Part seven

68 1 0
                                    

Part seven

Dahil sa pagod ko hindi ko namalayang nakatulog pala ako dito sa kama. Shocks, hindi pa ako nakakapagpalit ng damit. Hinanap ko naman si Joshua dito sa cottage pero wala siya. Baka naglakad-lakad lang ng kaunti kaya I gotta take a bath bago ko siya hanapin sa labas.

Pumasok na ako sa mini bathroom nitong cottage. It’s safe, wala namang butas o kahit na anong way para masilipan o mabosohan ako. Metikulosa kasi ako lalo na sa mga ganitong bagay.

After 30 minutes…

Tapos na! Fresh na fresh na ako kaya naman ready na rin akong hanapin yung kumag na ‘yun.

Naglakad lakad ako at pinagmasdan ang araw na papalubog. It’s already sunset. Nakakarefresh ng utak, hindi ako nagsisising pumunta dito kasama si Joshua and still he’s nowhere to be found.

Nasaan na ba kasi yun? Saan ba siya nagpupupunta?

Oooh, there! Lalapit na sana ako pero napansin kong may kausap siyang babae. And they’re arguing with each other? Sino kaya siya?

Nagtago ako para pakinggan saglit yung pinag-uusapan nila. Unluckily, may mga dumating na girls at malakas ang kwentuhan nila kaya hindi na ako nagkaroon ng chance na pakinggan pa sila.

Nagiging intense na ang pag-uusap nila at pansin ko na rin na magbu-burst out na si Joshua in any minute.

Naglakad ako papalapit sa kanilang dalawa. “Hey Joshua! Andito ka pala.” Halos lumuwa naman ang mata ni Joshua at mapanganga naman yung babaeng kasama niya. “Sino siya?”

Tinitigan ako nung babae mula ulo hanggang paa. Naghahanap ba ‘to ng away? Free ako nuh! Hindi ako aayaw kung ganun ang gusto niya. Nang-iinsulto yata eh!

“Hindi pa tayo tapos Josh.” Nagwalk out yung babae na kausap niya. Si Joshua naman hinawakan ang kamay ko at inentwined ang fingers niya sa fingers ko.

Nginitian ako ni Josh but I felt something about that smile, bakit parang may kakaiba. Hindi ako kinilig tulad ng dati kapag nakikita ko siyang ngumingiti kaya naman ‘di ko napigilang hindi magtanong.

“Is everything okay Joshua?” I gave him my sincerest stare. “Atsaka sino yung babae?”

Yinakap niya naman ako ng mahigpit at sinabing. “Somebody that I used to know.” Haaa? Kanta yun di’ba? XD

Back to the topic.

“Joshua, may problema ba?” habang nandito kami sa seaside nakaupo.

Tulala pa rin siya but he managed to reply “Ayos na ayos lang ako basta kasama kita.” He glanced at me pero tila ba hindi sya makatingin ng diretso sa’kin “Yung babae ba? Barkada ng ate ko yon. Siraulo lang talaga kaya naghysterical ng ganun.”

“Ah, I see. Close lang kayo siguro masyado.” Siguro nga at sana hindi totoo yung kutob ko.

There was a moment of silence between us. I badly wanna ask kung ano ba talaga ako sa kanya, kung mahal ba niya ako or I’m just a friend. Ang hirap kasi ng hindi ko alam ang status namin.

Hindi rin naman siya nagtanong kung pwede ba siyang manligaw. Oo nga, tama kayo. Mahal ko na siya pero mahal rin nga ba kaya niya ako? Or he’s just there for me to act as a shoulder to lean on?

Mahirap ang mag-assume at umasa. First boyfriend ko pa naman siya kung sakali.

Nagflashback naman sa utak ko yung mga sinabi niya noong nag meet kami ng mommy niya. “Ma, kilalanin mo na siya ngayon palang dahil soon magiging girlfriend ko na siya.” Eh para saan yang mga sinabi niya? Masyado ko yatang minamadali ang mga pangyayari. Dahilan na nung nakita ko kanina. Totoo kayang barkada ng ate niya yun? Bakit sila nag-aaway?

Bumalik naman yata sa realidad itong kasama ko at nagtanong “Kumain ka na ba? Halika na. Kain na tayo.” Tumayo siya at inilahad ang kamay niya sa akin.

Hahawakan ko ba? Hahayaan ko bang tulungan pa niya ako? Wala naman yatang karapatan si Jade Buenoventura na pakialaman ang buhay ni Joshua Ongsee. Pero alam kong hindi matatahimik ang konsensya ko kung hindi ko malalaman ngayon din kung ano nga ba talaga ako sa kanya.

“Ano ba ako sa’yo? I mean ano ba tayo?” Hindi siya nakaimik. Awkward silence between the two of us again. Hindi niya ba kayang sagutin yung tanong ko? Ano’ng mali sa tinatanong ko?

