Ito na marahil ang masasabi kong medyo exciting na kabanata sa mga nauna pang kabanata. *^_^*
Kabanata 10
SUNOD-sunod na katok ang nagpagising kay Artemis. Naiinis na tiningnan niya ang oras. It's five in the morning! Nagtalukbong uli siya ng kumot. Kahit magunaw ang mundo ay hinding-hindi siya mapapaalis sa kanyang higaan!
"Artemis, wake up!"
"Wala akong pasok, mom!"
"You promised sasama ka nang mag-exercise kasama ko." her mom said at the other side of the door.
Hinawi niya ang kumot at napatitig sa kisame. Tamad siyang tao kaya parusa para sa kanya ang maagang paggising lalo kung wala namang pasok. But Cielo Arcanghel insisted she should exercise kahit hindi naman na kailangan. Hindi siya mataba. Kung tutuusin ay slim siya kaya wala siyang makitang dahilan para mag-exercise pa. Kung sakit naman ang pag-uusapan, healthy siya. Ikaw ba naman ang magkaroon ng mga magulang na puro doktor.
"Artemiscia!" sigaw uli ng mommy niya. Tawag nito sa full name niya. Iyon ang birth name niya bilang tao. Hindi rin niya alam kung nagkataon lang na Artemis din ang pangalan niya si Terras. Gayunman ay gusto niya yun.
"Magbibihis na po."
Kulang nalang ay hilahin niya ang sariling mga paa gumalaw lang ang mga yun. Tamad na tamad talaga siyang mag-ehersisyo.
Muntik pa siyang mangudngud nang matisod siya sa pantalon na nakahara sa daraanan niya. Buti nalang at naitukod niya agad ang mga kamay.
Damn laziness!
Dahil sa katamaran ay muntik pang madisgrasya ang kanyang mukha.
Pagdating sa banyo ay walang sere-sremonyang binuhusan niya ang mukha ng tubig na agad niyang pinagsisihan.
Damn water!
Nagpatuloy nalang na siya. Okay na rin dahil nagising pati ang diwa niya. Nag-tooth brush saka lumabas ng banyo para magbihis ng sweat pants and shirt.
Pagkababa ay nadoon na ang mga magulang. Todo porma ang dalawa. At age fifty, her parents still look young. Salamat sa healthy lifestyle ng mga ito.
"Let's roll!" anang mommy niya na feeling bagets. Sabay silang tatlo na lumabas ng bahay.
Medyo madilim pa pero nagulat siya nang makitang marami-rami na ang nag-jo-jogging sa subdivision nila. Iba-iba ang edad. Mula sa pinakabatang edad, walo yata, hanggang sa pinakamatanda na edad setenta? Goodness, mas matanda pa sa mga magulang niya!
Sa simula ay naglalakad lang sila. Nagkaroon din siya ng pagkakataong pagmasdan ang paligid. Sa inilagi niya sa Terras ay ngayon lang siya lumabas ng ganito kaaga. Masarap pala sa pakiramdam. Iyong fresh pa ang hangin at medyo mamasa-masa pa ang paligid. Sa gaya niyang tamad gumising ng maaga, ang naabutan lang ay ang marumi nang hangin dahil sa polusyon. Hindi na rin masama na sumama siya sa mga magulang ngayon.
Then they started running. Namamangha pa siya kung paanong parang wala lang sa mga magulang ang tumakbo habang nag-uusap pa. Nasa unahan kasi niya ang dalawa at halatang enjoy na enjoy sa ginagawa.
"Oh, Artemis. Huwag kang tatamad-tamad diyan. Mukhang mas malakas pa kami ng papa mo." lingon sa kanya ng mommy niya.
She rolled her eyes. Pero hindi siya nagsalita. Ramdam kasi niya na medyo pinagpapawisan na siya.
Nakailang ikot din sila bago sila tumigil at nagpahinga sandali. Water break anang papa niya. Hindi niya yun alam. Akala niya uuwi na sila. Hindi pa pala. May round two pa! At pagod na siya! Sasabihan na sana niya ang kanyang mga magulang na mauuna nang umuwi total ay natupad naman na niya ang pangako sa mga ito nang biglang magliwanag ang langit. Sa sobrang liwanag ay naitakip niya ang kanyang braso sa mga mata.
"Bulalakaw!" narinig niyang sigaw ng marahil ay kapit bahay lang nila.
Tumingin siya sa direksyon ng pinagbagsakan ng 'bulalakaw'. Only to find out, it wasn't a meteor but a...
