sarili nya.

“Siguro mataas ang respeto mo sa mga babae.” Sabi ko sa kanya ngunit bigla siyang natahimik. May masama ba sa sinabi ko? Baka naman trauma pa rin siya sa nangyari sa ate niya. “Umm. Sorry. I didn’t mean to talk about your sister. Siguro nasa stage ka palang ng moving on kaya ganyan.”

“No Jade. Matagal ko nang tinanggap na wala na si ate.” Naka-concentrate pa rin sya sa pagmamaneho nya ngunit tila ba may bumabagabag sa kanya.

“Mahirap talaga kapag ganyan. Don’t worry, I’m here.” :)

“Kung alam mo lang Jade…” May sinabi siya pero hindi ko na narinig pa, masyado kasing mahina at may music pa. Hindi ko nalang tinanong.

*A moment of silence*

“We’re here Jade.” Lumabas naman si Joshua at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan pa niya ako dahil nga naka plumps ako.

Sumalubong naman ang isang maganda at sexy’ng babae na kung titingnan mo ay parang dalaga pa lamang.

“Hello darling. I’m Joshua’s mother.” Nakipagbeso-beso siya sa akin at ang lawak ng ngiti nya. Ang lalim pa ng dimples nya. (Kainggit. Hmpft.)

“Nice meeting you po tita. I’m Jade Buenoventura.” :)

Pinapasok na kami ni Tita at nabanggit na raw ako ni Joshua simula pa kagabi. Ako nga daw ang bukambibig nya sa kanila. (Ows? :D)

Nakipagkwentuhan lang si Tita sa akin, ang saya niyang kausap. Hindi siya nauubusan ng sasabihin at bawat matapos ang isang topic ay sasabihin nya sa’king ‘Ang ganda mo hija para sa anak ko.’. HAHA. Ikinakahiya yata ni Tita si Joshua.

“Ma, kilalanin mo na siya ngayon palang dahil soon magiging girlfriend ko na siya.” Saka ngumisi sa’kin si Joshua ng parang nang-aasar. Grabe makabanat ‘to ah? Kinilig ako. :”>

Banat nga ba? Hihi.

Tinitigan naman ni Tita si Joshua at nag make face pero hindi rin naman nagtagal at bumalik yung masaya at jolly nyang facial expression.

Hindi ko namalayan ang oras at past 9 na pala. Yung curfew nawala sa isipan ko. Kaya nagpaalam na ako kay Tita at nagpahatid na kay Joshua.

Mahaba-habang biyahe sa daan na naman ‘to. I called Grannie nalang na medyo na traffic para naman maextend ng kahit kaunti yung curfew.

“Hello Grannie?” -Ako

“Yes dear? Nasaan ka na?” –Grannie

“I’m on my way home na Grannie. Medyo traffic lang po kasi kaya medyo matatagalan kami sa daan.” –Ako

“Okay dear. Mag-iingat kayo ha? I’ll be waiting for you.” –Grannie

“yes Grannie. Mwa.” –Ako

*End call*

“Very supportive talaga yang Grannie moa no?” Uhuy, nagsalita rin si Joshua. Akala ko buong biyahe na kaming magiging pipi sa isa’t isa.

Sumagot naman ako agad dahil tungkol kay Grannie yung tinatanong nya. “Oo naman! Siya na yata ang best Grannie ever! Haha.” Napatawa ako ng kaunti. Exaggerated yata kasi yung pagkakasabi ko.

“Ba’t yung mommy and daddy mo, hindi mo close?” Close ko sila! Nung bata lang ako. -3-

“Close. Pero lulubog lilitaw sila sa bahay. Minsan pupunta ng London, minsan Florida minsan Palawan, minsan Bicol. Ngayon nga eh nasa Hawaii na naman sila. Workaholic you know.” I sighed. Wala na silang ibang ginawa kundi magtrabaho eh.

“Pare-parehas pala silang workaholic. Si ate lang noon ang kasa-kasama ko pero maaga naman siang kinuha so I’m destined to be alone siguro.” Pagpapatuloy nya pa sa conversation namng dalawa.

Syempre naman at tumutola ko, “No one’s destined to be alone! Darating at darating yung time na may makakasama ka sa hirap at ginhawa.”

“And I want it to be you Jade.” Seryosong sabi sa akin ni Joshua.

15th of NovemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon