eleven | unbalanced

7 1 0
                                    

This is getting exciting, you know :)

Kabanata 11

ILANG araw nang inaaabangan ni Artemis si Lucero sa parking kung saan una niya itong nakita. Iyon lang kasi ang sigurado siyang lugar kung saan niya matatagpuan ang itim na djinn. Sigurado din siyang may alam ito sa nangyayari.

Ilang araw mula nang maganap ang kaguluhan sa may parke ng kanilang subdivision. Sa mismong parke talaga nila!

At ang isa pang nakababahala ay kung paanong ipinalabas sa publiko na may shooting lang ng pelikula ang ginaganap sa kanilang lugar.

Nang hindi nagpapaalam sa mga resindente? Paano kung may nadisgrsya? O di kaya ay may namatay sa sobrang takot? Bilang pakonswelo ay nagsagawa ng mini concert ang sikat na banda sa kanila. At ang mga uto-utong mga kapitbahay nila ay nagpauto naman.

Kunsabagay, kung naging mortal lang siya magpapauto nalang din siya. Kung hindi lang niya nakita na mismong si Ephraim ang nandoon ay baka napaniwala na siya.

But no. Everything that happened that Sunday morning was real. Isa pa, sino ang nagpalabas na shooting lang yun?

Imposibleng ang media ang gumawa no'n. Mas gusto pa nga ng mga ito na magbalita ng mga kamangha-mangha para tumaas ang rating ng istasyon ng mga ito. But the media was silent about it. Ni walang nagbigay ng mga sariling opinyon. Pare-pareho ang sinasabi ng nga ito. And she knew, someone is controlling the media.

Iyon ang mas nakababahala. If someone is controlling the media to stop the incident from spreading, then the matter must be serious.

"Lucero!" sigaw niya. Baka sakaling pinagtataguan siya ng pesteng djinn.

Isang liko pa sa isang sasakyan at nabunggo siya sa isang matigas na bagay.

"Aww!" sabay nilang daing ng kung sinong tangang bumunggo sa kanya.

Siyempre, ito ang tanga at hindi siya.

"Tumingin ka nga sa dinaraanan mo!" asik niya habang sapo ang nasaktang noo. Marmol yata ang bumangga sa noo niya? Biglang naalog ang utak niya, eh.

"I'm sorry. Hindi ko sinadya."

Lumipad ang tingin niya sa may sala. Only to see Homer extending his hand on her. Nakatayo na ito habang nakayuko sa kanya. Samantalang nakasalampak pa rin siya sa sahig.

Hindi niya maiwasang mamangha. In fairness, ang tigas ng dibdib nito. O sa dibdib nga ba talaga siya nito bumangga? Imposible. Lampa ito. Paano ito magkakaroon ng sintigas ng marmol na dibdib?

Sa halip na tanggapin ang kamay nito ay tumayo siya. Hinihimas pa rin ang noo.

"Tumingin ka nga sa dinaraanan mo." pagalit na sita uli niya.

"Ikaw itong hindi tumitingin sa daan-"

Binigyan niya ito ng nagbabantang tingin. "May sinasabi ka?"

He immediately stopped mid sentence.

"Ang sakit no'n, ah. Para akong hinampas sa noo." reklamo niya.

"Sorry." anito.

"Basta sa susunod, mag-iingat ka sa dinaraanan mo at nang hindi ka nakakadisgrasya." pangaral niya.

"I'll keep that in mind."

"Dapat lang! Ang sarap mong tirisin." aniya.

Siya pa ang may ganang maniris. Di hamak na mas matangkad at mas malaki ito kaysa sa kanya. Ngumiti lang ang lalaki showing those deep dimple on his right cheek.

The Sinner's HeartWhere stories live. Discover now