Part eight
Totoo na ba ‘tong mga nangyayari? Tinatanong ako ni Joshua kung pwede ba nya akong maging girlfriend? Mahal niya ako? MAHAL NIYA TALAGA AKO!
May kung ano’ng kumikiliti sa tiyan ko. Yaong mga hinala at bagabag ko kanina napalitan ng biglaang kilig sa puso ko.
O-Oo na ba ako? Ayoko siyang mawala pa sa buhay ko. Siya na eh, siya na talaga yung ideal man na hinihintay ko. Siya na nga siguro ang ibinigay ni God na katuwang ko sa hirap at ginhawa.
“Yes Mister Joshua Ongsee. YES!” hinawakan ko yung kamay niya at pagkarinig na pagkarinig nya sa mga sinabi ko ay muli nya akong yinakap ng mahigpit. Itong yakap na ‘to ay punung-puno ng pagmamahal. Pagmamahal ng una at huli kong magiging boyfriend. :)
Hinahanap nyo yung ano noh? HAHAHAHA! Hindi niya ako kahit kailan hinalikan sa labi. Sa noo at pisngi pwede pa pero sa labi? Hinde! Kita mo nga naman ang respeto niya sa akin. :)
Alam ko naman na easy to get ako, pero sabi nga ng iba. Hindi panliligaw ang pinapatagal kundi ang relasyon. Hindi ko hahayaang maghiwalay pa kami ni Joshua. Mahal na mahal ko siya at mas mamahalin ko pa siya sa mga araw na magdadaan.
Kumain kami ng gabing ito suot ang ngiting hindi mapapantayan ng kahit sinumang tao dyan. Kami na ni Joshua Ongsee, KAMI NA! Subukan niyo lang siyang agawin sa akin kundi magkakapatayan tayo. >:D
Napakasaya ko sa gabing ito, hulog ng langit talaga si Joshua sa akin. Napaka caring, napaka gentleman, napakabait at alam kong Loyal siya sa akin. :)
Matapos naming kumain ay nagtungo na kami sa Cottage. Alam kong nakakapagod ngayong araw na ‘to at kailangan din niyang magpahinga para bukas na bukas ay sisimulan naming maglibut-libot dito sa beach.
“Jade ko, okay lang ba na magkatabi tayo sa iisang kama?” tanong sa akin ni Joshua habang nakahawak sa batok niya. Nahihiya pa yata. Ang cute pala niya kapag nahihiya siya. XD
Pinapatuyo ko kasi ‘tong buhok ko habang siya naman ay nakabihis pantulog na. For the info of all, pagkatapos ko pong maligo ay nagbibihis na ako agad sa C.R. at ganun din naman siya kaya walang bosohang nagaganap. Okay? :D (Alam ko kasing malikot din ang utak nyo kaya I just clarified. XD)
Kung makita ko naman ang abs nitong asawa ko, ayos lang sa akin, pipigilan ko na lang tumili para hindi tuluyang lumabas ang kalandian syndrome ko. Oo asawa na po agad agad, hahaha.
“Ayos lang Joshua ko. Basta may boundary.” Tumawa naman kaming pareho.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung malas ba ako ngayon o swerte kasi iisa lang ang kumot! So talagang pang mag-asawa lang lahat ano? Haynako. Magkukumot kaya si Joshua? Naku naman oo. =_=
Nauna na siyang nahiga sa kama sumunod naman ako. Gusto ko sanang manood ng the Legal wife kaya lang baka maistorbo ko siya sa pagtulog niya. Di’ba nga nakatulog ako kanina kaya mahihirapan akong makatulog ngayon.
Gusto ko pa namang subaybayan si Manolo sa PBB. :”>
Loyal pa rin naman ako! Promise! XD
Tiningnan ko ‘tong lalakeng katabi ko “Joshua ko, pwede ko buksan yung T.V.? hehe.” Oho, nahihiya ako sa kanya, baka kasi ipagbawal niya. Alam niyo na, masunurin akong asawa. :3
“Sige lang Jade ko, buksan mo na lang.” YES! As in SUPER DUPER LUTONG na YES! Hahaha. Makakapanood ako ng The Legal Wife! Pero kokontrolin ko ang galit ko kay Adrian. Wala ako sa bahay kaya naman hindi ko pwedeng batuhin ang T.V. ng remote control. XD
Nagpasalamat naman ako at binuksan na ang T.V.
Habang matamang matama akong nanonood ay kinalabit ako ni Joshua at ngumingising parang demonyo. “Hmm?” May balak yata ‘tong lalakeng ‘to ah. HAHA. “Ano na naman balak mo?”
Nagpout naman siya. Ang charming talaga netong mokong na ‘to.
“Bakit nga?” sinabi ko nang natatawa. Muntanga lang si Joshua eh. Di ako makapagpigil, halayin ko ‘to. Joke lang po! :D
“Payakap Jade ko.” Nagpaalam tapos agad agad naman akong yayakapin. Baliw ‘to nuh? Para saan yung paalam niya kung bigla naman niya akong yayakapin. Nako ahh. Lumalandi na naman ang asawa ko. kinikilig naman daw po ako. XD
“I love you Jade ko.” Nakatitig siya sa akin habang ako naman nanonood pa rin. Ganda kasi ng episode eh. Mag sasabunutan si Nicole at Monica.
Pansamantala kong tinitigan si Joshua na kasalukuyang nakapulupot at nakayakap sa akin. Ginawa ba naman akong unan? “I love you too Joshua ko.” :)
“Mahal na mahal kita Jade ko.” Aba’y matinde! Inulit-ulit pa talaga? I find it so sweet pa rin naman. Ang sweet ng asawa ko nuh? Mainggit kayo, may lovelife ako! HAHAHA.
“Mas mahal na mahal kita Joshua ko.” Mas lalo naman niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang unti unti ko nang nadadama ang bawat paghinga niya. Nose to nose kami ngayon.
Naman Joshua ehh! Kinikilig ako! Stapit! Yiiiieeee. Wahahaha. Lande much. :3
Nagtitigan lang kami for the meantime, saka niya ako nginitian. Kampante naman akong hindi niya ako hahalikan kaya parehas nalang kaming nagngitian habang napakalapit ng mukha niya sa mukha ko.
Mamamatay ako sa kilig nito. Titigan lang, san ka pa? ^o^
Nung itinigil na nya ang kalandiang ginagawa niya, PBB na po. =_=
Hindi ko na napanood kung ano’ng nangyari kina Monica, Malanding Nicole at ang hampaslupang Casanova na si Adrian. Why O’why? T______T
“Jade ko, tulog na tayo.” HUWAAAAAAAG! Papanoorin ko pa si …. Ma.no.lo.
Sumalampak na ulit siya sa kama pagtapos niyang pinatay yung T.V. Hindi ko na po nasubaybayan si Manolo. *ehem* Manolo ko. Hihi. Hayaan mo na, katabi ko naman si Joshua ko eh.
I turn on the lampshade para naman hindi masyadong madilim then humiga na ulit.
“Joshua yung kamay mo!”
“Iiiih, yakap lang naman!”
“Sige na nga. Goodnight Joshua ko. I love you. Huwag moko pagpapalit, huwag tularan si Adrian or else hindi ka na masisikatan ng araw.”
“Jade ko naman! Goodnight din, I love you most. Ikaw lang.”