Umupo ulit siya sa tabi ko ngunit wala pa ring lumalabas sa bibig nya na sagot sa tanong ko.

Bawat segundong nagdaan, ganun din kabilis ang tibok ng puso ko. Nag-aalangan akong makarinig ng sasabihin niya dahil baka masaktan lang ako. Tumatagaktak na ang pawis ko sa kaba. Tila ba kumakawala na rin ang puso ko habang hinihintay siyang magsalita.

Ano na Joshua? Lahat lang ba ng sinabi mo noon ay biro lamang? Heto na ba ang first brokenheart ko na kung tutuusin ay wala namang matatawag na ‘tayo’. Paano na lamang yung mga motibong ipinaramdam at ipinakita mo sa akin? Totoo ba lahat ng iyon o talagang ganito ka lang sa mga babaeng kakilala mo?

Joshua’s Point of view

Napakarami nang places ang napuntahan namin ni Jade dito sa city at the same time, marami na rin kaming nalaman tungkol sa isa’t isa. Mas lalo pang lumalim ang nararamdaman ko sakanya. She’s very simple and carefree. Ang sarap niya sigurong maging boyfriend.

Ang nakakainis lang talaga, palaging sumisingit at tumatawag yang mga babaeng matagal ko nang iwinaglit sa isipan ko, lalo na si Jenny at Rochelle. Hindi lang sila dadalawa, at ewan ko kung ilan na silang tawag ng tawag sa akin, yung iba unknown caller pa. All of them are calling me ‘Babe, ‘Baby’, ‘Hon’, ‘Hubbie’, ‘Love’ etc.

Ilang beses ko nang ipinaliwanag kay Jenny na wala naman talagang kami, pinipilit pa rin niya hanggang sa magkita kami sa beach resort na pinuntahan namin ni Jade.

Hindi ko naman talaga alam na nandito siya. Before we arrived here in El Nido, nagtext si Jenny sa akin. “Magkita tayo dito sa Palawan.” I don’t even know kung saan pero I was shocked na itong tinuluyan naming beach resort ay dito rin siya naka check in.

Naglakad-lakad ako at linibot ang resort dahil tulog palang naman si Jade. Kung sa minamalas nga naman ako, nakasalubong ko pa itong si Jenny. Hindi ko sana siya papansinin pero hinawakan niya ang braso ko.

“Ano Josh? Ganun na lang ba lahat ng pinagsamahan natin huh?!” –Jenny

“Pinagsamahan? Saan mo nakuha yan?!” –Ako

Napalakas ang sampal niya sakin pero nagpigil ako dahil babae siya at hindi ko siya pwedeng saktan dahil tulad siya ni Ate, babae parin siya.

“I love you more than myself Josh! How could you do this to me!” –Jenny

“Jenny, walang tayo. Okay? Nag-inuman lang tayo sa Bar and you kissed me, I kissed you. And we’re done. Hindi kita girlfriend at lalong hindi kita naging girlfriend!” –Ako

“Walang hiya ka Josh! Pagbabayaran mo ‘to. Akala ko ba naman ako lang! These tears?! Hindi ko ‘to deserve!”-Jenny

Umiyak siya pero pinunasan niya rin kaagad at napalitan ng poot ang mga mata niya. Alam ko, nasaktan ko siya and I’m sorry. Pinipilit ko namang magbago na, gusto ko na ring ayusin ang buhay ko para lang kay Jade.

“Look, Jenny. I’m sorry. Sana huwag mo na kaming guluhin ni Jade.” –Ako

Sakto namang dumating si Jade at tinanong kung sino ‘tong kasama kong babae. Tinitigan lang ni Jenny si Jade saka ako binalaang hindi pa kami tapos.

Alam kong darating yung time na gugulo ang mga pangyayari at natatakot akong mawala at iwan ako ni Jade sa mga panahong iyon.

I love Jade so much pero hindi ko masagot ang tanong niya kung ano ba kami. Ano nga ba talaga kami? Hinding hindi ko kayang saktan si Jade at mas lalong hindi ko kakayanin ang makitang luhaan siya dahil lang sa kabulastugan na ginawa ko sa mga babaeng pumasok sa aking buhay.

“Isa kang babaeng malapit sa akin puso Jade. Mahal kita.” No choice. Inirerespeto ko siyang babae, minamahal ko siya. Hindi ko masagot yung tanong niya kaya naman siya na lang ang tatanungin ko.

Inaya ko siyang tumayo kahit na alam kong mapipilitan lang siya. Hindi ako nag atubiling yakapin siya ng napakahigpit at lumuhod.

“Can you be my Girlfriend Miss Jade Buenoventura?”

15th of NovemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon