five | humans

9 1 0
                                    

"It is difficult to tell how much men's minds are conciliated by a kind manner and gentle speech."
- Cicero (106-43 B. C.) De Officiis

Kabanata 5

ABALA sa pag-iisip si Artemis sa mga sinabi ni Lucero sa kanya. What if totoo ang mga sinabi nito? Will the world be surrounded by darkness and evil? Hindi naman siguro. May mga tao pa rin naman ang mabubuti.

But aside from her parents, who else? Nakakahiya man pero aminado siyang hindi rin siya mabuting tao. Katibayan na niyon ang kanyang kwentas na ni walang isa mang liwanag.

Isinubsob niya ang ulo sa mga tuhod. Nasa paborito niyang pwesto siya sa isang classroom na wala namang gumagamit. Doon siya nagkukulong kapag ayaw niyang paistorbo. Dati rawng Drama club iyon pero dahil lumipat na ng ibang silid ang drama club ay wala nang gumagamit doon. Nadiskubre niya iyon noon nang minsang wala ang propesor sa isang subject at naghanap ng lugar kung saan siya pwedeng manatili. She tried the rooftop, tambayan ng mga bida na kalimitang nababasa niya. But it was no good. Marami nang tao doon. Mga feeling bida rin.

Sa kabutihang palad, nahanap niya iyon. Locked iyon noong una. Pero nasuhulan niya ang janitor na ipagamit sa kanya iyon bilang pahingahan. Ipinapangako lang siyang wala siyang gagawing masama sa loob. Simula no'n ay iyon na ang naging official tambayan niya. The dark room. Walang ilaw at maraming kalat. Kiber basta tahimik.

Sa loob ay dinig niya ng usapan ng mga estudyanteng dumadaan. Different topics, different problems. May mababaw, may malalim. Pero kalimitan, may bahid ng kasamaan.

Napabuntong-hininga siya. Kunuha ang earphones at cellphone saka nakinig ng music. She doesn't want to hear any evil from those people. She just wanted to...

Hindi rin niya alam ang gagawin. Stocked in this world and living like a mortal. Kung hindi lang dahil sa mga magulang niya ay baka noon pa niya naisipang mag-suicide.

"Aaaghhh!"

She felt a strong shock of electricity struck her heart. Mortal sin ang pagpapakamatay.

At ang pumatay...

She knew.

Napatuwid siya ng tayo nang biglang bumukas ang pinto ng silid.

Paanong?

Nakalimutan niyang isara ang pinto! Agad siyang nagtago sa isa sa mga mesa doon. May pumasok. Hindi niya sigurado kung sino. Inilabas niya ang ulo at tiningnan kung sino iyon.

It was a man with glasses. Hindi niya maaninag ang mukha. But he was wearing a checkered polo tucked inside his pants.

Professor? Ewan.

"Lucky, come here." anito. Sino ang tinatawag ng lalaki?

"Meow!" he mimicked the sound of a cat.

He was looking for a cat? As if on cue, bigla niyang naramdaman ang isang malamig na bagay sa may binti niya.

She cringed and jumped at the same time. Nang tingnan niya ang salarin ay isang itim na itim na kuting ang nakita niya. It was looking at her with that puppy- cat eyes.

And its eyes are so familiar. Hindi lang niya matandaan kung saan niya nakita. pusang kalye? Nakita na niya sa kalye?

No. She's certain to remember almost everything but she cannot pinpoint where the hell did she saw that cat.

Ouch! Ayun na naman ang kuryente. Kahit sa isip lang siya nagmura ay naparurusahan siya.

Ang hirap maging mortal!

Hindi niya makontrol ang emosyon.

"Nandiyan ka lang pala." ang lalaki at lumapit sa kanila.

Kinuha nito ang kuting at nilaro-laro ng hintuturo. Kunot noong nakamasid lang siya sa mga ito. It sounds funny but she thought that the cat and the owner seem to be alike.

Saka lang siya napansin ng lalaki.

"Ah... Sorry nga pala kung nagulat ka ni Lucky."

"What is ..." hindi niya alam kung he or she. "that thing doing in school premises anyway?"

