Part ten

46 0 0
                                    

Part ten

 Valentines day

Busy’ng busy ako na tinutulungan si Grannie sa pag tatanim ng mga halaman at pag-aayos ng garden namin nang biglang may tumakip na kamay sa mga mata ko.

Si Grannie naman narinig kong tumatawa ng mahina. Aba’y kilala ko na kung ganun. Sino pa ba? “Joshua ko naman eh!”

Tinanggal naman niya ang mga kamay niya sa mata ko then he cuddle me.

“Joshua huwag mo’kong kikilitiin ngayon! Pleeeaase!” akmang tatakbo para hindi ako makiliti nitong lokong ito.

“Edi sinabi mo!” Waaaaaah! Malakas po ang kiliti ko! Waaaaaaaag! Tinakbuhan ko siya ng tinakbuhan. Habulan po ang peg naming dalawa ngayon, walang hiya ‘to. Pusoooo <3

Pinagod niya muna ako “Gotcha!” Nahuli na po niya ako. :3

“Kyaaaaah! Huwag diyan pleeeaasee! Hahahaha, Aaaaaaaah!” Bwisit na ‘to! Ba’t alam na alam niya ang kiliti ko! XD

Nakita ko naman si Grannie na tawang tawa sa pinaggagagawa naming dalawa. Naaalala rin niya siguro yung cuddling moments nila ni Granpa.

“Jade ko, may pupuntahan tayo. Dali!” Makautos naman ‘toh?! Ayaw. Hahaha

Bigla naman akong napatigil, “Saan?”

“Basta! Maligo ka nalang. Ambaho mo!” Bakit siya mabango?! Kapareho ko kaya siyang mabaho. Nang-iinsulto lang? Tch.

“Tse! Ayoko!” Hinila naman niya ako papuntang kwarto at nagpaalam kay Grannie na hihiramin niya muna ako. “Joshuaaaa! Hmmp!”

Nung makarating na kami sa kwarto ko, ni-lock niya yung door “Ayaw mo?” muli niyang tanong sa akin. Nang aasar pa yata ‘to eh!

AYAW!” pasigaw kong sabi at nagngising demonyo siya habang unti-unti nyang inilalapit yung mukha niya sa mukha ko. Goooosh! Konti nalang mahahalikan na niya ako ohh! Waaaah! Ang puso ko pooo! *Dabog Dabog Dabog*

Napapikit nalang ako pero narinig ko siyang tumatawa. “Aarggh! I hate you!” Nag cross arms ako at tumalikod sakanya. Hindi po ako nag assume na hahalikan niya ako. Okaaaay? =_=

“Uuuuy! Akala niya hahalikan ko! Hahahahah!” Tulungan kitang tumawa gusto mo?

“…………..”

“Jade ko!” yinugyog niya ang braso ko pero di ako natinag sa lambing niya. “Pssst! Jade ko, gusto mo halikan kita?”

Nagulat naman ako sa tinanong niya. Mukang engot pre? “Tse! Bahala ka nga dyan!” Lalabas na sana ako pero nahila niya ulit ang kamay ko saka ako hinagkan.

“Jade ko naman, huwag ka nang magtampo. Hahalikan ko lang ang labi mo sa harap ng altar pagkatapos nating ikasal.” Yiiiiiiieeeee! Kinilig po ako! Saan pa kayo makakahanap ng ganito karespetong lalake? Wala na. Wala! Si Joshua nalang kaya naman talagang ang swerte ko sa kanya eh. :”>

Hindi ko na napigilang ngumiti dahil sa kilig. Namumula na rin po ako dahil sa saya. Haha. This is the best valentine for me kahit na wala siyang sorpresang iba sa akin.

“Kaya naman maligo ka na at may pupuntahan tayo ha?” Kung di mo lang ako pinakilig hindi pa talaga ako maliligo. XD

“Yes ser!” saka ako nag salute ng parang yung mga pulis lang, stand straight pa.

And bago ko pa malaman, pupunta pala kami sa isang bahay ampunan at yung matagal ko nang gustong gawin na charity ay gagawin na namin. Ang sweet nga naman talaga ng asawa ko. :)

Nagdaan ang maraming months sa aming relasyon. Marami na ring tampuhan at awayan but we managed to pass all those. Natapos ang birthday naming dalawa na magkasama kami. Naging reyna elena pa ako sa Santa Cruzan namin, ewan ko ba! Ang tanda tanda ko na pero ako pa rin ang kinuha nila at si Joshua naman ang photographer ko. Ang sweet diba?

Nagkaroon kami ng family bonding nila mommy, daddy, at grannie sa Hawaii. Alam niyo bang pati si Joshua isinama ni mommy para daw hindi ako manglalalake. Lakas talaga ng tama ni mommy sa kanya.

Month of September

These past days, hindi na siya nagtetext. Hindi na rin siya tumatawag every night. Ano na’ng nangyari sa aming dalawa? May nagawa ba akong kasalanan?

I tried to call and text him, pumunta na rin ako sa bahay niyo pero may pinuntahan ka raw at hindi ka pa rin bumabalik hanggang ngayon. Saan ka nagpunta? Bakit hindi mo ako isinama?

There are those sleepless nights at halos mabaliw ako sa kakaisip sa’yo. Hindi na rin ako lumalabas ng kwarto dahil umaasa ako ikaw mismo ang magbubukas ng pinto at hahagkan muli ako pero wala.

Joshua calling…

“Hello Joshua ko? Nasaan ka na? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit hindi ka na nagpaparamdam? Bakit—“ –Ako

“Look Jade, tama na. We’re done.” –Joshua

“B-But w-why Joshua? Stop Joking me! Haha.” –Ako

“I’m serious. Sawa na ako. Tama na. Masyado kang overprotective.” –Joshua

“No Joshua! No!” –Ako

*End call*

“Naging overprotective ba ako sa kanya? Bakit? Kung ganoon man, ayaw ko lang siyang mawala sa akin! Ayaw ko lang na masulot siya ng iba. Natatakot akong makahanap siya ng iba kaya ko siya inaalagaan ng mabuti. Naging masama ba akong girlfriend? Naging selfish ba ako?! No! Joshua No! Please!”

3rd point of view

Halos mabaliw si Jade dahil sa phone call ni Joshua. Hindi niya magawang kumain, Hindi na rin siya natutulog at halos lahat ng makita niyang bagay ay ibinabato niya. Hindi matanggap ni Jade ang mga pangyayari kaya’t araw gabi siyang umiiyak.

Sa tuwing kakausapin siya ng Mommy, Daddy at Grannie niya. Wala siyang emosyon na naipapakita kundi hagulgol lang. Palagi itong nagwawala at tanging pangalan lamang ni Joshua ang isinisigaw niya.

“Please Joshua! Huwag mo akong iwan, come back to me Joshua ko. I love you so much!”

Hanggang sa isang araw, nagbukas ang pintuan at napatakbo si Jade sa taong nakita niya…

15th of NovemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon