seven | unconditional love

4 2 0
                                    

"Humans in this era are known to be the smartest and most civilized yet they sometimes go back to the Paleolithic era and acts like a savage animal."
-Artemis' thought

Kabanata 7

DAGLING napatingin si Artemis nang marinig ang pagbubukas ng pinto. Nandoon siya ngayon sa paborito niyang tambayan- ang dating club house.

Nakita niya si Homer na papasok. Hindi siya madaling makita dahil nasa likod ng mahabang mesa na may nakapatong na mga kahon.

"Artemis?"

Hindi siya sumagot. Bahala na ito kung kaya siya nitong makita o hindi. Sa kapal ba naman ng salamin nito imposibleng hindi pa siya nito makita.

Mukha namang alam nito na doon siya makikita dahil naglakad pa ito papasok at nakita nga siya na nakasalampak ng upo.

"Nagbakasakali akong nandito ka. At mukhang hindi naman ako nagkamali."

"What do you need?" agad na tanong niya.

Mukang napahiya ang lalaki at nakonsensya naman siya. Hindi niya intensyon na magtunog-hostile sa lalaki. Sadyang ganoon lang siya. She can't help it. Hindi siya mahusay makipag-mingle sa mga tao.

"Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mo noong nakaraang araw."

"There's no need. Kahit naman siguro sino, gagawin yun." aniya sa bagot na boses. Hindi siya sanay na pinapasalamatan. Dahil unang-una, hindi araw-araw na ginagawa niya yun.

"Still, gusto kong magpasalamat." giit nito.

"Alright. You're welcome." sabi nalang niya.

Kumunot na naman ang noo niya nang hindi pa rin ito umaalis. Hindi rin niya gusto na nakatayo ito at nakatingala naman siya. Kaya tumayo na siya. Ngunit parang wala rin namang saysay dahil sa tangkad ng lalaki. Matangkad siya sa height niyang 5'8 pero maliit pa rin kung ikukumpara sa higanteng Homer. He is probably 6'2. Likas sa kanya ang pagiging dominante kaya naiinis siya na parang mas mataas pa rin ang tingin niya rito. Well, figuratively.

"Ano na naman?" salubong ang mga kilay na tanong niya.

Umiwas ito ng tingin.

"Ano... uhmm..."

Sa laki nitong tao, gano'ng naman kababa ang self-esteem nito. Nainis tuloy siya. Tatayo-tayo ito pero ang sasabihin lang ay 'ano' at 'uhmm'?

"Ano nga?" halata na ang pagkapikon sa boses niya. Nameywang pa siya. Para siyang si David na nakapameyawang kay Goliath.

"S-sorry. Di bale nalang. See yah."

Sa labis na inis ay tinalikuran siya ng lalaking engot at lumabas ng club room. Dahil sa nangyari ay nawalan na siya ng interes na magmunimuni. Lumabas na lamang siya.

"Makauwi nalang nga." pati ang pagpasok sa mga susunod na klase ay kinatamaran na niya. Hindi nalang na niya pinansin ang mumunting boltaheng nararamdaman.

Parte ba ng pagiging isang mabuting tao ang pagpasok sa university? She think not. But when she thought of her human parents who raised her to be a good citizen, agad ang pagkambiyo niya ng lakad pabalik.

Konsensya

Yes. Nang maging tao siya ay tinubuan na siya no'n. Hindi sa walang konsensya ang mga anghel, pero likas na mabubuti ang mga anghel kaya hindi na nila kailangan ng tinatawag na konsensya.

And of course, love. Pagmamahal para sa mga kinamulatang mga magulang. Hindi niya alam ang tunay na kahulugan ng salitang yun pero sapat na ang nararamdamang pagkalinga at pag-aalala sa mga magulang para tawagin niya iyong pagmamahal. Siguro nga ay mabait pa rin sa kanya ang langit dahil sa isang mabubuting tao siya lumabas.

What does the human call it?

Ah, unconditional love.

Ganoon nga siguro. Minahal siya ng mga magulang niya ng walang kapalit. At ganoon din siya. Hindi siya inobliga na mahalin ang mga ito but she actually did. She care for them more than anything else in Terras.

Minsan ay nakatatakot ang mga tao. Ang mismong emosyon na umuusbong sa puso ng mga ito. It was terrifying and yet wonderful. Hindi niya mapangalanan kaya marahil ay nasabing komplikado ang mga tao.

Pagpihit ay nakita niya ang mga lalaking nambugbog kay Homer noong nakaraang araw lang.

Nababagot na tiningnan niya ang mga ito. Isa rin sa hindi niya maintindihan sa mga tao ay kung bakit gustong-gusto ng mga itong ipagyabang ang kakayahan. Na kung tutuusin ay hindi naman kaayaaya madalas. Katulad ng mga lalaking nakangisi sa kanya.

"What do you want?"

Sa halip na sagutin siya ay hinaklit ng isa ang braso  niya at halos kaladkarin palayo. Walang saysay kung magpipiglas siya dahil alam niyang hindi patatalo ang nakahawak sa kanya. Kung tutuusin ay kaya niyang patumbahin ang mga ito. She may be a human now but she is still a warrior. Ngunit ayaw rin niyang gumawa ng eksena.

Habang kinakaladkad siya ay saka niya napagtanto na nakatingin lang ang mga estudyante sa kanila. They have different expressions. May nagtataka, may parang takot, mayroon namang parang nagulat. All the same, ni walang gumawa ng hakbang para tulungan ang isang babaeng kinakaladkad ng grupo ng mga kalalakihan.

What's wrong with these human? Naitanong niya, nasaan na ang ipinagmamalaki ng mga itong good governance? She wanted to scuff.

Sa likod ng building ng Business Administration siya dinala ng mga ito. Under construction pa yun para sa extension ng naturang college kaya walang masyadong tao. Maliban sa mga construction workers na nagpapahinga sa waiting shed na may kalayuan kaya hindi sila masyadong pinapansin.

Marahas na binitawan siya ng may hawak sa kanya. Nahimas niya ang nasaktang braso. Nais niyang mapikon nang makita ang pamumula niyon. Still, nagtimpi siya.

"Ano ba'ng problema niyo?" Hindi siya nag-abalang itago ang pagkapikon.

"Ikaw ang problema namin. Akala mo ba nakalimutan namin ang ginawa mong pangingialam doon sa engot na Homer na yun?" anang lider-lideran ng mga ito. Nakasuot ito ng malaking t-shirt at maong na sobrang luwang. Ang likod ng bulsa ay halos umabot na sa likod ng mga tuhod nito.

Hip hop?

May bull cap pa ito na nasa likod ang visor. Astig pero baduy. Ganoon din ang mga atsoy nito na nasa magkabilang gilid. Ang ikaapat ay nagbabantay sa paligid. Apat lahat.

Feeling F-4?

Oh, yes. The Fool Four. Hindi niya napigilang matawa. Sa isip ay pinagtatawanan niya ang apat na tanga.

"Ano'ng nakakatawa?" kunot noong tanong pa ni lider.

"Kayo." natatawa pa ring sagot niya.

Namula ito sa galit. "Kami?"

"Oo, kayo. You overdo your get up to look cool. In the end, you four, looks fool." natawa na naman siya nang mag- rhyme ang sinabi.

Inis na pinitsirahan siya ng lider.

"Maganda ka sana, eh. Pero sinayang mo ang kabaitan ko kaya hindi mo na pakikinabangan yang maganda mong mukha." anang lider.

Hindi siya tuminag kahit na nang itaas na nito ang kamay upang marahil ay sampalin siya. All her senses alert nang may nangialam.

"Artemis!" sigaw ng kung sino.

Napalingon silang lima.

"Looks like your Knight in Shining gel showed up." anang isa sa mga atsoy ng lider. The one with the red and black shirt.

She frowned.

What the heck is Homer doing there?

The Sinner's HeartWhere stories live. Discover now