one | welcome to the Janna

23 1 0
                                    



The first two chapters are like introductions. Also, you'll encounter a lot of terms in here. Anyway, I will still be giving definitions to those words everytime so that you'll not get confused. But I suggest you read the second chapter.

And yes, most of the names of the characters are familiar but not all are based on historical myths or legends.

"Beauty and Wisdom are seldom found together."
- Petronius Arbiter (1st C A.D.)  Satyricon

Kabanata One

The End of New Beginning I

DALAWANG anghel ang masayang naglalaro sa isang parang na puno ng mga bulaklak. Iba-iba ang kulay niyon na sumasabay sa mahinang paghampas ng hangin. Masasamyo sa paligid ang bango ng mga mga bulaklak at iba pang mga halaman. Maririnig rin ang mabining pag-agos ng tubkg sa malapit na ilog. Ang lahat sa lugar na iyon ay kakulay at gawa sa ginto at mga mamahaling bato. Katulad na lamang ng suot ng dalawang anghel na nagkakatuwaan.

Isang mahabang damit na kulay puti na napapalamutian ng mga batong Janniya na matatagpuan lang sa lugar na iyon- ang Janna (paraiso). Kumikislap iyon at iba-iba ang kulay. May pula, berde, asul, puti, at iba pa.

Ang isang anghel ay maraming kulay asul na batong Janniya ang nasa mahabang damit. Ang sinturon niyon ay gawa sa ginto pati ang laylayan. Ang lusutan sa bandang leeg ng damit ay nakaadorno ang kulay asul na bato. Habang ang sa laylayan ng manggas naman niyon ay pinaghalong asul at pula. Ang isang anghel ay kapares ng naunang anghel ang suot liban sa mas marami ang pulang bato ang nakaadorno sa damit.

Sila ang mga anak nina Venus at Aphrodite. Mga anghel na hiningi sa Inang Luna o ang liwanag sa gabi.

"Artemis, halika! Tingnan mo ang ibong ito. Nakatutuwa ang huni. Tila sa isang harpa." sabi ng anghel na maraming pulang bato sa damit. Ito ang anak ni Venus. Si Diana na biniyayaan ng walang katulad na ganda. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ito masyadong nakalalabas ng sariling tahanan sapagkat fitna (kasalanan sa pagiging maganda o pangit)  iyong maituturing. Si Diana ang maituturing na modelo ng isang perpektong anghel. Maganda, masunurin, mahinhin.

"Siya nga? Patingin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Siya nga? Patingin." sagot ng isa pang anghel na anak ni Aphrodite. Si Artemis na biniyayaan naman ng talino at husay sa pakikipaglaban. Bagama't maganda rin ay kabaligtaran pa rin ito ni Diana. Si Artemis ay may pagkapilya at malakas ang loob.

 Si Artemis ay may pagkapilya at malakas ang loob

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Sinner's HeartWhere stories live. Discover now