Sandali siyang natulala. Mukhang lahat ay natigilan nang makita ang nahulog mula sa itaas. Kung hindi pa sumigaw ang isang bata ay hindi sila matatauhan.
"Monsteeer!" sigaw ng bata.
Biglang nagkagulo ang mga taong kanina ay payapang naglilibot sa kanilang village. Nagpulasan at nagsigawan ang mga tao.
Siya lang ang hindi. Para siyang tood sa kinatatayuan habang nakatingin sa nilalang na bumagsak mula sa itaas.
Isang black angel.
Iyon ang unang beses na nakakita siya ng black angel. Akala niya ay myth lang ang mga ito pero totoo pala talaga. And the evidence is right in front of her sight.
Ayon sa kaunting nalalaman niya sa mga ito, dating mga mabubuting anghel ang black angel. Ngunit hindi katulad nang sa fallen angel, ang black angel ay hindi basta-basta anghel kundi isang diyos o diyosa na sinuway ang utos ng Mahal na Ama. Hindi napapatawan ang mga diyos o diyosa ng adhvanit kaya bilang kaparusahan ay tinatanggalan ang mga ito ng karapatan sa Janna. Walang sinumang nilalang ang pwedeng tumanggap sa mga ito kaya nagiging gala. Parang multo.
Pero hindi niya aakalain that the black angel in front of her is as magestic as a god that he was. With great physique, wide and very black wings, the black angel is regal. He's clothes was that of a warrior.
Nagulat pa siya nang tumingin ito sa direksyon niya, rather sa kanya. Sa unang pagkakataon ng pagiging tao niya ay nakaramdam siya ng ibayong takot.
The black angel is radiating evil. And why his eyes is so achingly familiar she doesn't know.
May narinig siyang umiiyak. Nabaling ang tingin niya sa batang mukhang nawalay sa mga magulang. Nagdalawang-isip siya kung tatakbo palayo sa itim na anghel o kukunin ang bata. Pero nasa pagitan nila ang bata. Kung tatakbuhin niya ito...
Whatever!
Without a second thought, she span towards the child and scooped her in her arms.
"Artemis!" narinig niya ang sigaw ng kanyang mommy sa di kalayuan. Relief was all over her face. Katabi ang kanyang daddy. Pero nanlaki ang mga mata ng ginang dahilan para lumingon siya. Only to find out that the black angel is walking towards her.
Oo, naglalakad habang siya ay tumatakbo. Hindi niya alam kung paano pero ganoon ang nangyayari. She ran as fast as she could pero batid niyang maaabutan siya nito. May nadaanan siyang stroller at inilagay roon ang bata and rolled it towards the direction of her parents. May kalayuan pero iyon lang ang naiisip niyang gawin. She can't afford to let the black angel get near her parents. Siguradong manganganib ang mga ito.
Hinarap na niya ang itim na anghel, naghandang lumaban. Habang papalapit ito ay hindi niya maiwasang pakatitigan ang itim na anghel. His face seems so familiar only she can't pinpoint what and who he is. Malapit na ito sa kanya nang isang bulto ang lumapag sa harap niya.
Another angel. And thank god, his wings are white.
Ephraim
Isa sa mga kasamahan niya noon na nagsasanay sa ilalim ni Athena. At isa na rin ito sa pinakamagaling na mandirigmang anghel.
"Lumayo ka rito, Artemis. Laban ito ng mga anghel."
"Ano ang nangyayari?"
"Hindi ito ang tamang oras para sabihin sayo. Umalis ka na!" anito na hindi nilulubayan ng tingin ang itim na anghel na ni hindi nagbago ang bilis ng paglakad.
Tiningnan niya si Ephraim. Hindi niya alam kung kayang talunin ni Epharaim ang kalaban dahil ramdam niya kung gaano kalakas ang itim na anghel.
"Artemiscia!" sigaw ng daddy niya.
"Ilayo mo rito ang mga magulang mo kung ayaw mong pati sila ay madamay."
Iyon lang ang kailangang reminder ni Artemis para takbuhin ang mga magulang na bitbit na ang batang iniligtas niya kanina. Tumakbo na sila palayo. Ngunit bago iyon ay lumingon muna siya at kita kung paano magsagupaan ang dalawang anghel- Isang puti at isang itim.
YOU ARE READING
The Sinner's Heart
RandomNakagawa si Artemis ng isang napakabigat na kasalanan. Ang parusa: Ginawa siyang tao. Isang Fallen Angel. Hindi siya kailanman makababalik sa Janna (paraiso) hangga't hindi niya napupuno ng liwanag ang kanyang sisidlan ng kabutihan. Kaya ito siya ng...