Mayroon akong inihahandang plot. So, brace yourselves children! ;)
Kabanata 12
HINDI pa rin maintindihan ni Artemis ang nangyayari. Basta sumunod pa rin siya kay Lucero papasok sa mansion na wala ni isang taong makikita. Although she could sense some presence. O baka guni-guni nalang iyon.
Hindi niya alam kung nakailang kanan at kaliwa na sila ni Lucero. Baka nililito rin siya ng djinn upang kung sakali ay hindi niya matuntun ang sinasabi nitong order. Sino nga ba ang hindi maliligaw gayung napakalaki ng mansion?
Sawakas at narating na nila ang isang napakalaking pinto. Kulay ginto iyon na may intricate designs. Pamilyar siya sa disenyong iyon dahil ganoon din ang disenyo sa Janna.So, she concluded that the one who own this mansion is also a fallen angel. Paanong ang isang fallen angel at isang djinn ay naging malapit?
Bumukas ang pinto. Isa na namang hagdan ang bumungad sa kanya. Madilim sa baba kaya alam niyang mahaba-habang hagdan din yun. Gusto na talaga niyang magreklamo.
Nagsimula na silang bumaba. Buti nalang at 20-20 ang vision. Kahit paano may naaaninag pa siya. Sa ikinasosyal ng mansion ay hindi nag-abala ang may-ari na palagyan ng ilaw ang underground na yun.
Matapos ang hindi niya mabilang na sandali ay narating nila ang isang pinto. Gawa iyon sa metal, hindi niya matukoy kung ano. Basta makintab.
"Wag mo lang sasabihing hagdan na naman yan, uuwi talaga ako." aniya.
Natawa lang ang djinn. "Andito na tayo."
Pagbukas niya ng pinto ay muntik pa siyang masilaw. Puro puti kasi ang nasa loob. May mga monitors kaya kita niyang nakikita sila papasok palang sa mansion. Pero walang tao doon.
"May pinuntahan pa siguro si Cassandra."
Hindi niya kilala ang tinutukoy nito pero nabaling ang atensyon nila nang may tumunog at bumukas na isang elevator. Ito na marahil si Cassandra. Naka-pambahay lang ito- lose shirt and pants, her hair in a messy bun, with huge eyeglasses.
Cute.
"Oh, nandito na pala kayo." anang babae. May hawak na box at mga platito.
"Galing ako sa kusina sa itaas. I got these for our special visitor." anito na nakangiting bumaling sa kanya. She's pretty.
Pero hindi doon tumutok ang atensyon niya kundi sa sinabi nito.
"Sa itaas?" she asked then looked at the elevator behind Cassandra.
Nilingon niya si Lucero na kakatwang nasa isang monitor na at patay-malisyang may tinitingnan doon kunwari.
Nahagip ng kanyang mga mata ang isang vase at inasinta ang djinn na walang hirap na nakailag. Pinagpagod siya ng walanghiyang djinn gayung may elevator naman pala. Maitim talaga ang budhi!
Tatawa-tawa ito nang lapitan si Cassandra at kunin ang box na cake pala ang laman.
"Kumain ka nalang ng cake." anito saka naupo sa isang couch doon.
Wala siyang nagawa kundi ang maupo na rin dahil napagod siya sa ginawang pasikot-sikot at pagbaba sa pesteng hagdan. Salamat sa lintik na djinn na nilalantakan na ang cake.
Inabot na rin niya ang platitong may lamang cake na iniaabot ni Cassandra. Hindi niya kayang sungitan ang babae gayung napakaamo ng mukha nito. Teka, ito ba ang may-ari ng mansion? Fallen angel din kaya ito? Tinitigan niya ang babae.
"Before you conclude, hindi ako ang may-ari ng mansion na ito. And I'm not a fallen angel. Mukha lang akong anghel but I am not." anito na ni hindi siya tinitingnan.
Namamangha na tila alam nito ang iniisip niya. Saka lang siya nito binalingan nang matapos kainin ang slice ng cake nito.
"I'm a wizard."
Napatitig siya nang gusto sa mukah nito. Kaya pala hindi niya mawari kung ano ito. Normal na sa kanila ang maramdaman ang presence ng ibang nilalang na katulad nila.
