Part four
Joshua’s Point of view
Kakatapos ko lang kumain sa isang fastfood chain na nadaanan ko nang biglang may nahagip ang mata ko.
Isang babaeng parang tuliro at lamon lang ng lamon ng pagkain. Salita siya ng salita pero kahit isa wala akong maintindihan, ang maliwanag lang sa mga sinasabi nya ay ang pangalan na Anica.
Sino si Anica? Kapatid kaya niya? Girlfriend ng boyfriend nya? Pinsan nya? Mama niya? O kaya bestfriend nya? Which is which sa tingin nyo?
Habang pinagmamasdan ko siya, natutuwa ako kasi grabeng napakamanhid nya. Pinagtitinginan na siya ng mga tao sa paligid nya pero hindi pa rin sya nahihiya.
Tumayo na ako at akmang aalis na sana pero saktong pagdaan ko sa kanya ay nabulunan siya kaya naman, napalo ko nang di sinasadya yung likod nya. Kasalanan ko bang napalakas? Nakakatuwa lang kasi siya.
The way na binara niya ako, mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko.
The way she denies what she really feels, mas lalo kong nararamdaman na may problema siya.
The way she cries, mas lalong gumagaan ang loob ko sa kanya.
Am I falling in love with her?
Tinabihan ko sya para mas lalo ko pa siyang makilala. Ewan ko ba kung bakit hindi na lang nya sabihin kung sino si Anica sa buhay niya.
Yinakap ko siya at sinabing “Shhh. Magmoment ka nalang dyan. Alam ko may problema ka kahit na hindi mo sabihin.”
Tuluyan na nga nyang inilabas lahat ng sama ng loob niya sa pamamagitan ng pag-iyak. Mga 30 minutes siyang umiyak habang yakap yakap ko siya. Para naman akong nasa langit kasi ako ang pinaglabasan nya ng problema nya.
Nung lumabas na kami sa fastfood chain, dinala ko siya sa hidden forest na palagi kong pinupuntahan. Maganda kasi ang ambience. Napapaligiran ng puno at tubig. Malayo sa ingay at polusyon.
Napayuko ako pansamantala dahil gusto ko nang itama ang buhay ko, nahanap ko na yung babaeng tutulong sa akin upang maituwid at maiayos na ang buhay ko. Siya na talaga ang pipiliin ko. Wala ng iba.
Tinanong sa akin ni Jade kung may problema ako. Syempre naman at nag deny din ako. Pinipilit nyang sabihin ko pero hindi ko kaya, baka mabigla siya at mas lalo nya akong layuan.
Laking gulat ko nalang ng hilahin nya ako at pinasandal sa balikat nya kahit na alam nyang masyado akong matangkad sa kanya.
Ibang klase ‘tong babaeng ‘to.
Ngayong araw na ito, gusto ko siyang ipakilala sa parents ko. Gusto kong ipagsigawan sa lahat na magiging seryoso ako dito sa babaeng ‘to at hinding hindi ko sya lolokohin kahit anupaman ang past ko.
Rochelle calling…
Sinagot ko pero hindi ako nagsalita, hinayaan kong magsalit si Rochelle.
“Hello baby? What’s up? Ba’t di ka na tumatawag o nagtetext?” –Rochelle
“You know what Rochelle, you’re too assuming! Hindi tayo okay? Kung may nasabi man ako noon, okay fine then break na tayo. Wag ka nang tatawag pa ulit.”
*End call*
Jenny calling…
Kailangan bang ngayon pa nila ako guluhin?! Pero okay na ‘to atleast, matatapos na lahat ng problema ko bago ko ipakilala si Jade kila mom.
Sinagot ko ang tawag ni Jenny pero syempre hinintay kong siya ang magsalita.
“Hon, nagyaya sila PJ na pumunta sa bar. Punta tayo?” –Jenny
“What? Who’s PJ?” –Ako
“Ano ka ba hon! Si PJ, yung nakainuman mong friend ko.” –Jenny
“Hindi ko sya kilala at huwag mo nga akong matawag tawag na hon, hindi kita girlfriend!” –Ako
“What are you saying hon?! 1 year and 3 months na natin next week!” –Jenny
“Huh?! Ano yang 1 year and 3 months na pinagsasabi mo?! Walang tayo okay?! Para matapos na lahat ng pinagsasabi mo. Break na tayo! Kahit na wala naman talagang tayo!” –Ako
“But hon I love y—“ –Jenny
*End call*
Hindi ko na pinahintulutan siyang sabihin pang I love you ako dahil everyday na nasa Bar yan, so it means everyday ring nagpapalit ng lalake yan.
Yung 1 year and 3 months? Saan nya nakuha yang mga yan? Kung ano pinagsasabi ng babaeng yon.
By the way, Rochelle was my former girlfriend. Matagal na kaming wala pero she keeps on coming back to me kahit na sinabi kong wala na kami. Kasalanan ko din, napagsabay sabay ko sila but swear to God, hinding hindi ko ipagpapalit si Jade sakaling mapasakin man siya.