"His name is Lucky. Dito talaga siya sa school. nakatira. Pinakakain ko lang."

So it's a 'he'.

"Paano yan napunta dito?"

Bumuntong hininga ang lalaking may makapal na salamin.

"Pinaglaruan no'ng grupo nina Declan. Tumakbo at dito napadpad." mukhang lungkot na lungkot ito.

"Ganoon ba?" indifferent na tanong niya. Ano'ng gagawin niya kung hindi niya kayang makisimpatya sa pusang yun? Ang alam niya ay naiilang siya sa pusa. Hindi niya alam kung bakit.

"Ako nga pala si Homer. Homer Lincoln."

"Seriously, like Abraham Lincoln?" hindi niya maiwasang mang-mock. Ipinanganak na siyang may pagka-maldita. Parusa rin marahil ng langit para mahirapan siyang makakalap ng Nhur.

"Yeah..." parang nahihiya pa itong iabot ang kamay sa kanya. This guy is shy.

Wala sana siyang balak makipagkilala pero ayaw naman niyang ma-offend ang lalaking mukhang nerd dahil sa kapal ng salamin nito. Ka Jose Rizal ang peg. Astig kung maka- gel ng buhok. Parang hindi masisira kahit pa ng malakas na hangin.

"Artemis." sabay abot sa kamay nitong nakalahad

"Gotta go, Jose-" natigilan siya. Hindi sinadyang banggitin ang hero na naaalala niya rito. Well, hindi na masama. She idolizes Rizal for his loyalty and intelligence. "I mean, Homer Lincoln."

Iniwan na niya ito. Ni hindi hinintay ang reply.

The next day, she was a bit surprised that Homer Lincoln was sitting behind her chair. Mukhang hindi ito na-surprise pagkakita sa kanya. He shyly smiled at her. Kita niya ang biloy nito sa kaliwang pisngi that made him cute.

"Good morning." bati nito nang balewalang umupo siya sa sariling upuan.

"Good morning." walang kalatoy-latoy na bati rin niya.

So, ito pala ang tatanga-tangang nasapol ang noo ng white board eraser kahapon.

Gaya ng nakagawian ay tumingin siya sa labas at tumingala. The sky was so bright it made her relax. Sa sobrang relax niya ay ni hindi na niya napansin na natapos na ang kanilang klase sa subject na iyon. She just went out of their classroom without even bidding goodbye to anyone. Wala naman siyang kaibigan doon.

Come to think of it, wala siya ni isa mang kaibigan. Mula pagkabata hanggang sa sumapit sa edad na labing anim. At the age of sixteen, she vowed not to have one. Not after knowing and remebering who she really was and how she ended up in that life. Yes, she thought she was a human when she was young. But at the same time, she knew she was different. Mahirap i-explain pero iyon ang pakiramdam niya noon pa man.

Pumunta siya sa cafeteria and got what she wanted to eat, sandwich and a canned soda. Naghanap uli siya ng lugar na wala masyadong tao. Isa lang ang naiisip niyang lugar maliban sa 'hideout' niya- sa botanical garden. Maliwanag doon at mabibigyan pa siya ng pagkakataong mapagmasdan ang kalangitan.

Swerteng walang tao doon. Liban nalang kung paroon ang hardinero to water the plants which she highly doubt. Umaga iyon ginagawa ng hardinero. Kaya masosolo niya ang garden.

Pagkatapos kainin ang nabiling snack ay nagpasya siyang humiga sa mahabang upuan na kinaroroonan. May isang oras pa siya para magpahinga. Nakatingala lang siya sa langit at untu-unti nang hinihila ng antok. Subalit naistorbo iyon nang biglang kumalabog ang isang bahagi ng garden.

Napabalikwas siya at kunot-noong nagpaling-linga. Hinahanap ang istorbong nambulabog sa sana ay pamamahinga niya.

There she saw Homer at the end corner near the entrance. Lalo siyang nagtaka nang makitang nakaupo doon ang lalaki at tila hirap. She was about to call his attention nang makita ang grupo ng mga kalalakihan na tumayo sa harap ng nakaupong Homer.

Kinutuban siya sa nangyayari.

The Sinner's HeartWhere stories live. Discover now