Ang mga wizard ay tao pa rin kaya hindi masyadong malakas ang Ki. Pero hindi pa rin normal ang mga ito. They use different kind of magic kaya mapanganib pa rin ang mga ito. Especially, the black wizards.
"Tapusin mo na muna yan at pupunta tayo sa main office. Ipakikilala kita sa boss ng Order."
"Boss?"
Ano ang mga ito, Gang? At may boss pa talaga?
"Yes."
"What is Order?"
"Order is what it implies. Dito sa Terras, sa realm ng mga tao, madalas ipadala ang mga napaparusahan sa kanilang mga mundo. Thousands of years ago, nagkaroon ng kaguluhan and so the supernaturals banished from their home decided to have an order. Gumawa kami ng batas na kailangang sundin ng lahat ng supernaturals na nandito sa Terras." paliwanang ni Cassandra.
"You mean like the Consentes Di?"
"Yes. Buti nalang talaga at may nalalaman din ako sa Janna. You know, ang pinakamahirap pag-aralan na mundo ay ang mundo niyo."
"It is the absolute." pagmamalaki niya. Dahil sa Janna nagmula ang lahat. Kung wala ang Janna, everything would be nothing.
"True. But there many lapses on your law. Well, there is no perfect law. Hangga't may nabubuhay na nilalang, patuloy na mag-iiba ang mga bagay. That is the absolute truth."
Hindi siya nakaimik dahil totoo.
"Ako ang official tracker ng Order. Lahat ng lumalabas at pumapasok ay kontrolado ko. Ako rin ang nagbibigay ng go signal sa mga kasapi. Not that marami kami."
Hindi niya ito naintindihan pero wala siyang pakialam. Iba ang ipinunta niya roon.
"What is this unbalanced thing?"
"As what I've said, change is the only constant thing. At nasa phase na tayo ng pagbabago."
"Pagbabago?"
Pansin niyang medyo nalungkot ito. Naglalakad pa rin sila. Gaano ba kalaki ang mansiong yun? Isinusumpa na niya ang mga malalaking bahay.
"Unti-unting humihina ang enerhiya ng kabutihan. The Eviska is getting bigger rapidly we can't imagine how will it be in the next few years. Or maybe months."
Saglit siyang natigilan. Hindi niya masyadong ma-absorb ang sinasabi nito but one thing is clear- there will be chaos, wars, poverty, and death. Countless death and eternal darkness.
Ang mundo ay binabalanse ng dalawang Ki o enerhiya. Ang Eviska na siyang Ki ng kasamaan at ang Herra naman ang Ki ng kabutihan. Ang dalawang Ki ay nakapaloob sa isang vial na walang nakakaalam kung saan nakatago. Nasa pag-iingat iyon ng dalawang anghel.
Gayunpaman, imposible ang sinasabi ng wizard na lumalaki ang Eviska. The two must be equal because they are the twin Ki. Kagaya ng Ying at Yang. One cannot exist without the other.
Tiningnan siya ni Cassandra. "Eviska is overpowering the Herra."
"But it can't be."
Imposible talaga iyon.
"Yes. That's why we, the Order, is looking for some possibilities how and why."
Napaisip uli siya. Pero wala na siyang makuhang sagot. Sa tanang buhay niya bilang anghel at mag-aaral ni Athena ay wala pa siyang nababasa o naririnig ng tungkol dito. It is just too much to believe. But it was actually happening.
"Ano'ng mangyayari kapag nangyaring nilamon na ng Eviska ang Herra?"
They stopped to another door.
"There will be an Apocalypse."
*** ***
Can you still follow the order?
I mean, the plot. Hindi yan kasama dapat sa nabuo kong plot noong una. But while I'm writing, the idea just popped out of my mind. And shiiiing!
Anyway, sarili ko lang kausap ko. Haha!
Love y'all! :*
YOU ARE READING
The Sinner's Heart
RandomNakagawa si Artemis ng isang napakabigat na kasalanan. Ang parusa: Ginawa siyang tao. Isang Fallen Angel. Hindi siya kailanman makababalik sa Janna (paraiso) hangga't hindi niya napupuno ng liwanag ang kanyang sisidlan ng kabutihan. Kaya ito siya ng...