four | black djinn

9 1 0
                                    

"An evil life is a kind of death." -Ovid (43 B. C. - A. D.)  Epistulate ex Ponto

Kabanata 4

Lucero the Black Djinn

PALINGA-LINGA si Artemis para sana tumawid sa kabilang panig ng parking nang mamataan niya ang isang anino na patawid din. Kinusot niya ang kanyang mga mata dahil baka pinaglalaruan lamang siya ng kanyang paningin. Pero nandoon pa rin at dahan-dahang tumatawid ang aninong isang dipa yata ang lapad at tatlong metro ang taas.

She ran towards it at saka lang niya napagtanto na tao pala iyon. Dahil nga isa siyang fallen angel ay hindi kayang linlangin ng ibang nilalang ang kanyang paningin.

"Ano ka?" tanong niya nang nasa harap na niya ito. Wala siyang maramdaman na takot dahil bukod sa hindi rin siya tao ay likas na sa kanya ang pagiging matapang.

Lumingon ang lalaking napaliligiran ng walang hulmang anino.

"Fallen angel." anito sa malalim na boses.

"Alam mo kung ano ako." mangha siya dahil kahit na isa siyang fallen angel ay tao pa rin siyang maituturing. Ang kanyang Ki (enerhiya) ay kalebel lang ng mga tao.

"Ikaw ang anak ni Aphrodite."

"Ako nga. At ikaw ay isang Djinn. Isang maitim na Djinn. Ano ang ginagawa mo rito sa Terras?"

Ang Djinn ay hindi Diyos at hindi rin anghel. Kung sa mundo ng mga tao ay pwede silang bansagang genie. Pero taliwas sa genie na inilalarawan ng mga tao, hindi iyon katulad ng sa Aladdin na kulay asul at laging nakatawa. Ang mga Djinn ay kayang magpalit-palit ng anyo- pwedeng tao, pwedeng hayop.

Wala ring Djinn na nat-trap sa lampara. Ang Djinn ay maaari lang makulong sa isang Otavio (ang bato na galing sa Narakka). Nangyayari iyon kapag nahuhuli ng mga Shaitan (Ang tawag sa mga Demonyo sa Narakka) ang mga Djinn at ikinukulong doon. Para malabas sa Otavio ay nagiging alagad ng Shaitan na iyon ang ikinulong na Djinn. Pagkalaon ay magiging masama na rin ang Djinn at magiging maitim ang kulay.

Ang mga maiitim na Djinn ay masasama. Kung may fallen angel, mayroon din namang Fallen Djinn. Sila ang mga Djinn na pumanig sa mga demonyo bilang kapalit ng kalayaan.

May mga Djin rin naman na mas piniling manatili sa bato kaysa maging alagad ng mga Shaitan. Sila ang tinawag na Brisingamen. Doon pwede humiling ang anumang nilalang, maliban sa mga Shaitan o demonyo, ng kahit ano. Saka pa lamang makakalaya ang nakulong na djinn.

"Dito ako nakatira sa Terras."

Mukha ngang matagal nang naninirahan sa Terras ang Djinn na kaharap. Pansin din niyang matiim ito kung tumitig with his eyes as dark as the night sky with the absence of stars and moon.

"Ako si Lucero."

"Buti't hindi Lucifer." she retorted.

Natawa ang maitim na Djinn.

"Hindi. Pero kilala ko siya."

"Malamang. Galing ka sa Narakka."

Parang naaaliw pa sa kanya ang Djinn dahil titig na titig ito sa kanya.

"Ngayon lang ako natakatagpo ng anghel na kasing tapang at kasing talas ng dila mo. Nakakaaliw."

"Ano sa tingin mo't naging Fallen angel ako? Tingin mo mabait akong anghel noon?" naiinis na balik niya.

"Pero hindi sapat na dahilan para patawan ka ng adhvanit." anito.

Medyo kinabahan siya nang suriin siya nito ng mabuti.

"Ano ang iyong pangalan?"

"Bakit ko sasabihin sayo?"

Nagkibit balikat ito at sumakay sa sariling sasakyan.

"Hanggang sa muli."

"Sandali lang." pigil niya rito.

"Ano ang ginagawa mo rito sa Terras. Ano'ng misyon mo?"

Nag-isip muna ito bago sinabing, "Bakit mo kailangang malaman?"

"May nangyayaring hindi maganda."

The black Djinn raised a brow.

"Nararamdaman ko. Humihina na ang Ki ng kabutihan. Hindi na balanse. Ang mga tao ay unti-unting kinakain ng kasamaan."

Ngumiti ito ng misteryoso.

"Hindi ko alam kung ano'ng klaseng pagsasanay ang ginawa mo noon pero magaling ka at matalino."

May kinuha ito sa bulsa na bato saka ibinigay sa kanya.

"Bato ng Brisingamen." sambit niya nang makuha ang bato. Paano? Isa itong masamang Djinn. Hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na magtanong dahil nagsalita na ito.

"Ang mga tao ay napupuno ng kasamaan dahil ipinanganak silang mahina. Walang ibang dapat sisihin kundi ang mga sarili nila. Why they submitted to evil is we, the supernaturals cannot control. Binigyan sila ng sapat na kaalaman at talino para timbangin ang mga bagay. Kung alin ang pipillin nila. Ang many chose evil."

Nalito siya. "Pero hindi pa rin sapat iyon para mawala ang balanse."

"Nasa sa iyo na kung paniniwalaan mo 'ko o hindi."

"Isa kang Black Djinn."

"Marahil. Pero matagal na rin akong naninirahan dito sa Terras. I had witnessed countless wars, chaos, poverty, and all. Humans are humans. They will never change."

Nakatanga lang siya roon. Dahil alam niyang may bahid ng katotohanan ang sinabi nito ngunit ayaw niyang tanggapin.

Not when her parents are so good. Tiyak niyang marami pang tao ang ganoon.

"Kung wala ka nang sasabihin ay mauuna na ako."

Iyon lang at pinasibad na ang sasakyan. Nakatayo lamang siya roon.

Alam niya. There's something wrong. Hindi mananatili sa Terras ang mga Djinn kahit pa masama na iyon. Malaking kaparusahan iyon para sa mga kagaya nila. Isang malaking dagok na maging tao. Pero hayun at naninirahan at namumuhay na parang isang normal na tao ang Lucero na iyon. Ano ang rason kung bakit ito nananatili sa Terras?

Iyon ang aalamin niya.

The Sinner's HeartWhere stories live. Discover now